Korte Suprema, nilinaw na wala pang desisyon kaugnay ng NCAP

Pinagdedebatihan pa rin ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang legalidad ng pagpapatupad ng “No Contact Apprehension Policy” o NCAP. Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, sumasailalim pa rin sa deliberasyon ng en banc ang legalidad ng nasabing polisiya, matapos maglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte noong 2022. Hanggang sa ngayon ay… Continue reading Korte Suprema, nilinaw na wala pang desisyon kaugnay ng NCAP

Posibleng cyber attack sa 2025 elections, hindi isinasantabi ng NICA

Hindi isinasantabi ng pamahalaan ang posibleng cyber attack sa nalalapit na 2025 midterm elections. Ito ang inihayag ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo de Leon sa “Bagong Pilipinas” Media Engagement and Workshop sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales noong Biyernes. Ayon kay de Leon, kumikilos na ang pamahalaan… Continue reading Posibleng cyber attack sa 2025 elections, hindi isinasantabi ng NICA

Pagsertipika bilang ‘urgent’ sa panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law, welcome sa DA

Suportado ng Department of Agriculture ang panukalang amyenda ng Kamara sa RA 11203 o Rice Tariffication Law kasama ang probisyon para maibenta muli ang murang NFA rice sa merkado. Ito kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sesertipikahan nito bilang ‘urgent’ ang panukalang ma-repaso ang RTL. Ayon kay DA Spokesperson… Continue reading Pagsertipika bilang ‘urgent’ sa panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law, welcome sa DA

Umano’y planong tapyas benepisyo sa mga pulis, ‘fake news’ — PNP chief

Tinawag na “fake news” ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa umano’y planong pagtatapyas sa benepisyo ng mga pulis. Partikular na tinukoy ng PNP chief ang patungkol sa planong pagbabawas sa rice subsidy gayundin sa mga nakukuhang Combat Incentive Pay (CIP) at… Continue reading Umano’y planong tapyas benepisyo sa mga pulis, ‘fake news’ — PNP chief

PBBM, handang sertipikahang ‘urgent’ ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law

Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Ferdinand R. Marcos na sertipikihan bilang ‘urgent’ ang isinusulong na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law. Sa media interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na sadyang may pagtaas sa presyo ng bigas at dahil na rin ito sa pagkakaroon ng kumpetisyon sa hanay ng mga trader. Lumalabas sabi… Continue reading PBBM, handang sertipikahang ‘urgent’ ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law

Mga motorsiklo, nangunguna sa mga pasaway na dumaraan sa EDSA busway

Hindi tatantanan ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) ang pagkakasa ng operasyon sa kahabaan ng EDSA Busway Sa bahagi ng EDSA-Santolan, 8 motorsiklo at isang ambulansya ang binigyan ng ticket ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa busway. Katuwiran ng driver ng ambulansya, galing sila ng Cavite at… Continue reading Mga motorsiklo, nangunguna sa mga pasaway na dumaraan sa EDSA busway

PBBM, hindi suportado ang isinusulong na paglalagay ng water cannon sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas

Hindi pabor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga isinusulong na panukala na lagyan ng water cannon ang mga vessel ng Pilipinas, sa gitna ng ilang ulit na paggamit ng China ng water cannon sa mga sasakyang pandagat ng bansa. “No. What we are doing is defending our sovereign rights and our sovereignty in… Continue reading PBBM, hindi suportado ang isinusulong na paglalagay ng water cannon sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas

Firehose, target maging accessible sa bawat barangay

Bilang pakikiisa sa International Firefighters Day, ipinapanukala ni Quezon City 5th District Rep. PM Vargas na gawing mas accessible ang firehose sa mga barangay. Sa kaniyang Fire Proof Barangay Act, palalakasin ang firesafety sa bawat komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng firehose cabinets sa kada 150-metro sa mga barangay. Sakaling maisabatas, uunahin itong ipatupad sa… Continue reading Firehose, target maging accessible sa bawat barangay

Cagayan de Oro Water District, pinapa-audit ng isang sectoral group

Naghain ng petisyon ang grupong United Filipino Consumers and Commuters para ipa-audit ang Cagayan de Oro Water District sa Local Water Utilities Administration o LWUA. Sa kanilang petisyon sa pangunguna ng Lead Convener na si RJ Javellana, nais nilang silipin ng LWUA ang kapabayaan ng naturang water district at malaking pagkakautang na hindi nabayaran mula… Continue reading Cagayan de Oro Water District, pinapa-audit ng isang sectoral group

Mabuhay Lanes na nagsisilbing alternatibong ruta habang nakasara ang Kamuning flyover, muling sinuyod ng MMDA

Muling nagkasa ngayong umaga ng follow-up clearing operations ang MMDA sa Mabuhay Lanes sa bahagi ng South Triangle na nagsisilbing alternatibong ruta habang nakasara pa ang southbound lane ng EDSA-Kamuning flyover. Tinutukan mismo ni MMDA General Manager Procopio Lipana ang clearing operations kung saan puntirya pa rin ang mga sasakyang iligal na nakaparada at mga… Continue reading Mabuhay Lanes na nagsisilbing alternatibong ruta habang nakasara ang Kamuning flyover, muling sinuyod ng MMDA