PSC, hinikayat na maglabas ng heat index advisory sa mga organizer ng outdoor sports events

Umapela ang isang mambabatas sa Philippine Sports Commission at Department of the Interior and Local Government na maglabas ng heat index advisories sa lahat ng outdoor sports organizers at LGU hosts. Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos, kritikal ang impormasyong ito para sa kaligtasan ng mga manlalaro. Maliban kasi aniya sa init… Continue reading PSC, hinikayat na maglabas ng heat index advisory sa mga organizer ng outdoor sports events

Engkwentro sa Albay, isa patay, dalawa arestado

Nauwi sa pagkakasawi ng isang indibidwal, habang dalawa naman ang naaresto sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga kapulisan at mga armadong kalalakihan sa Brgy. Magogon, Camalig, Albay nitong Huwebes ng madaling araw, Abril 18, 2024. Sa ulat ng PNP Bicol, nakatanggap umano ng sumbong ang Camalig Municipal Police Station mula sa isang residente… Continue reading Engkwentro sa Albay, isa patay, dalawa arestado

Mahigit 8k benepisyaryo ng AICS sa Sulu, makakatanggap ng tulong pinansyal mula DSWD

Sinimulan na ngayong araw (Abril 19) ang payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IX sa Zamboanga City para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa bayan ng Jolo, Sulu. Ayon kay Agnes Sia, Administrative Officer ng DSWD IX, makakatanggap ng tig-P3,500 ang may 4,194 kabuuang benepisyaryo nito… Continue reading Mahigit 8k benepisyaryo ng AICS sa Sulu, makakatanggap ng tulong pinansyal mula DSWD

Mga ahensya ng pamahalaan, pinakikilos ng isang mambabatas para siyasatin ang pagdami ng Chinese nationals malapit sa EDCA sites at pangunahing air at sea ports sa bansa

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, at intelligence community ng militar at kapulisan na imbestigahan ang kaduda-dudang pagdami ng Chinese nationals malapit sa EDCA sites at pangunahing pantalan at paliparan sa bansa. Aniya, dapat lang na alamin at imbestigahan ng BI kung ilang Chinese… Continue reading Mga ahensya ng pamahalaan, pinakikilos ng isang mambabatas para siyasatin ang pagdami ng Chinese nationals malapit sa EDCA sites at pangunahing air at sea ports sa bansa

Civil Relations Service ng AFP, nagdiwang ng ika-73 anibersaryo

Ipinagdiwang kahapon (Abril 18) ng Civil Relations Service Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) ang kanilang ika-73 anibersaryo sa Camp Aguinaldo. Ang programa ay pinangunahan ni Acting AFP Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura na kumatawan kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. at CRSAFP Commander Major General Ramon Zagala. Sa kanyang pahayag, ipinaabot… Continue reading Civil Relations Service ng AFP, nagdiwang ng ika-73 anibersaryo

10 delinquent employers sa Novaliches, sinilbihan ng ‘notice of violation’ ng SSS

Aabot sa 10 establisyimento ang binisita at sinilbihan ngayon ng ‘notices of violation’ ng Social Security System. Kasunod ito ng isinagawang “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ng SSS sa Novaliches. Ito ay para paalalahanan ang mga delinquent employer na hindi nakakapag-comply sa kanilang obligasyon sa ilalim ng RA 11199 o ang Social… Continue reading 10 delinquent employers sa Novaliches, sinilbihan ng ‘notice of violation’ ng SSS

DFA at DMW, tiniyak ang kahandaan sa pagtugon sa krisis sa Middle East

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers ang kanilang kahandaang respondehan ang mga OFW sa Middle East sakaling magka-giyera doon. Sa ipinatawag na briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs, natanong ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo, Chair ng Komite na sa scale na 1 to 10, ay gaano na… Continue reading DFA at DMW, tiniyak ang kahandaan sa pagtugon sa krisis sa Middle East

Nirentahang bahay ng Canadian national na sangkot umano sa mahigit P9-B halaga ng nasabat na iligal na droga sa Batangas, sinalakay ng pulisya

Sinalakay ng mga operatiba ng Batangas Provincial Police Office – Drug Enforcement Unit ang nirerentahang bahay ng isang Canadian national na ini-uugnay sa nasabat na P9.6 bilyong halaga ng shabu sa Alitagtag, Batangas. Batay sa ulat ng Police Regional Office 4-A o CALABARZON na ipinarating sa Kampo Crame, nagsimula ang operasyon ala-1:20 ng madaling araw… Continue reading Nirentahang bahay ng Canadian national na sangkot umano sa mahigit P9-B halaga ng nasabat na iligal na droga sa Batangas, sinalakay ng pulisya

Luzon at Visayas grid, isasailalim muli sa yellow at red alert ngayong Biyernes

Simula ngayong tanghali ay muling inilagay sa yellow at red alert na naman ang Luzon at Visayas grid. Ito na ang ikaapat na sunod na araw na inilagay sa alert status ang Luzon at Visayas grid dahil sa kakapusan ng reserba sa kuryente. Sa abiso ng NGCP, magsisimula ang Yellow alert sa Luzon Grid mamayang… Continue reading Luzon at Visayas grid, isasailalim muli sa yellow at red alert ngayong Biyernes

Kauna-unahang babaeng presidente at COO ng PAGCOR, nanumpa na sa tungkulin

Mismong sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin nanumpa ng kanyang Oath of Office si Atty. Wilma Eisma bilang bagong Pangulo at Chief Operating Office ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ayon kay PAGCOR Chairperson Alejandro Tengco, masaya sila sa pagtanggap kay Eisma bilang kauna-unahang babaeng PAGCOR president at COO. Kumpiyansa din si Tengco… Continue reading Kauna-unahang babaeng presidente at COO ng PAGCOR, nanumpa na sa tungkulin