Comelec, maghahain ng motion for reconsideration kaugnay sa desisyon ng SC na makasali ang Smartmatic sa mga susunod na bidding

Inihahanda na ng Commission on Election ang ipadadala nitong komunikasyon sa Office of Solicitor General para maghain ng motion for reconsideration sa Supreme Court kaugnay sa desisyon nito para makasali sa mga susunod na bidding ang Smartmatic. Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kakausapin nila ang SolGen para sila ay katawanin sa nasabing isyu.… Continue reading Comelec, maghahain ng motion for reconsideration kaugnay sa desisyon ng SC na makasali ang Smartmatic sa mga susunod na bidding

Mataas na trust at performance rating sa OCTA survey, ikinalugod ng DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naging resulta ng 1st Quarter Tugon ng Masa (TNM) public satisfaction and trust rating survey kung saan kasama ang ahensya sa mga nanguna bilang ‘most trusted’ at ‘best-performing’ na ahensya sa bansa. Batay sa TNM survey na isinagawa ng OCTA Research mula March 11 to… Continue reading Mataas na trust at performance rating sa OCTA survey, ikinalugod ng DSWD

San Juan City LGU, nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing fire volunteer sa sunog sa Brgy. Batis kamakalawa

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang sakripisyo at kabayanihan ng fire volunteer na si Chasper Kenneth Alcantara Oliver. Nasawi ang 25-anyos na si Chasper o CK habang tumutugon sa tawag ng tungkulin bilang fire volunteer at kabilang din sa mga unang rumesponde sa sunog sa Brgy. Batis kamakalawa. Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni… Continue reading San Juan City LGU, nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing fire volunteer sa sunog sa Brgy. Batis kamakalawa

Luzon at Visayas grid, muling isasailalim sa yellow alert ngayong hapon

Nag-abiso ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa yellow alert ang Luzon at Visayas grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente. Ipatutupad ang yellow alert status sa Luzon Grid simula mamayang ala-1 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi o tatagal ng sampung oras habang mula ala-1 ng hapon hanggang… Continue reading Luzon at Visayas grid, muling isasailalim sa yellow alert ngayong hapon

PNP-ACG, binalaan ang publiko sa online “middleman scam”

Inabisuhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang publiko na mag-ingat sa “middleman scam” sa Facebook marketplace at iba pang online-selling platform. Ito’y matapos na maaresto ng ACG sa entrapment operation ang isang alyas Juan na nagpanggap na nagbebenta ng internet modem sa Facebook Market Place. Nakumbinsi ng suspek ang kanyang biktima na bayaran ang inorder nitong… Continue reading PNP-ACG, binalaan ang publiko sa online “middleman scam”

BFAR chief, sinibak sa pwesto ng Ombudsman; DA nagtalaga na ng kapalit

Sinibak na sa pwesto ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Demosthenes Escoto. Ito’y matapos mapatunayang guilty sa kasong katiwalian sa pagbili ng BFAR ng communications equipment noong 2018. Dahil dito, nagtalaga na ng bagong pinuno ng BFAR si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. matapos matanggap ang kautusan… Continue reading BFAR chief, sinibak sa pwesto ng Ombudsman; DA nagtalaga na ng kapalit

Surigao solon, nagpahayag ng pagkabahala sa napaulat na pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese sa bansa

Nababahala ngayon si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa ulat ng pagdami ng mga estudyante sa bansa na mula China. Ayon sa mambabatas, lumalabas sa mga pagdinig sa Kamara na nakakakuha ang Chinese nationals na ito ng Filipino birth certificates, lisensya, UMID cards, pasaporte at maging pagiging miyembro ng auxiliary force ng Philippine… Continue reading Surigao solon, nagpahayag ng pagkabahala sa napaulat na pagdagsa ng mga estudyanteng Chinese sa bansa

PH at US Air Force, nagpalitan ng ‘best practices’

Nagpalitan ng “best practices” ang Philippine Air Force (PAF) at U.S. Air Force (USAF) sa pagpapatuloy ng COPE Thunder PH 24-1 exercise at Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga, kahapon (Abril 16). Ang aktibidad ay bahagi ng Subject Matter Expert Exchange (SMEE) sa larangan ng Aircraft Maintenance, Supply, and Logistics management. Ang SMEE ay pinangunahan… Continue reading PH at US Air Force, nagpalitan ng ‘best practices’

Manila Water, tiniyak ang sapat na suplay ng tubig sa mga ospital at paaralan ngayong tag-init

Tiniyak ng Manila Water ang maaasahang suplay ng tubig para sa mga ospital at paaralan sa East Zone sa buong summer ngayong taon. May kabuuang 173 public at 210 private hospital at 916 public at 999 private schools sa East Zone ng Metro Manila at Rizal Province. Sinabi ni Manila Water’s Corporate Communications Affairs Director… Continue reading Manila Water, tiniyak ang sapat na suplay ng tubig sa mga ospital at paaralan ngayong tag-init

Chinese na suspek sa iligal na posesyon ng armas at isa pang Chinese na nagtangkang manuhol, parehong arestado

Inaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang Chinese national matapos makuhanan ng mga baril at iba pang kontrabando sa pagpapatupad ng search warrant sa isang townhouse sa Brgy. Bambang, Taguig. Sa ulat ni NCRPO Director Police Maj. General Jose Melencio Nartatez Jr. kay… Continue reading Chinese na suspek sa iligal na posesyon ng armas at isa pang Chinese na nagtangkang manuhol, parehong arestado