Pananamantala sa 30-day period bago i-pull out ang mga container ng imported na bigas sa pantalan, maituturing na hoarding

Nakiusap si Speaker Martin Romualdez sa mga importer ng bigas na huwag pagsamantalahan ang reglementary period bago ilabas ang mga shipment ng bigas dahil maituturing na rin itong hoarding. Ito ang binigyang-diin ng House Speaker sa ginawang oversight inspection sa Manila International Container Port (MICP) kung saan may nakatengga pang 523 containers ng imported na… Continue reading Pananamantala sa 30-day period bago i-pull out ang mga container ng imported na bigas sa pantalan, maituturing na hoarding

Cassandra Ong, nailipat na sa women’s correctional sa Mandaluyong

Nailipat na ng detention facility si Cassandra Ong, ang sinasabing incorporator ng Whirlwind Corporation at representative ng Lucky South 99 na pawang mga POGO company. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, Miyerkules ng hapon nang ilipat si Ong sa women’s correctional sa Mandaluyong. Matatandaan na noong nakaraang pagdinig ng Quad Committee ay muling ipina-contempt… Continue reading Cassandra Ong, nailipat na sa women’s correctional sa Mandaluyong

Dagdag kita para sa mga tsuper, alok sa ‘Tuloy Biyahe’ program

Sa pakikipagtulungan sa QC LGU, umarangkada ngayong umaga sa Quezon City Hall ang “Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow” ng on-demand delivery platform na Lalamove. Ayon kay Lalamove Managing Dir. Djon Nacario, layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga drayber na maging sarili nilang boss, at magkaroon ng dagdag kita bilang accredited partner drivers. “Our… Continue reading Dagdag kita para sa mga tsuper, alok sa ‘Tuloy Biyahe’ program

Paglagda ni PBBM sa ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Act’, inaabangan ng DA chief

Nakaabang na ang Department of Agriculture sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Sa pagdalo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. sa 2024 Sustainable Agriculture Forum, sinabi nitong masaya siya na sa wakas ay malalagdaan na ang batas na tutugon sa malawakang problema ng ‘agricultural smuggling’ sa bansa.… Continue reading Paglagda ni PBBM sa ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Act’, inaabangan ng DA chief

Senatorial lineup ng administrasyon sa 2025, pormal nang inanunsyo sa ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention 2024’

Opisyal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang senatorial lineup ng administrasyon para sa 2025 elections. Mula sa limang partido ang kabilang sa ‘magic 12’ slate ng administrasyon na sasabak sa senatorial race sa susunod na taon. Tatlo mula sa Partido Federal at ito ay sina dating senador Manny Pacquiao, DILG Secretary Benhur… Continue reading Senatorial lineup ng administrasyon sa 2025, pormal nang inanunsyo sa ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention 2024’

Pilipinas, napanatili ang ‘economic growth outlook’; patuloy na pagbagal ng inflation, inaasahan — ADB

Binago ng Asian Development Bank ang kanilang inflation forecast sa Pilipinas sa 3.6 percent mula sa unang pagtaya na 3.8 percent. Ang mas mababang forecast ay indikasyon ng patuloy na pagbaba ng presyo ng pagkain bunsod ng mas mababang taripa sa imported na bigas. Sa kanilang inilabas na Asian Development Outlook September 2024 report, napanatili… Continue reading Pilipinas, napanatili ang ‘economic growth outlook’; patuloy na pagbagal ng inflation, inaasahan — ADB

Polangui at Guinobatan Farm-to-Market Roads, makukumpleto na

Matatapos na sa katapusan ng Setyembre ang 2.5-kilometrong Farm-to-Market Road sa Polangui, Albay na pinondohan ng P50 milyon ng Department of Agrarian Reform. Inaasahang ililipat ng DAR ang pamamahala ng matatapos na proyekto sa lokal na pamahalaan sa Oktubre. Ayon kay provincial Agrarian Reform Program Officer Randy Frogosa, tapos na ang isinagawang final inspection sa… Continue reading Polangui at Guinobatan Farm-to-Market Roads, makukumpleto na

LTO, pinaiiwas ang publiko sa pagtangkilik ng Online Driver’s License Assistance

Binalaan ng Land Transportation Office ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga Online Driver’s License Assistance. Ayon sa LTO, nakakabahala na ang pagtaas ng bilang ng mga post partikular sa Facebook na nag-aalok ng ‘non-appearance’ at mabilis na proseso ng transaksyon kapalit ang malaking halaga. Kinokondena ng LTO ang ganitong mga aktibidad, bukod sa… Continue reading LTO, pinaiiwas ang publiko sa pagtangkilik ng Online Driver’s License Assistance

Speaker Romualdez, muling iginiit ang commitment ng Kamara na pagtibayin ang priority legislative agenda ng Marcos admin

Muling siniguro ni Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa pagpapatibay ng mga priority legislative agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng ika-anim na LEDAC meeting. Sa pag-uulat ng House leader, hanggang nitong September 25 ay naaprubahan na aniya ng Kamara ang 60 sa 64 na LEDAC priority measures. 26 sa 28… Continue reading Speaker Romualdez, muling iginiit ang commitment ng Kamara na pagtibayin ang priority legislative agenda ng Marcos admin

Lalawigan ng Cavite, handa na sa idaraos na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Puspusan ang paghahanda ng Cavite para sa pagtatanghal ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa nasabing lalawigan sa September 27 at 28. Kabilang sa local host ng BPSF event sina Senador Bong Revilla, Cong. Lani Mercado, Cong. Bryan Revilla at Cong. Jolo Revilla. Inaasahan ang mahigit 60 mga ahensya ng gobyerno ang maghahatid ng serbisyo sa… Continue reading Lalawigan ng Cavite, handa na sa idaraos na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair