DA-ACPC, naglabas ng ₱80-M inisyal na pondo para sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Agriculture sa mga magsasakang apektado ng matinding tagtuyot. Ayon sa DA, nakapaglabas na rin ang Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ng inisyal na P80 milyong credit funding para sa mga magsasakang tinamaan ng El Niño sa Oriental Mindoro. Kasama sa makikinabang rito ang mga magsasaka sa Bulalacao… Continue reading DA-ACPC, naglabas ng ₱80-M inisyal na pondo para sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Dagdag na silid-aralan at maayos na ventilation, higit na kailangan dahil sa naitatalang mataas na heat index

Binigyang diin ngayon ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang kagyat na pangangailangan para sa dagdag na silid-aralan bunsod ng matinding heat index na hinaharap ngayon ng mga mag-aaral at guro. Dahil aniya sa napakataas na temperatura na iniinda ng mga estudyante at guro ay naaapektuhan ang kalidad ng… Continue reading Dagdag na silid-aralan at maayos na ventilation, higit na kailangan dahil sa naitatalang mataas na heat index

Poverty rate sa Pilipinas, inaasahang bababa sa mga susunod na taon — World Bank

Kasabay ng inaasahang pagbuti ng GDP growth ay tinataya naman ang pagbaba ng poverty rate sa Pilipinas. Sa inilabas na World Bank Macro Poverty Outlook para sa Pilipinas, sa kabila ng mga banta ng climate change na siyang makakaapekto sa paglago, bababa ang purchasing power parity sa 12.2% ngayong taon at 9.3% naman sa taong… Continue reading Poverty rate sa Pilipinas, inaasahang bababa sa mga susunod na taon — World Bank

OCD, nilinaw na wala silang kaugnayan sa umano’y pagdating sa bansa ng ‘military equipment’

Nilinaw ng Office of Civil Defense na walang kaugnayan si OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa isang video na kumalat tungkol sa pagdating sa bansa ng military equipment mula sa Estados Unidos at Pransya. Sa video na pinost ng “Military Information” sa YouTube, iniulat ang umano’y pagdating sa Subic noong Marso 28 ng 400 container… Continue reading OCD, nilinaw na wala silang kaugnayan sa umano’y pagdating sa bansa ng ‘military equipment’

8 indibidwal na nagpapanggap na opisyal ng DBM, inaresto ng NBI

Walong indibidwal na nagpapapanggap na opisyales o konektado sa Department of Budget and Management ang nadakip ng National Bureau of Investigation sa isang entrapment operation na isinagawa sa Mandaluyong City. Ayon sa inisyal na report na inilabas ng NBI, nabatid na noong una ay nagpakilala ang isa sa mga suspek bilang isang undersecretary umano ng… Continue reading 8 indibidwal na nagpapanggap na opisyal ng DBM, inaresto ng NBI

Pagtaya ng World Bank sa growth outlook ng Pilipinas sa 2024, mananatili sa 5.8%

Mananatili ang pagtaya ng World Bank sa 2024 economic growth forecast ng Pilipinas na nasa 5.8%. Sa inilabas nitong April 2024 East Asia and Pacific Economic Update Report, inaasahang magiging pangalawa sa ‘fastest-growing economy’ ang Pilipinas sa Silangang Asya at sa Pasipiko. Binago din ng World Bank ang kanilang 2025 growth projection sa bansa sa… Continue reading Pagtaya ng World Bank sa growth outlook ng Pilipinas sa 2024, mananatili sa 5.8%

Pagtaya sa economic growth outlook ng PH, patunay na napapanahon ang isinusulong na economic amendments — lady solon

Tiwala si House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na magdadala ng pag-unlad sa bansa ang pag-amyenda sa mahigpit na probisyon ng 1987 Constitution at magbubukas ng oportunidad para sa foreign investment. Ito ang sagot ni Garin nang tanungin ang kaniyang pananaw sa inilabas na international report kaugnay sa mga balakid sa pagdagsa… Continue reading Pagtaya sa economic growth outlook ng PH, patunay na napapanahon ang isinusulong na economic amendments — lady solon

Kumakalat na dokumento online na nag-uugnay muli sa pangalan ng pangulo, peke ayon sa PDEA

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na peke ang kumakalat na operational documents online na muling naghahatak sa pangalan ni Pang. Ferdinand R Marcos Jr. Partikular ito sa social media post kung saan pinalalabas na nasa drug list si Pangulong Marcos at may nakalakip pang larawan ng isang Authority to Operate at Pre-Operation Report,… Continue reading Kumakalat na dokumento online na nag-uugnay muli sa pangalan ng pangulo, peke ayon sa PDEA

Klase sa Navotas, adjusted dahil sa tindi ng init

Bilang tugon sa matinding init ng panahon, nagpatupad na rin ang Navotas Schools Division Office ng adjusted class schedules para sa mga pampublikong eskwelahan sa lungsod. Ito ay kaugnay sa forecasted heat index ng PAGASA sa Metro Manila na 40 degrees pataas ngayong tag-init. Ayon sa abiso ng Navotas SDO, pinauwi na ng alas-10 ng… Continue reading Klase sa Navotas, adjusted dahil sa tindi ng init

Pagpataw ng mas mataas na multa sa mga korporasyon na bigong magsumite ng reportorial requirements, epektibo na ngayong April 1

Simula ngayong araw, April 1, ipatutupad ng Securities and Exchange Commission ang mas mataas na multa sa mga kumpanya o korporasyon na bigong mag-file ng kanilang reportorial requirements. Ang pagtataas ng multa ay nakasaad na inilabas na memorandum circular ng state regulator noong March 27, ang Updated Fines and Penalties on the Late and Non-Submission… Continue reading Pagpataw ng mas mataas na multa sa mga korporasyon na bigong magsumite ng reportorial requirements, epektibo na ngayong April 1