Panukala para mapababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, pinagtibay ng Kamara

Aprubado na sa huling pagbasa ang panukala na nilalayong magtatag ng isang Tripartite Council upang matugunan ang problema sa unemployment, underemployment at job-skills mismatch sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 7370, ang Tripartite Council ay kabibilangan ng mga kinatawan mula sa gobyerno, academe, at industry sector na siyang magbabantay sa employment, unemployment, underemployment, at… Continue reading Panukala para mapababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, pinagtibay ng Kamara

NCRPO, ipinagmalaki ang pagkakasabat sa mahigit P4-B halaga ng shabu sa isang Chinese sa Baguio City

Pinapurihan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Edgar Allan Okubo ang iba’t ibang yunit ng pulisya gayundin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ito ay kasunod ng pagkakasabat sa mahigit 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P4 na bilyong mula sa isang Chinese national sa isinagawang Search Warrant… Continue reading NCRPO, ipinagmalaki ang pagkakasabat sa mahigit P4-B halaga ng shabu sa isang Chinese sa Baguio City

DepEd, wala pang planong ibalik sa pre-pandemic period ang “summer break” ng mga mag-aaral

Wala pang plano ang Department of Education (DepEd) na ibalik ang bakasyon ng mga mag-aaral sa Abril hanggang Mayo sa gitna ng tumitinding init ng panahon sa bansa. Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ipinauubaya sa school heads ang suspensyon ng face-to-face classes kung hindi maayos ang kapaligiran para sa pagtuturo. Gayunman ay pag-aaralan… Continue reading DepEd, wala pang planong ibalik sa pre-pandemic period ang “summer break” ng mga mag-aaral

AFP, umaasang ito na ang huling taon na magdiriwang ng anibersaryo ang NPA

Tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malapit na ang wakas para sa Communist Terrorist Group na New People’s Army (NPA). Ito ang mensahe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasunod ng ika-54 na anibersaryo ng Komunistang Grupo ngayong araw. Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Medel Aguilar, dahil sa mangilan-ngilan na lamang ang nalalabing… Continue reading AFP, umaasang ito na ang huling taon na magdiriwang ng anibersaryo ang NPA

Pamahalaan, nagpapatupad ng iba’t ibang hakbang para sa kapakanan ng traffic enforcers at street sweepers sa gitna ng mainit na panahon

Nakikipagugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang kumpanya halimbawa sa Pocari Sweat, upang mabigyan ng tubig at energy drink ang mga traffic enforcer at street sweepers ng tanggapan. Ito ayon kay MMDA Spokesperson Atty. Melissa Carunungan ay isa lamang sa mga hakbang na ipinatutupad ng kanilang tanggapan, upang matiyak ang kapakanan ng… Continue reading Pamahalaan, nagpapatupad ng iba’t ibang hakbang para sa kapakanan ng traffic enforcers at street sweepers sa gitna ng mainit na panahon

Sen. Padilla, hiniling sa Senate leadership na makipag-usap sa Kamara kaugnay ng ipinapanukalang economic cha-cha

Umapela si Senador Robin Padilla sa liderato ng Senado na magkaroon ng ‘collaborative effort’ sa Kamara para sa pagtalakay ng paraan sa ipinapanukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas. Nitong Lunes, nagpadala na ng liham si Padilla kina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, at… Continue reading Sen. Padilla, hiniling sa Senate leadership na makipag-usap sa Kamara kaugnay ng ipinapanukalang economic cha-cha

MERALCO, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement para sa 300 megawatts baseload na suplay ng kurytente

Sinelyuhan na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang Emergency Power Supply Agreement nito sa South Premier Power Corporation (SPPC). Ito ay para sa pagsusuplay ng 300 megawatt baseload na suplay ng kuryente epektibo mula Marso 26 ng taong kasalukuyan hanggang Marso 25, 2024. Ginawa ng MERALCO ang pahayag nang matanggap nito ang sertipikasyon mula sa… Continue reading MERALCO, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement para sa 300 megawatts baseload na suplay ng kurytente

Bagong Emergency 122 Hotline, pwede ng gamitin ng mga taga-QC

Binuksan na ng Quezon City Government ang bago nitong Emergency Hotline para sa agarang responde anumang oras ng mga residente. Maaari nang tumawag o mag-dial ng 122 kung saan ang hotline na ito ay konektado sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Quezon City Police District at Bureau of Fire Protection. Sinabi ni… Continue reading Bagong Emergency 122 Hotline, pwede ng gamitin ng mga taga-QC

“Agri-scholarship” para sa dependents ng mga magsasaka, ipinapanukala

Itinutulak ng ilang mambabatas ang pagbibigay ng scholarship sa mga kwalipikadong dependent ng indigent farmers. Sa ilalim ng House Bill 7572 nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Benguet Representative Eric Yap at ACT-CIS Party-list Representative Edvic Yap, bibigyan ng libreng tuition fee at iba pang subsidiya ang mga anak o iba pang dependent… Continue reading “Agri-scholarship” para sa dependents ng mga magsasaka, ipinapanukala

MMDA, all set na para sa Summer MMFF

Kasado na nga ang mga paghahanda para sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) na sisimulan ng Parade of Stars na gagawin sa Quezon City sa Abril 2. Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), ngayong araw.… Continue reading MMDA, all set na para sa Summer MMFF