BARMM solon, hinikayat ang lahat na maging mapagpatawad kasabay ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan

Pagpapatawad sa kapwa ang mensahe ni Lanao Del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ngayong pagsisimula ng Holy Month of Ramadan. Ayon kay Adiong, panahon ngayon na magkaroon ng spiritual reflection at renewal ng kanilang pananampalataya, pagtitiyaga, pakikiramay at pagiging bukas-palad na walang diskriminasyon. Aniya, bagaman iba’t ibang hamon ang ating kinakaharap bilang mga… Continue reading BARMM solon, hinikayat ang lahat na maging mapagpatawad kasabay ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan

Negros Oriental Rep. Arnie Teves, nais makausap si Pangulong Marcos Jr.

Naglabas ng panibagong video si Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. Tugon niya ito sa naging panayam kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang umaga, kung saan nanawagan ito sa pag-uwi ng mambabatas. Ayon kay Teves, nais niyang makausap si Pangulong Marcos Jr. upang maipaliwanag sa kaniya ang kaniyang panig. “Ewan ko papaano, gusto ko… Continue reading Negros Oriental Rep. Arnie Teves, nais makausap si Pangulong Marcos Jr.

Bilang ng mga nasita ng MMDA dahil sa di pagdaan sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave., pumalo na sa 14,000

Umabot na sa 14,563 na mga motorista ang mga nasita sa dry run ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ito ay mula nang simulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dryrun noong Marso 9 hanggang Marso 20. Ayon sa MMDA, nasa 3,373 sa mga nasita ang motorcycle riders habang nasa 11,190… Continue reading Bilang ng mga nasita ng MMDA dahil sa di pagdaan sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave., pumalo na sa 14,000

PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

PDP-Laban legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change Nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga mambabatas at senador mula sa partidong PDP-LABAN kaugnay sa usapin ng charter change (cha-cha). Pagbabahagi ni Leyte Representative Richard Gomez, kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas, ano ang babaguhin sa konstitusyon… Continue reading PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

Bagong Port of Coron, binuksan na ng PPA

Binuksan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang bagong Port Operations Building (POB) sa Coron, Palawan. Kaugnay nito, handa na ang Port of Coron sa pagdagsa ng mga pasahero partikular ang mga turista at uuwi ng probinsiya, lalo na ngayong papalapit ang Semana Santa. Mula sa dati nitong 250 passenger capacity, aabot na hanggang 500… Continue reading Bagong Port of Coron, binuksan na ng PPA

Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Inabswelto ng Anti Graft Court si dating Agriculture Secretary Proceso Alcala mula sa kasong graft and corruption at malversation of public funds mula sa kanyang “pork barrel” noong siya pa ang kinatawan ng Quezon Province. Sa desisyon ng Sandiganbayan, walang matibay na ebidensiya na naipakita ang Ombudsman para idiin si Alcala sa P6 million na… Continue reading Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na magkaroon ng imbestigasyon sa Senado tungkol sa napaulat na reklamo ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa mabagal na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, partikular ang kanilang retirement claims. Sa paghahain ng Senate Resolution 544, iginiit ni Tulfo na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay… Continue reading Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

23 sa 31 LEDAC Bills, napagtibay na ng Kamara

Dalawampu’t tatlo sa kabuuang 31 LEDAC priority bills ang napagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ang ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez bago tuluyang mag-adjourn ang Kamara para sa Holy Week break. Ang nalalabing walong priority measures naman ay kasalukuyang nasa deliberasyon para maiakyat na rin sa plenaryo. Kabilang dito ang Regional… Continue reading 23 sa 31 LEDAC Bills, napagtibay na ng Kamara

Panukalang amyenda sa AFP Fixed Term Law, aprubado na sa Bicameral Conference Committee

Aprubado na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas tungkol sa pag amyenda sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Fixed Term Law. Matapos ang higit apat na oras na deliberasyon kagabi, napagkasunduan na ng bicam panel ang magkaibang probisyon ng Senate Bill 1849 at ng House Bill 6517. Sa ilalim ng bicam version ng… Continue reading Panukalang amyenda sa AFP Fixed Term Law, aprubado na sa Bicameral Conference Committee

????? ??? ???’? ????? ????? ?? ????, ???????? ?? ???? ?? ????????? ????????? ?? ?????? ????

Aabot sa 85 matataas na kalibre ng armas, daan-daang mga bala at samu’t saring gun accessories ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP). Ito ay kasunod ng ikinasang follow up operations ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang condominium unit, na inuupahan ng Taiwanese national sa bahagi… Continue reading ????? ??? ???’? ????? ????? ?? ????, ???????? ?? ???? ?? ????????? ????????? ?? ?????? ????