Mga negosyante, inobliga ng BIR na i-display ang “Notice to Issue Receipt/Invoice” sa kanilang business establishment

Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lahat ng business owners na i-display sa kanilang establishment ang “Notice to Issue Receipt/Invoice o NIRI”. Simula nitong Hulyo 1, pinalitan na ng NIRI ang “Ask for Receipt” Notice o ARN na unang inisyu ng Revenue District Offices /Large Taxpayers Division sa kanilang registered business taxpayers. Ayon… Continue reading Mga negosyante, inobliga ng BIR na i-display ang “Notice to Issue Receipt/Invoice” sa kanilang business establishment

Nasa P0.70 na rollback sa gasolina at diesel, ipatutupad bukas

Magpapatupad ng kanilang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Hulyo 4. Nasa P0.70 ang ipatutupad na bawas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang nasa P0.85 naman ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene. Unang magpapatupad ng kanilang bawas presyo sa gasolina at diesel ang mga… Continue reading Nasa P0.70 na rollback sa gasolina at diesel, ipatutupad bukas

Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Hindi sinang-ayunan ni Senador Raffy Tulfo ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan na ng buwis ang mga chi-chirya sa susunod na taon. Para kay Tulfo, anti-poor ang nasabing plano dahil ang mga chi-chirya ay ang abot-kayang merienda ng mga mahihirap, at minsan pa aniya ay ginagawang ulam ng mga kababayan nating… Continue reading Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Marikina LGU, puspusan ang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2023

Photo courtesy of Marikina PIO

Nagsagawa na ng simulation exercise ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina para sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2023. Ang lokal na pamahalaan ang nakatakdang mag-host sa naturang scholastic multi-sport competition ngayon taon. Ayon sa Marikina LGU, nasa 1,500 na mga mag-aaral, technical officials, punong-guro, guro, mga opisyal, at mga kawani ng pamahalaang lungsod ang lumahok… Continue reading Marikina LGU, puspusan ang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2023

Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn, hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong Malversation of Public Property

Hinatulan ng dalawa hanggang pitong taong pagkakakulong ng Sandiganbayan si dating Puerto Princesa City Mayor at ngayon ay Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn, para sa kasong Malversation of Public Property. Kaugnay ang kaso sa umano ay 14 na Armalite rifle na hindi nito ibinalik sa pamahalaan sa kabila nang nagtapos na ang kaniyang termino… Continue reading Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn, hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong Malversation of Public Property

Air Asia Philippines, handa na sa paglipat ng domestic flight operations sa NAIA Terminal 2 simula bukas

Handa na ang kumpaniyang Air Asia para sa kanilang bagong terminal assignment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 mula sa dating NAIA Terminal 4. Kasunod nito, inihayag ni Air Asia Chief Executive Officer Ricky Isla, maglalagay sila ng help desk sa NAIA Terminal 4 para maging gabay ng mga maliligaw na pasahero. Bukas… Continue reading Air Asia Philippines, handa na sa paglipat ng domestic flight operations sa NAIA Terminal 2 simula bukas

Oplan Pag-Abot ng DSWD, aarangkada na sa Lunes

Aarangkada na sa Lunes ang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong tulungan ang mga palaboy sa lansangan. Ito ay sa ilalim ng Oplan Pag-Abot, na isang inisyatibo para alalayan ang mga pamilya at mga batang nasa lansangan. Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, sisimulan muna ang naturang proyekto sa… Continue reading Oplan Pag-Abot ng DSWD, aarangkada na sa Lunes

Sen. Koko Pimentel, umapela sa ibang regional wage board na sundan ang umento sa sahod na ipapatupad sa Metro Manila

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa iba pang mga regional wage board sa bansa na sumunod sa ginawamg pag apruba ng National Capital Region (NCR) na P40 na dagdag sa daily minimum wage sa mga manggagawa. Ginawa ng senador ang pahayag nitong Biyernes, sabay puna sa napakababang minimum wage na umiiral sa maraming… Continue reading Sen. Koko Pimentel, umapela sa ibang regional wage board na sundan ang umento sa sahod na ipapatupad sa Metro Manila

DMW, ibinida ang mga nagawa sa unang taon ng administrasyong Marcos

Inilatag ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga nagawa ng ahensya sa pagsusulong ng interes at kapakanan ng overseas Filipino Workers (OFWs) sa unang taon ng administrasyong Marcos. Sa inilabas na pahayag ni Migrant Workers Sec. Susan Ople, ilan sa mga matagumpay na nagawa nito ang ligtas na pagpapauwi sa mga na-stranded na OFW… Continue reading DMW, ibinida ang mga nagawa sa unang taon ng administrasyong Marcos

Alokasyon ng tubig sa Metro Manila babawasan simula bukas, ayon sa NWRB

Sisimulan nang bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila na mula sa Angat Dam. Ayon sa NWRB, mula sa 52 cubic meters per second na alokasyon ng tubig sa Metro Manila ngayong Hunyo ay ibababa ito sa 50 cubic meters per second simula bukas, July 1. Ito ay… Continue reading Alokasyon ng tubig sa Metro Manila babawasan simula bukas, ayon sa NWRB