Senate President Zubiri, pabor sa pagpapatuloy sa bansa ng Afghan nationals

Para kay Senate President Juan Miguel Zubiri, dapat tulungan ng Pilipinas ang mga Afghan national na hinihiling ng US na pansamantalang patuluyin sa bansa para magproseso ng special immigration visa. Giit ng Senate leader, ito ang tama at dapat gawin. Ibinahagi ni Zubiri, na sa kanyang naging working visit sa Estados Unidos, isa ang request… Continue reading Senate President Zubiri, pabor sa pagpapatuloy sa bansa ng Afghan nationals

Ikalawang yugto ng pamamahagi ng family food packs para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, inihahanda na ng DSWD

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon sa DSWD, nasa ikalawang yugto na ang DSWD Bicol Region sa pamamahagi ng family food packs sa mga apektadong residente na kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center sa Albay. Mahigit 26,000… Continue reading Ikalawang yugto ng pamamahagi ng family food packs para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, inihahanda na ng DSWD

Mga residente sa Bukidnon na binaha, pinaabutan ng tulong ng tanggapan ng House Speaker at Tingog Party-list

Mabilis na nagpaabot ng tulong ang mag-asawang Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Representative Yedda Marie K. Romualdez sa mga residente ng ikalawang distrito ng Bukidnon na binaha kamakailan. Nasa P500,000 halaga ng cash assistance; P500,000 halaga ng relief goods; at P10 milyong ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program… Continue reading Mga residente sa Bukidnon na binaha, pinaabutan ng tulong ng tanggapan ng House Speaker at Tingog Party-list

Mahigit 400 benepisyaryo ng Parañaque City, tumanggap ng ayuda sa ilalim ng AICS

Aabot sa 483 benepisyaryo ang nabahaginan ng tulong pinansyal sa isinagawang payout sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ngayong araw. Personal na sinilip ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pamamahagi ng AICS, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Parañaque Sports Complex. Maliban sa tulong pinansyal,… Continue reading Mahigit 400 benepisyaryo ng Parañaque City, tumanggap ng ayuda sa ilalim ng AICS

Pangulong Marcos Jr., malaki ang naitulong sa DA sa unang taon sa serbisyo

Malaki ang naitulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA), sa unang taon ng Marcos Administration. Sa briefing ng Laging Handa, inihalimbawa ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista ang Kadiwa ng Pangulo stores na nabuksan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Tumaas kasi aniya ang interes ng mga lokal na pamahalaan… Continue reading Pangulong Marcos Jr., malaki ang naitulong sa DA sa unang taon sa serbisyo

Mga Pilipinong beterano ng Korean War, binigyang parangal at pagkilala

Kapwa ginunita ng Pilipinas at Korea ang ika-75 anibersaryo ng pakikiisa ng mga Pilipinong sundalo sa Korean War. Pinangunahan ni Korean Ambassador to the Philippines-designate Lee Sang-hwa ang pag-aalay ng bulaklak sa Korean War Memorial Pylon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Kasama ni Ambassador-designate Lee ang mga opisyal ng Philippine Army sa… Continue reading Mga Pilipinong beterano ng Korean War, binigyang parangal at pagkilala

MMDA, may bagong talagang Assistant General Manager for Operations

Itinalaga bilang bagong Assistant General Manager for Operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si dating Aliaga, Nueva Ecija Mayor David Angelo Vargas. Isinagawa ang oathtaking ceremony sa MMDA Head Office noong Martes na pinangunahan ni MMDA Acting Chairperson Don Artes. Nagpaabot naman ng pagbati si Artes kay Vargas sa pagkakatalaga nito bilang bagong Assistant… Continue reading MMDA, may bagong talagang Assistant General Manager for Operations

Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatic burst

Nakapagtala ng phreatic burst ang Bulkang Taal kaninang tanghali. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagbuga ng usok na may kasamang abo ang bulkan na may taas na 820 talampakan kaninang alas-a12:54 hanggang alas-12:56 ng hapon. Paliwanag ni Science Research Specialist Eric Arconado ng Taal Volcano Observatory, ang naitalang phreatic burst ay… Continue reading Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatic burst

Navotas LGU, nagpaalala na paghandaan ang posibleng rotational water interruption sa lungsod

Nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas sa mga residente nito na paghandaan ang posibleng rotational water interruption. Ayon sa abiso, nagbabala ang Maynilad na posibleng makaranas ng rotational water interruption sa lungsod sa Hulyo. Ito ay kasunod ng pahayag ng National Water Resources Board (NWRB) na magbabawas ito ng alokasyon ng tubig sa mga… Continue reading Navotas LGU, nagpaalala na paghandaan ang posibleng rotational water interruption sa lungsod

Supply ng bigas sa bansa, sapat para sa 3rd quarter ng 2023; Pag-stabilize ng presyo nito, patuloy na tinututukan ng pamahalaan

Sapat ang supply ng bigas sa bansa para sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan. Ito ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista ay binubuo ng pinagsamang supply mula sa local produce ng bansa at ang inangkat na bigas ng Pilipinas, para sa buffer stock. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na sa kabila… Continue reading Supply ng bigas sa bansa, sapat para sa 3rd quarter ng 2023; Pag-stabilize ng presyo nito, patuloy na tinututukan ng pamahalaan