Mahigit 2,700 aplikante, dumagsa sa 1st Seafarers Jobs Fair 2023 ng DMW

Umabot na sa mahigit 2,700 na mga aplikante ang lumahok sa isinasagawang kauna-unahang Seafarers Jobs Fair 2023 ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City, ngayong araw. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng DMW sa mga nagparehistrong aplikante. Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Seafarer, kung saan nasa… Continue reading Mahigit 2,700 aplikante, dumagsa sa 1st Seafarers Jobs Fair 2023 ng DMW

TESDA, nagpasalamat matapos manguna sa trust at approval survey ng PUBLIcus Asia

Tiniyak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na kanila pang pagbubutihin ang pagpupursige nito sa paglikha ng mga dekalidad na manggagawang Pilipino. Ito ang inihayag ni TESDA Deputy Director General Aniceto “John” Bertiz III, makaraang manguna ang TESDA sa mga ahensya ng pamahalaan na nakakuha ng pinakamataas na trust at approval ratings sa… Continue reading TESDA, nagpasalamat matapos manguna sa trust at approval survey ng PUBLIcus Asia

Mga evacuee sa Albay, tinuruan kung paano maiwasan kumalat ang sakit sa evacuation centers

Nag-organisa ng medical mission ang Ako Bicol Party-list sa pangunguna ni Representative Jil Bongalon, para sa mga lumikas bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Sa pamamagitan ng Tarabangan Caravan, nabigyang pagkakataon ang mga nananatili sa San Jose Elementary School na isang evacuation center, na makatanggap ng health service tulad ng pagpapakonsulta, gamot at pati na… Continue reading Mga evacuee sa Albay, tinuruan kung paano maiwasan kumalat ang sakit sa evacuation centers

Turn-over ceremony sa 8 matataas na opisyal ng PNP, pansamantalang ipinagpaliban

Ipinagpaliban ang dapat sana ay turn-over ceremony sa may walong Heneral ng Philippine National Police (PNP), na kasama sa pinakabagong balasahan na ipinatupad ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si National Police Commission (NAPOLCOM) Chairperson at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ng kaniyang pagkuwestiyon sa… Continue reading Turn-over ceremony sa 8 matataas na opisyal ng PNP, pansamantalang ipinagpaliban

Iba’t ibang reporma para sa pagpapalago at pagpaparami ng negosyo, nakalinya na — Speaker Romualdez

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na nakalatag na ang iba’t ibang reporma upang lalo pang lumago at dumami ang negosyo sa bansa. Ito ng inihayag ng House leader sa kaniyang pagdalo sa 44th National Conference ng Employers Confederation of the Philippines. Kabilang sa mga reporma na ito ang Digital Philippines program o pagsusulong ng… Continue reading Iba’t ibang reporma para sa pagpapalago at pagpaparami ng negosyo, nakalinya na — Speaker Romualdez

DOTr, target na magtayo ng 470 kilometers na bike lanes sa buong bansa ngayong taon

Target ng Department of Transportation (DOTr) na madagdagan pa ang mga bike lane sa bansa ngayong taon. Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad. Ayon kay Melad, nasa 470 kilometers na bike lanes at pedestrian infrastructure ang target na itayo ng DOTr ngayong taon, na layong makapagbigay… Continue reading DOTr, target na magtayo ng 470 kilometers na bike lanes sa buong bansa ngayong taon

Mahigit 1,000 senior citizens mula sa 3 brgy. sa Parañaque, tumanggap na ng social pension

Aabot sa 1,651 na mga nakatatanda o senior citizen sa tatlong barangay sa Parañaque City ang tumanggap na ng kanilang social pension. Ito ay kasunod ng isinagawang payout para sa social pension ng mga senior citizen sa ikalawang distrito ng lungsod, partikular na sa Brgy. Marcelo Green, Brgy. San Martin De Porres at Brgy. Don… Continue reading Mahigit 1,000 senior citizens mula sa 3 brgy. sa Parañaque, tumanggap na ng social pension

GSIS, pumayag na pamahalaan ang pension ng mga military at uniformed personnel  

Kinumpirma ni Senador Jinggoy Estrada na pumayag na ang Government Service Insurance System (GSIS) na pamahalaan ang pension system ng military at uniformed personnel (MUP). Ayon kay Estrada, ito ay base na rin sa kanyang pakikipag-ugnayan sa economic team ng administrasyon. Bahagi aniya ito ng pakikipagdiyalogo ng senador sa iba’t ibang stakeholders, kaugnay ng pinapanukalang… Continue reading GSIS, pumayag na pamahalaan ang pension ng mga military at uniformed personnel  

SSS, maglalagay ng “SSS E-Center sa Barangay” sa Pangasinan

Maglalagay na ng SSS E- Centers ang Social Security System (SSS) sa 14 na barangay sa Burgos, Pangasinan. Ito ay matapos lagdaan ng SSS at ng Burgos Local Government ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagbuo ng SSS E-Centers sa barangay. Ayon kay SSS Alaminos Branch Head Jose Alvin Altre, sa pamamagitan ng programang… Continue reading SSS, maglalagay ng “SSS E-Center sa Barangay” sa Pangasinan

AFP Cyber Warriors, “Game Changer” sa kakayahan ng militar

Nagsisilbing “game changer” ang mga cyber warrior ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-operate ng militar sa panahon ng kapayapaan, kaguluhan, krisis at giyera. Ito ang sinabi ni AFP Vice Chief of Staff Lieutenant General Arthur M. Cordura sa kanyang mensahe, bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng AFP Cyber Group… Continue reading AFP Cyber Warriors, “Game Changer” sa kakayahan ng militar