Sec. Gibo Teodoro, hihingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para sa DND at AFP

Hihingi ng karagdagang pondo ang bagong-upong Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa Kongreso para sa kagawaran at sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kanyang unang press conference sa Camp Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Teodoro na kailangang magkaroon ng sariling budget ang DND proper para mas epektibo nitong mapamahalaan ang… Continue reading Sec. Gibo Teodoro, hihingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para sa DND at AFP

Mas matatag na ugnayan ng National Government at FFCCCII, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalakas pa ng balikatan sa pagitan ng national government at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), para sa pagsusulong ng economic development at national progress sa bansa. “As in every mutually beneficial partnership, the Federation will rest assured that this Administration will continue… Continue reading Mas matatag na ugnayan ng National Government at FFCCCII, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Disaster Response Plan, nakatakdang ipresinta ng OCD-NDRRMC kay bagong Defense Sec. Gilbert Teodoro

Nakatakda nang ilatag ng Office of the Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC) ang kanilang Disaster Response Plan at accomplishment report sa bagong Defense Secretary Gilbert Teodoro. Ayon kay OCD-NDRRMC Spokesperson, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, bukod kasi sa pagiging Kalihim ng Defense Department, si Teodoro rin ang kanilang… Continue reading Disaster Response Plan, nakatakdang ipresinta ng OCD-NDRRMC kay bagong Defense Sec. Gilbert Teodoro

Pagkakatalaga sa bagong kalihim ng DND at DOH, suportado ni Senate President Migz Zubiri

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagkakatalaga kina Secretary Gilbert Teodoro bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND), at kay Secretary Teodoro Herbosa bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). Sa isang pahayag, sinabi ni Zubiri na welcome at suportado niya ang pagkakatalaga sa dalawa. Ayon sa senate president, si… Continue reading Pagkakatalaga sa bagong kalihim ng DND at DOH, suportado ni Senate President Migz Zubiri

Kumakalat na memo para sa mobilisasyon ng Pulisya hinggil sa napipintong World War 3, “fake news” — PNP

Mariin ngang itinanggi ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na isang memorandum ng Pulisya sa social media. Laman ng nasabing memoranda ang kautusan umano mula sa The Chief of Directorial Staff (TCDS) na nagmomobilisa sa mga tauhan nito bilang paghahanda sa internal at external defense. Nakasaad din dito ang pag-enlist sa mga… Continue reading Kumakalat na memo para sa mobilisasyon ng Pulisya hinggil sa napipintong World War 3, “fake news” — PNP

Sen. Villanueva: Probisyong nagbabawal na mag-invest sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS, malinaw

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang puwang para sa ibang interpretation ang inilagay ng Senado na probisyon sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill, tungkol sa pagbabawal sa pension funds ng SSS at GSIS na ma-invest sa MIF, mandatory man o voluntary. Bukod sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System… Continue reading Sen. Villanueva: Probisyong nagbabawal na mag-invest sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund ang GSIS at SSS, malinaw

Libreng dialysis treatment para sa mahihirap na pasyente, ipinapanukala sa Kamara

Isang panukala ang inihain sa Kamara na nagsusulong na magtalaga ng dialysis wards sa mga government hospital, at magbigay ng libreng gamutan para sa mga mahihirap na pasyente na may kidney disease. Isinulong nina Davao City Representative Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap sa ilalim ng House Bill 7841,… Continue reading Libreng dialysis treatment para sa mahihirap na pasyente, ipinapanukala sa Kamara

CAAP, nagpalabas na rin ng Notice to Airmen sa paligid ng Bulkang Kanlaon

Pinag-iingat na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga piloto at pinaiiwas na ito na lumipad malapit sa bulkang Kanlaon. Ayon sa CAAP, ito ay matapos itaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 1 sa bulkang Kanlaon dahil sa mga naitatalang abnormalidad sa aktibidad nito. Sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio, sa… Continue reading CAAP, nagpalabas na rin ng Notice to Airmen sa paligid ng Bulkang Kanlaon

Pagtatalaga kay Atty. Gilbert Teodoro bilang bagong Defense Chief, welcome sa National Security Council

Nagpahayag din ng kanilang mainit na pagtanggap ang National Security Council (NSC) sa pagkakatalaga kay Atty. Gilbert “Gibo” Teodoro bilang nagbabalik na Kalihim ng Department of National Defense (DND). Ayon kay National Security Adviser, Secretary Eduardo Año, kumpiyansa silang epektibong magagampanan ni Sec. Teodoro ang mga tungkuling nakaatang sa kaniyang posisyon. Giit ni Año, hindi… Continue reading Pagtatalaga kay Atty. Gilbert Teodoro bilang bagong Defense Chief, welcome sa National Security Council

NEDA, kumpiyansang magiging mabilis ang economic recovery ng bansa dahil sa mga papasok na investment pledges sa bansa

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na magiging mabilis ang economic recovery ng bansa dahil sa pagpasok ng investment pledges mula sa iba’t ibang mga bansa. Sa bilateral meeting nito kay Israeli Foreign Minister Eli Cohen, sinabi ni NEDA Chief Arsenio Balisacan, na positibo ang Pilipinas na makakabalik ito sa dating sigla ng… Continue reading NEDA, kumpiyansang magiging mabilis ang economic recovery ng bansa dahil sa mga papasok na investment pledges sa bansa