Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

Naligtas ng Philippine Navy ang mahigit 200 pasahero at crew ng Supercat Ferry St. Jhudiel, matapos makabangga nito ang cargo vessel LCT Poseidon 23 sa Mactan Channel, malapit sa Cebu-Mactan (Osmeña Jr) Bridge kahapon ng hapon. Ayon sa Naval Forces Central, agad nilang dinispatsa sa pamamagitan ng Naval Task Force 50 ang BRP Enrique Jurado… Continue reading Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

NegOr Rep. Teves, kinuwestyon ang umano’y utos sa Immigration na i-intercept siya oras na umuwi ng Pilipinas

Kinuwestyon ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. kung bakit may atas ang Bureau of Immigration (BI) na siya ay i-intercept oras na makauwi ng Pilipinas. Sa isang recorded video na kaniyang pinost sa kaniyang social media page, sinabi ni Teves na may nakuha siyang impormasyon mula sa Immigration na oras na siya ay makauwi… Continue reading NegOr Rep. Teves, kinuwestyon ang umano’y utos sa Immigration na i-intercept siya oras na umuwi ng Pilipinas

Chinese na pangatlong beses na-kidnap, naligtas ng PNP-AKG; Chinese kidnapper, arestado

Naligtas ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-kidnapping group (PNP-AKG) at Parañaque PNP ang isang Chinese kidnap victim sa operasyon sa Brgy. Tambo, Parañaque City, kahapon. Naaresto sa naturang operasyon ang kidnapping suspect na kinilalang si Huchuan Wang, 31, na tubong Chongqing China, at pansamantalang nakatira sa Brgy. Tambo, Parañaque City. Ayon kay AKG… Continue reading Chinese na pangatlong beses na-kidnap, naligtas ng PNP-AKG; Chinese kidnapper, arestado

Maayos na pagpapatupad ng Philippine Road Safety Plan, ipinanawagan ni Sen. Bong Go

Umapela si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Philippine Road Safety Plan for 2023 to 2028, na paigtingin ang road safety education campaign sa buong bansa. Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng report ng World Health Organization (WHO) na ang bansang Pilipinas ang… Continue reading Maayos na pagpapatupad ng Philippine Road Safety Plan, ipinanawagan ni Sen. Bong Go

Surface to air missile system ng Phil. Navy, magpapalakas pa sa defense capability ng bansa — Pangulong Marcos Jr.

Photo courtesy of PCO

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalakasin pa ng bagong surface-to-air missile system ng Philippine Navy (PN) ang warfare capabilities nito. Sa pag saksi ng pangulo sa capability demonstration ng Mistral 3 sa San Antonio, Zambales, pinapurihan nito ang effort ng Philippine Navy sa patuloy na paggampan sa kanilang mandato. “I am very… Continue reading Surface to air missile system ng Phil. Navy, magpapalakas pa sa defense capability ng bansa — Pangulong Marcos Jr.

Pagpapatuloy ng iba pang naval exercises, asahan na sa ilalim ng Marcos Administration

Photo courtesy of PCO

Asahan ang marami pang naval exercises o mga kalahintulad na capability demonstration sa ilalim ng Marcos Administration. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na capability demonstration ng surface-to-air missile system ng Philippine Navy (PN) sa San Antonio, Zambales. Ayon sa Pangulo, kinukumpleto na ng pamahalaan ang iba pang nakalinyang proyekto ng… Continue reading Pagpapatuloy ng iba pang naval exercises, asahan na sa ilalim ng Marcos Administration

Sen. Jinggoy Estrada, personal na ininspeksiyon ang kalagayan ng Pag-Asa Island

Bumisita si Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada sa Pag-Asa Island sa Kalayaan, Palawan para personal na tingnan ang sitwasyon ng military troops na naka-deploy doon at ng mga residente sa lugar. Matapos ang pag-iikot sa isla, ipinangako ni Estrada na isusulong niya ang pagpapataas ng budget ng Armed Forces of the… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, personal na ininspeksiyon ang kalagayan ng Pag-Asa Island

Halos 600 tsuper at konduktor ng EDSA Busway, nakibahagi sa isinagawang “Kumustahan” ng MMDA at I-ACT

Photo courtesy of I-ACT

Aabot sa 559 transport workers ang nakibahagi sa matagumpay na ‘Kamustahan sa EDSA Busway Carousel,’ sa ilalim ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Dumalo sa pitong araw na Kamustahan sa EDSA Busway Carousel, ang Drivers and Conductors o DRICONS, pati na rin ang kani-kanilang bus operators kung saan… Continue reading Halos 600 tsuper at konduktor ng EDSA Busway, nakibahagi sa isinagawang “Kumustahan” ng MMDA at I-ACT

Parusang death penalty sa mga kawani ng Bureau of Customs na masasangkot sa agri smuggling, ipapanukala ni Sen. Robin Padilla

Maghahain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas para mapatawan ng death penalty ang mga tauhan ng Bureau of customs (BOC), na mapapatunayang sanggkot sa smuggling ng mga produktong pang agrikultura. Sa pagsisimula ng pagdinig ng Senate Committee on Agriculture ngayong araw, agad nag-init ang ulo ni Padilla nang mapansin na hindi nakikinig sa… Continue reading Parusang death penalty sa mga kawani ng Bureau of Customs na masasangkot sa agri smuggling, ipapanukala ni Sen. Robin Padilla

Pagpapalawak ng imprastraktura sa Mindanao, mahigpit na tinututukan ng administrasyon — NEDA

Nananatiling nasa top priority ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapaganda ng connectivity ng iba’t ibang lugar sa bansa, sa pamamagitan ng expansion at upgrading ng mga imprastraktura sa Mindanao. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, matapos dumalo sa Mindanao Development Forum sa Davao City,… Continue reading Pagpapalawak ng imprastraktura sa Mindanao, mahigpit na tinututukan ng administrasyon — NEDA