Pasahe sa eroplano, nakaambang bumaba sa susunod na buwan

Good news sa mga motorista dahil nakatakdang bumaba ang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan. Ayon sa Civil Aeronautics Board, bunsod ito ng pagbaba naman ng singil sa fuel surcharges sa level 4 mula sa kasalukuyang level 5. Paliwanag ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla, epektibo Hunyo 1 ay maglalaro mula P117 hanggang P342… Continue reading Pasahe sa eroplano, nakaambang bumaba sa susunod na buwan

Canadian Foreign Minister Melanie Joly, nakatakdang bumisita sa bansa bukas

Nakatakdang bumisita si Canadian Foreign Minister Melanie Joly sa ating bansa, upang makipagpulong kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, para pag-usapan ang pagpapaigitng ng Maritime at Defense cooperation ng dalawang bansa. Ayon sa kalihim, layon ng pagpunta ni Foreign Minister Joly sa Pilipinas ay upang pag-usapan ang kasalukuyang estado ng Pilipinas hinggil… Continue reading Canadian Foreign Minister Melanie Joly, nakatakdang bumisita sa bansa bukas

Halos P3 bilyong halaga ng smuggled agri products, nakumpiska ng Bureau of Customs ngayong taon

Aabot ng halos P3 bilyong halaga ng mga smuggled agricultural product ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ngayong taon ayon sa ahensya. Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Customs Intelligence Group Chief Richard Rebong, na sa taong ito o hanggang May 16, 2023 aabot sa P2.77 billion ang kabuuang halaga ng smuggled agricultural products… Continue reading Halos P3 bilyong halaga ng smuggled agri products, nakumpiska ng Bureau of Customs ngayong taon

Anti-Crime Watch, nag-alok ng pabuya para sa ikakahuli ng mga pumatay sa kanilang miyembro sa Antipolo City

Nag-alok ng P100,000 pabuya ang Citizen Crime Watch (CCW) para sa sinumang makapagtuturo sa mga salarin na pumatay sa dalawa nilang miyembro, sa Antipolo City kamakailan. Ayon kay Diego Magpantay,CCW National President, nais nilang mapabilis ang paglutas sa kaso at mabigyan ng hustisya ang pagpatay kina James Torres Anselmo, Chairman ng CCW at Benjamin Natividad.… Continue reading Anti-Crime Watch, nag-alok ng pabuya para sa ikakahuli ng mga pumatay sa kanilang miyembro sa Antipolo City

MMDA, may babala vs. mga nagpapanggap na tauhan nila para manloko

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko laban sa mga taong gumagamit sa pangalan ng kanilang tanggapan para manloko. Ginawa ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes ang pahayag makaraang maaresto ang isang lalaki matapos na ireklamo, dahil sa pangongotong at pagpapanggap na tauhan ng nabanggit na ahensya. Una rito, kinilala ng Quezon… Continue reading MMDA, may babala vs. mga nagpapanggap na tauhan nila para manloko

Nasa 11, sugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero Parañaque City

Nasa 11 ang kumpirmadong nasugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero habang rumeresponde sa sumiklab na sunog sa Brgy. San Antonio, Parañaque City, ngayong araw. Ayon sa Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), pawang mga fire volunteer ng Tiger Kabalikat galing sa Pasay City ang nasugatan. Nabatid na tinatahak ng nasabing… Continue reading Nasa 11, sugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero Parañaque City

Panukalang mag-iinstitutionalized ng school-based mental health program, naipresinta na sa plenaryo ng Senado

Naisponsoran sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong tiyakin ang pangangalaga ng husto sa mental health ng mga mag-aaral sa mga paaralan. Binigyang diin ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, na sa ilalim ng Senate Bill 2200 ay mabibigyan ng kinakailangang school-based mental health services gaya ng screening, evaluation,… Continue reading Panukalang mag-iinstitutionalized ng school-based mental health program, naipresinta na sa plenaryo ng Senado

Kooperasyon ng private sector at mamamayan para protektahan ang kabataan vs. online sexual abuse, hiningi ng DSWD

Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pribadong sektor at mamamayan, na magtulungan para maprotektahan ang mga kabataan sa banta ng online sexual abuse at pagsasamantala. Ginawa ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang panawagan kasabay ng paglulunsad ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act No. 11930, na kilala rin… Continue reading Kooperasyon ng private sector at mamamayan para protektahan ang kabataan vs. online sexual abuse, hiningi ng DSWD

Promotion para sa paggamit ng biofertilizer, sisimulan na sa Oktubre

Target ng pamahalaan na masimulan na ang malawakang promotion ng biofertilizer sa bansa pagsapit ng Oktubre at Nobyembre, para sa pagpapalakas ng rice production sa Pilipinas. Pahayag ito ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, kasunod ng inilabas na Memorandum Order no. 32 o ang guidelines para sa pamamahagi at paggamit ng biofertilizer. Ang MO. no. 32… Continue reading Promotion para sa paggamit ng biofertilizer, sisimulan na sa Oktubre

Pagbibigay prayoridad at sama-samang pagtugon vs. Climate Change, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng sama -sama at pinag-isang hakbang ng Asia at Pacific region upang tugunan ang epekto ng Climate Change. Sa pre-recorded message ng pangulo sa ginanap na United Nations Regional Forum sa Thailand, binigyang diin ng pangulo na ang Climate Change ay nananatiling pinakabanta na hinaharap ng kasalukuyang… Continue reading Pagbibigay prayoridad at sama-samang pagtugon vs. Climate Change, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.