Problema ng Urban Poor groups sa pabahay, tututukan ng DHSUD

Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tututukan nito ang concerns ng urban poor families sa Metro Manila. Tugon ito ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar sa kanyang pakikipagdiyalogo sa Urban Poor Action Committee (UPAC), na nagpaabot ng kanilang mga alalahanin at rekomendasyon para sa pambansang pabahay program ng pamahalaan. Bilang… Continue reading Problema ng Urban Poor groups sa pabahay, tututukan ng DHSUD

Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

Ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas para sa potensyal nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa, at magbunga ng oportunidad para sa dagdag na kita ng mga Pilipino. Kaugnay nito, umapela si Legarda na maipasa na kaagad ang Senate Bill 870, na layong tugunan ang mga hamon… Continue reading Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng public health; Mga Doktor, pinasalamatan sa kanilang mga sakripisyo

Kinilala ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging sakripisyo ng mga doktor para patatagin ang public health sa bansa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ginawa ng pangalawang pangulo at kalihim ng edukasyon ang pahayag sa kaniyang talumpati sa ika-49 na Midyear Convention ng Philippine College of Surgeons sa Davao City, ngayong araw.… Continue reading VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng public health; Mga Doktor, pinasalamatan sa kanilang mga sakripisyo

Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Inihain ni Senador Grace Poe ang Senate Resolution 579 para maimbestigahan sa Senado ang nangyayaring power interruption sa Isla ng Panay. Iginiit ni Poe, na panahon na para bumuo ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng kuryente na labis na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga residente at gawaing pang-ekonomiya sa rehiyon.… Continue reading Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Publiko, pinaghahanda sa epektong dulot ng El Niño

Hinihikayat ng Manila Electric Company (MERALCO) at ng Department of Energy (DOE) ang publiko na maghanda sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa. Sa inilabas na pahayag ng MERALCO, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na sila sa DOE para himukin ang publiko na gawin ang energy efficiency measures upang mapabuti pa ang kanilang konsumo. Batid ng… Continue reading Publiko, pinaghahanda sa epektong dulot ng El Niño

Marksmanship training sa mga Pulis, gagamitan ng makabagong teknolohiya

Gagamit ng makabagong teknolohiya ang Philippine National Police (PNP) para sa “Marksmanship Training” o ang tamang paggamit ng baril ng mga Pulis. Ito ang inihayag ni PNP Training Service Director, Police Colonel Radel Ramos, makaraang ipakita sa media kanina ang kanilang gun simulator na nagbuhat pa sa Amerika. Paliwanag niya, sa paggamit ng gun simulator… Continue reading Marksmanship training sa mga Pulis, gagamitan ng makabagong teknolohiya

Php1,000 bill na may polymer, itinanghal bilang Banknote of the Year ng International Banknote Society

Nagwagi bilang Banknote of the Year ang bagong Php1,000 bill ng Pilipinas sa katatapos lamang na patimpalak ng International Banknote Society. Ang bagong Php1,000 na may polymer o plastic banknote ng bansa ang tinanghal bilang Banknote of the Year laban sa iba pang banknotes ng ibang bansa tulad ng Egypt, Algeria, Barbados, Northern Ireland at… Continue reading Php1,000 bill na may polymer, itinanghal bilang Banknote of the Year ng International Banknote Society

Naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19, hindi dapat ikaalarma ng publiko

Nanindigan si Department of Health (DOH) Officer in Charge Ma. Rosario Vergeire, na hindi dapat ikabahala ang naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pagharap ng DOH sa House Committee on Appropriations nagbigay ng update ang opsiyal hinggil sa kasalukuyang COVID-19 situation ng bansa. Aniya, sa kasalukuyan ay nakakapagtala ng 822 COVID-19 cases… Continue reading Naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19, hindi dapat ikaalarma ng publiko

BFAR, ibayong paghahanda na rin ang ginawa sa harap ng nagbabadyang El Niño

Naghahanda na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa hamon na idudulot ng El Niño sa sektor ng pangisdaan. Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, binabantayan nila ang magiging epekto ng sobrang init ng panahon sa lokal na supply ng isda. Paliwanag nito na may mga uri ng isda ang may kakayahang… Continue reading BFAR, ibayong paghahanda na rin ang ginawa sa harap ng nagbabadyang El Niño

Bayanihan sa Barangay, inilunsad sa Lungsod ng Pasay

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglulunsad ng Bayanihan sa Barangay na isinagawa sa Lungsod ng Pasay. Dito, nagsawaga ng paglilinis at pagpapaluwag ng mga daluyan ng tubig, pagsasaayos gayundin ang pagpapaganda ng mga bangketa maging ang pagkukumpuni sa perimeter fence ng Estero de Tripa de Gallina. Naglatag din ang MMDA ng One-Stop-Shop… Continue reading Bayanihan sa Barangay, inilunsad sa Lungsod ng Pasay