Extension ng SIM registration, pinapurihan ng CamSur solon

Pinapurihan ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang desisyon ng pamahalaan na palawigin ng tatlong buwan ang SIM Registration, mula sa orihinal na deadline na April 26. Aniya, dahil sa hakbang na ito ay maiiwasan ang ‘digital disenfranchisement’ ng nasa halos 100 million pang SIM owners na hindi nakakapagparehistro. Kung hindi kasi aniya napalawig ang… Continue reading Extension ng SIM registration, pinapurihan ng CamSur solon

Work break para sa outdoor workers, iminumungkahi ni Sen. Koko Pimentel

Hinihikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pamahalaan at ang pribadong sektor na magpatupad ng pansamantalang work break mula 11 AM hanggang 2 PM para sa mga empleyado na nakababad sa init ng araw. Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na tumataas na temperatura ngayong summer. Kabilang sa mga tinukoy ni Pimentel… Continue reading Work break para sa outdoor workers, iminumungkahi ni Sen. Koko Pimentel

Vice President Sara Duterte, namahagi ng laptops sa 2 paaralan sa Negros Occidental

Bumisita si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa dalawang eskwelahan sa Negros Occidental, upang mamahagi ng laptop sa mga guro at bola para sa mga mag-aaral. Unang nagtungo si VP Sara sa Dominador Jison Memorial Elementary School sa Silay City, kung saan nakisalamuha siya sa mga estudyante upang ipabatid ang kahalagahan ng edukasyon… Continue reading Vice President Sara Duterte, namahagi ng laptops sa 2 paaralan sa Negros Occidental

Mga school principal, may otoridad na kanselahin ang klase kung tataas ng husto ang temperatura sa kanilang lugar — Sen. Gatchalian

Pinaalalahanan ni Senate Basic Education Committee Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga school principal, na mayroon silang otoridad na suspendihin ang klase sa kanilang paaralan kung tataas ng husto ang temperatura sa kanilang lugar. Ito ay kasunod na rin ng pahayag ng PAGASA, na maaaring pumalo pa ng 50 degrees celsius ang temperatura sa ilang… Continue reading Mga school principal, may otoridad na kanselahin ang klase kung tataas ng husto ang temperatura sa kanilang lugar — Sen. Gatchalian

Upgrade sa airport security facility, pinasasama sa 2024 budget

Pinatitiyak nina Davao City Representative Paolo Duterte at Benguet Representative Eric Yap sa Department of Transportation (DOTr) na maisasama sa kanilang proposed 2024 budget ang kakailanganing pondo, para sa pag-upgrade ng airport security facility at equipment. Sa inihaing House Resolution 921, hiniling din ng mga mambabatas sa DOTr na alamin ang kasalukuyang estado ng mga… Continue reading Upgrade sa airport security facility, pinasasama sa 2024 budget

MMDA, namahagi ng 100 body cameras sa kanilang mga tauhan

Nagsagawa ng orientation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office (TDO) sa ilang MMDA traffic enforcers ukol sa paggamit ng body cameras. Bahagi ito ng familiarization sa technical specifications, features, at parts ng gadget na gagamitin ng ilang mga traffic enforcer sa kanilang traffic management operations. Ang bawat camera ay tatagal hanggang walong… Continue reading MMDA, namahagi ng 100 body cameras sa kanilang mga tauhan

DFA, nakapagtala ng isang Pilipinong sugatan sa nangyayaring tensyon sa Sudan

Isang overseas Filipino worker (OFW) ang naitalang sugatan sa nangyayaring tensyon sa bansang sudan. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega, na nasa maayos nang kondisyon ang naturang OFW at kasalukuyang nagpapagaling na. Kaugnay nito, nasa 87 request na ang natatanggap ng DFA para sa repatriation ng… Continue reading DFA, nakapagtala ng isang Pilipinong sugatan sa nangyayaring tensyon sa Sudan

4 katao na nagtangkang magpuslit ng forest products, hinuli at kinasuhan ng NBI

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon Province Prosecutors Office ang apat katao na sangkot sa pag-transport ng forest products ng walang kaukulang dokumento. Kinilala ang mga akusado na sina Mavie Jusayan Catarus-Escovar, Juanito Gonzales Lara Jr., Julius Ambarado Merencillio, at Obeth Gulong Doinog. Batay sa ulat ng NBI–Lucena District Office, nakatanggap… Continue reading 4 katao na nagtangkang magpuslit ng forest products, hinuli at kinasuhan ng NBI

Garment industry ng Pilipinas, inaasahang mabubuhay sa ilalim ng ganap na paggulong ng RCEP

Umaasa ang Economic Team ng Pilipinas na sisigla at mabubuhay ang iba’t ibang industriya ng bansa, sa oras na maging ganap na ang paggulong ng Regional Comprehensive Economic Cooperation (RCEP) sa bansa. Pahayag ito ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, kasunod ng pag-aruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board… Continue reading Garment industry ng Pilipinas, inaasahang mabubuhay sa ilalim ng ganap na paggulong ng RCEP

National Schools Press Conference, kasado na sa Cagayan De Oro City sa Hulyo

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng National Schools Press Conference na gaganapin sa Cagayan De Oro City, ngayong taon. Batay sa DepEd Memorandum Number 24, series of 2023, isasagawa ang NSPC mula July 17 hanggang 21 kung saan magsisilbing host region ang Northern Mindanao at host Schools Division Office ang Cagayan De… Continue reading National Schools Press Conference, kasado na sa Cagayan De Oro City sa Hulyo