Napaulat na data breach sa PNP at iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Nais ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na maimbestigahan sa Senado ang napaulat na data breach sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno. Inihain ng senador ang Senate Resolution 573, para atasan ang kaukulang komite ng senado na silipin ang naturang pangyayari. Una nang iniulat ng cybersecurity research company na VPNMentor,… Continue reading Napaulat na data breach sa PNP at iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

OPAPRU, nag-host ng isang iftar para sa mga kapatid na Muslim

Naghandog ng isang iftar o breaking the fast ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Ito ay habang hinihintay ang opisyal na anunsiyo mula sa Bangsamoro Darul-Ifta kaugnay sa pormal na pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Ayon kay OPAPRU Acting Secretary Isidro Purisima, bahagi ito ng kanilang pagtataguyod sa kultura… Continue reading OPAPRU, nag-host ng isang iftar para sa mga kapatid na Muslim

ARTA, naglagay ng regional field office sa Iloilo City para pahusayin pa ang serbisyo ng pamahalaan

Tiwala ang public at private sectors sa Western Visayas na mapapahusay pa ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan, at mapadali ang pagnenegosyo sa rehiyon. Ito ay matapos na opisyal na ilunsad ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Regional Field Office nito sa Iloilo City. Iginiit ni ARTA Secretary Ernesto Perez ang kahalagahan ng presensya ng… Continue reading ARTA, naglagay ng regional field office sa Iloilo City para pahusayin pa ang serbisyo ng pamahalaan

DOTr, nagpasalamat sa mga tumulong upang maibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng PNR

Nagpaabot ng kanilang taos-pusong pasasalamat ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng mga opisyal at kawani ng iba’t ibang service unit nito sa ilalim ng rail sector. Ito ay matapos ang matagumpay na pagbabalik sa riles ng nabalahaw na locomotive ng Philippine National Railways (PNR) sa pagitan ng Dela Rosa at EDSA Station nito,… Continue reading DOTr, nagpasalamat sa mga tumulong upang maibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng PNR

Pagpapabuti sa tertiary education sa Pilipinas, pinagpulungan ng EDCOM 2

Muling nagpulong ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) kasama ang Commission on Higher Education (CHED). Bahagi ng napag-usapan ay kung paano mapagbubuti ang tertiary education sa bansa, at kung paano magiging mas competitive ang ating graduates. Isa sa mungkahi ni House Committee on Basic Education at EDCOM 2 Co-Chairperson Representative Roman Romulo ay… Continue reading Pagpapabuti sa tertiary education sa Pilipinas, pinagpulungan ng EDCOM 2

Walang takot at walang kinikilingang pagpapatupad ng batas, solusyon sa peace and order situation sa Negros Oriental — Sen. Escudero

Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero na ang solusyon sa peace and order problem sa Negros Oriental ay ang patas, consistent, walang takot at walang pagpabor na pagpapatupad ng batas. Hindi aniya pwede sa gobyerno ang may tinitingnan lang at may tinititingan. Ayon kay Escudero, ang solusyon sa problema ay agad na panagutin ang sinumang… Continue reading Walang takot at walang kinikilingang pagpapatupad ng batas, solusyon sa peace and order situation sa Negros Oriental — Sen. Escudero

Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng Business Permit and Business Tax Exemption certificates sa mga may-ari ng sari-sari store at carinderia sa lungsod. Alinsunod ito sa City Ordinance Number 199, series of 2022 na nagkakaloob ng full business permit at business tax exemption sa sari-sari stores at carinderia para sa tax year 2023.… Continue reading Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners

Self confessed gunman sa Percy Lapid slay case na si Joel Escorial, nailipat na sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame

Ganap nang nailipat sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ang self-confessed gunman sa Percy Lapid slay case na si Joel Escorial. Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo matapos payagan ng Las PiƱas City Regional Trial Court Branch 254 ang paglipat kay Escorial mula sa kustodiya ng… Continue reading Self confessed gunman sa Percy Lapid slay case na si Joel Escorial, nailipat na sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame

NegOr Rep. Teves, muling nagpahayag na gustong makausap si PBBM

Umaasa si Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. na magkakaroon pa rin siya ng pagkakataon na makausap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa panayam sa mambabatas sa telebisyon, sinabi nito na kaniyang kinausap si Raymond Ablan, kaniyang kaibigan at isa sa business partner at pinsan ng Pangulong Marcos Jr. Kwento ni Teves, tinawagan niya… Continue reading NegOr Rep. Teves, muling nagpahayag na gustong makausap si PBBM

Posibilidad ng ‘military takeover’ para masugpo ang impunity sa Negros Oriental, minungkahi ni Sen. Padilla

Pinalutang ni Senador Robin Padilla ang posibilidad na ilagay ang probinsya ng Negros Oriental sa ilalim ng military control sa gitna ng nagaganap na serye ng political killings sa lugar. Ipinunto ni Padilla, na sa ilalim ng konstitusyon ay pinapahintulutan ang pangulo ng bansa na mag-take over sa isang lugar na pinamumugaran ng karahasan at… Continue reading Posibilidad ng ‘military takeover’ para masugpo ang impunity sa Negros Oriental, minungkahi ni Sen. Padilla