DICT, dinoble ang ginagawang imbestigasyon sa umanoy personal data leak

Sinisikap ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na matunton ang napaulat na umano’y personal data leak sa mga record ng Philippine National Police (PNP). Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng Philippine National Computer Emergency Response Team (NCERT) ng Cybersecurity Bureau. Sinimulan ng NCERT ang imbestigasyon sa umano’y paglabag matapos makatanggap ng mga link… Continue reading DICT, dinoble ang ginagawang imbestigasyon sa umanoy personal data leak

Hungarian government, nangako ng tulong sa DSWD

Tutulungan ng Hungarian government ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa disaster response operations nito at sa pagbuo ng mga certificate program. Ipinangako ito ni Hungarian Ambassador to the Philippines Dr. Titanilla Tóth, na nagsagawa ng courtesy visit kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Central Office sa Quezon City. Sa kanilang maikling pagpupulong,… Continue reading Hungarian government, nangako ng tulong sa DSWD

Koordinasyon ng telco companies sa LGUs, pinaigting pa sa nalalapit na SIM registration deadline

Umaapela ang Globe Telecom sa pamahalaan na palawigin pa ang panahon ng SIM card registration sa bansa, lalo’t 29 million o 33% pa lamang ng kanilang subcribers ang nakapagparehistro na ng kanilang SIM card. Pahayag ito ni Globe Telecom Atty. Ariel Tubayan, labing dalawang araw bago ang deadline ng SIM card registration. Sa briefing ng… Continue reading Koordinasyon ng telco companies sa LGUs, pinaigting pa sa nalalapit na SIM registration deadline

25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Inaasahang nasa 25 probinsya sa Pilipinas ang maaapektuhan ng pagtama ng El Niño sa bansa, sa ikatlo at ikaapat na kwarter ng 2023. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na kahit hindi pa matukoy ng PAGASA kung malala o gaano kalala ang tatamang El Niño ngayong taon, ang Department… Continue reading 25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Pagbili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines, hindi na kailangan—mambabatas

Hindi na kailangan na bumili pa ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines ang pamahalaan para sa inaasahang pagkasa ng second booster shot sa general population. Ayon kay House Committee on Health vice-chair Angelica Natasha Co, naging sapat na aniya ang bakunang ibinigay sa karamihan ng mga Pilipino laban sa COVID kahit pa sumulpot ang ibang… Continue reading Pagbili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines, hindi na kailangan—mambabatas

Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

Nakatutok ang pamahalaan sa mga water related infrastructure projects sa bansa, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño sa Pilipinas. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na ngayong 2023 nasa ₱750 million ang pondo ng gobyerno para water augmentation farms, small scale irriagtion projects, at solar irrigation projects.… Continue reading Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

??? ???????’ ????????????, ???????? ?? ??.??? ???? ?? ?????? ?????—?? Mula nang pasimulan ang KADIWA noong 2019, humigit-kumulang 931 farmers’ cooperatives and associations at agri-based enterprises ang sumali sa programa. Sa ngayon, base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nakabuo na ang mga ito ng kabuuang benta na abot sa P2.38 bilyon. Isa dito… Continue reading 931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC

Nagpalabas na rin ng warrant of arrest ang Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag. Nahaharap sa kasong murder si Bantag na may kaugnayan sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid. Ipinalabas ni Las Piñas… Continue reading Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC

Mataas na survey rating ng Kamara at House Speaker, patunay sa tiwala ng publiko sa legislative priorities ng Kapulungan

Ipinapakita ng mataas na survey ratings na nakuha ng House of Representatives at ni House Speaker Martin Romualdez ang kumpiyansa ng publiko sa pagsusulong ng Mababang Kapulungan ng legislative priorities ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos makakuha ng 56% net performance rating ang Kamara sa isinagawang SWS survey… Continue reading Mataas na survey rating ng Kamara at House Speaker, patunay sa tiwala ng publiko sa legislative priorities ng Kapulungan

PBBM: Pag-alis ng health professionals sa ASEAN region upang mag-trabaho sa ibang bansa, kailangan matugunan

Kailangang makahanap ng paraan ang Southeast Asian countries upang tugunan ang usapin ng rehiyon sa pag-alis ng healthcare workers nito, upang magtrabaho sa mas malalaking bansa. Isa ito sa mga tinalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa courtesy call ng mga opisyal ng Temasek Foundation sa Malacañang. Isa itong non-profit philanthropic arm ng state… Continue reading PBBM: Pag-alis ng health professionals sa ASEAN region upang mag-trabaho sa ibang bansa, kailangan matugunan