DMW, nais pang palakasin at paunlarin ang serbsiyo ng kauna-unahang OFW Hospital sa bansa

Upang mas maraming pang matulungang mga kamag-anak at mismong OFWs (overseas Filipino workers) na magpapagamot sa OFW Hospital, nais ng Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin at paunlarin pa ang naturang hospital ng migranteng manggagawa sa bansa. Ayon kay DMW Undersecretary Hanz Leo Cacdac, ito’y upang mas marami pang maserbisyohang mga kababayan nating OFW… Continue reading DMW, nais pang palakasin at paunlarin ang serbsiyo ng kauna-unahang OFW Hospital sa bansa

DOTr at LTFRB, nagkasa ng operasyon vs. ‘cutting-trip’ na PUVs

Magkatuwang na nagsagawa ng field operations ang mga tauhan ng Department of Transportation – Philippines (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa iba’t ibang terminal upang sitahin ang mga tsuper na hindi sumusunod sa kanilang ruta sa prangkisa. Tugon ito ng ahensya sa mga hinaing ng mga komyuter hinggil sa “trip-cutting” kasunod… Continue reading DOTr at LTFRB, nagkasa ng operasyon vs. ‘cutting-trip’ na PUVs

Mga Pinoy na walang trabaho noong Mayo, nabawasan — PSA

Patuloy ang pagbaba ng unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba pa sa 4.3% ang unemployment rate nitong Mayo mula sa 4.5% noong Abril. Katumbas ito ng 2.17 milyong Pilipino na walang trabaho noong Mayo. Ayon kay PSA Chief… Continue reading Mga Pinoy na walang trabaho noong Mayo, nabawasan — PSA

Pagsusuot ng face mask sa SONA, magiging optional na lang

Maliban sa COVID-19 testing ay magluluwag na rin ang House of Representatives sa polisiya ng pagsusuot ng face mask sa araw ng State of the Nation Address (SONA) sa July 24. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, batay sa pulong ng SONA Interagency Committee, magiging optional na lang ang pagsusuot ng face mask. Aniya… Continue reading Pagsusuot ng face mask sa SONA, magiging optional na lang

Amerika, nagpahayag na rin ng pagkabahala sa mga aksyong ginawa ng China Coast Guard vs. Philippine Coast Guard

Nagpahayag na ng pagkabahala ang Estados Unidos sa tinawag nitong “unprofessional maneuvers” ng China Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard. Sa Tweet ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, banta sa seguridad at legal rights ng Pilipinas ang iresponsableng ikinilos ng China sa West Philippine Sea. Nanawagan rin ito sa China na sundin… Continue reading Amerika, nagpahayag na rin ng pagkabahala sa mga aksyong ginawa ng China Coast Guard vs. Philippine Coast Guard

DSWD, nakapag-abot na ng halos ₱96-M ayuda sa mga apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 6 ay umakyat na sa halos ₱96-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa… Continue reading DSWD, nakapag-abot na ng halos ₱96-M ayuda sa mga apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano

DENR, naglabas ng water conservation guidelines para sa mga tanggapan ng pamahalaan

Ngayong opisyal nang idineklara ang El Niño ay hinihikayat na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga tanggapan ng pamahalaan na makiisa sa pagtitipid ng tubig. Alinsunod sa Memorandum Circular (MC) No. 22 na inisyu ng Malacañang, naglabas na ang Water Resources Management Office (WRMO) ng guidelines para sa epektibong water… Continue reading DENR, naglabas ng water conservation guidelines para sa mga tanggapan ng pamahalaan

Transport Forum, ikinasa bilang suporta sa PUV Modernization Program

Nasa 200 Transport Cooperatives at Corporations ang nakibahagi sa ikinasangTransport Forum bilang suporta sa pagtutulak ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Ang naturang transport forum ay bahagi ng Philippine Commercial Vehicle Show 2023 na idinaos sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay. Dinaluhan ito ni Sentor Sherwin Gatchalian, Department of Transportation… Continue reading Transport Forum, ikinasa bilang suporta sa PUV Modernization Program

Publiko, hati ang opinyon sa Maharlika Wealth Fund — SWS

Hati ang pananaw ng publiko sa panukalang Maharlika Investment Fund na ngayon ay pirma na lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kulang bago maisabatas. Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na 20% ng Pilipino adults ang nagsabing alam nila ang Maharlika Fund. Samantala, nasa 33% naman ang hindi masyadong pamilyar… Continue reading Publiko, hati ang opinyon sa Maharlika Wealth Fund — SWS

Las Piñas LGU, pinasinayaan ang bagong Child Development Center sa Barangay Pulang Lupa Uno

Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office ang bagong tayong Child Development Center sa Santos Homes 2 Complex sa Barangay Pulang Lupa Uno. Dumalo sa nasabing okasyon sina Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar at City Councilor John Jess Bustamante. Ang Child Development Center ay… Continue reading Las Piñas LGU, pinasinayaan ang bagong Child Development Center sa Barangay Pulang Lupa Uno