Brgy. San Roque sa Navotas, drug-cleared na

Nadagdagan pa ang mga barangay sa Navotas na ligtas mula sa panganib ng iligal na droga. Kasunod ito ng pagdeklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. San Roque bilang isa na ring Drug Cleared Barangay sa lungsod matapos pumasa sa mahigpit na assessment at validation sa ilalim ng Section 12 ng Dangerous Drugs… Continue reading Brgy. San Roque sa Navotas, drug-cleared na

Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, tutol sa hirit na taas pasahe sa MRT-3

Hindi rin sang-ayon ang Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) sa muling inihihirit na fare hike o taas pasahe sa Metro Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) Ayon kay Atty. Ariel Inton, Presidente ng LCSP, kung maaprubahan ang dagdag-pasahe, magiging dagdag na kalbaryo ito para sa mga pasahero lalo’t karamihan pa naman ng nagko-commute… Continue reading Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, tutol sa hirit na taas pasahe sa MRT-3

Maharlika Investment Fund Bill, posibleng mapirmahan na ni PBBM sa susunod na linggo — SP Zubiri

Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Ito ay matapos ang inaasahang pagkakapirma ni House Speaker Martin Romualdez sa enrolled bill ng MIF ngayong linggo. Matapos mapirmahan ang MIF Bill ay ihahanda naman… Continue reading Maharlika Investment Fund Bill, posibleng mapirmahan na ni PBBM sa susunod na linggo — SP Zubiri

PBBM, pinuri ni SDS Gonzales sa pagtutok sa pagtugon sa isyu ng pabahay sa bansa

Kinilala ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr. ang hangarin ng Marcos Jr. administration na tugunan ang isyu ng pabahay. Kasunod ito ng groundbreaking at site inspection ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa Barangay del Carmen, San Fernando, Pampanga. Pinasalamatan ni Gonzales si PBBM na… Continue reading PBBM, pinuri ni SDS Gonzales sa pagtutok sa pagtugon sa isyu ng pabahay sa bansa

Mga magsasaka, pwede pang magtanim ngayon sa kabila ng nakaambang El Niño — DA

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng ilang magsasaka na alanganin na ang magtanim ngayong Hulyo dahil sa banta ng nakaambang El Niño. Ayon kay DA Field Operations Service Director U-Nichols Manalo, ligtas pa ang magtanim ngayon dahil may mga pag-ulan pang inaasahan ang PAGASA. Katunayan, maraming lugar pa aniya ang makararanas ngayong… Continue reading Mga magsasaka, pwede pang magtanim ngayon sa kabila ng nakaambang El Niño — DA

Ilang commuter, di pabor sa pagtataas ng pamasahe sa MRT-3

Hindi pabor ang ilang pasahero ng MRT-3 sa muling inihihirit na fare hike o taas pasahe sa Metro Manila Transit Line 3 (MRT-3). Kasunod yan ng bagong petisyon ng pamunuan ng MRT-3 kung saan nasa ₱2.29 ang dagdag sa boarding fare, habang ₱0.21 naman sa kada kilometro. Sakaling maaprubahan, magiging ₱16 na ang minimum fare… Continue reading Ilang commuter, di pabor sa pagtataas ng pamasahe sa MRT-3

“Sulong” consultations, iminungkahi na ibalik para sa rebranding ng tourism sector

Pinayuhan ni Albay Representative Joey Salceda na mag-move on na sa isyu ng tourism video campaign ng Department of Tourism (DOT) at pumulot ng aral mula sa mga nangyari. Mungkahi pa nito na magsagawa ng nationwide consultation kasama ang tourism stakeholders para sa totoong rebranding ng tourism sector. Aniya, ganito ang konsepto ng ‘Sulong Pilipinas’… Continue reading “Sulong” consultations, iminungkahi na ibalik para sa rebranding ng tourism sector

DSWD Sec. Gatchalian, pinangunahan ang unang araw ng pagpapatupad ng kanilang Oplan Pag-Abot Project sa Metro Manila

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang unang araw ng full implementation ng Oplan Pag-Abot Project ng ahensya sa Metro Manila. Sa naging operasyon nila kahapon, nilapitan ng kanilang team ang mga pamilya’t indibidwal na naninirahan sa kahabaan ng Macapagal at Roxas Boulevard sa Pasay City. Dito ay personal… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, pinangunahan ang unang araw ng pagpapatupad ng kanilang Oplan Pag-Abot Project sa Metro Manila

Netherlands, potensyal na maging partner ng Pilipinas para sa pagpapaunlad ng aviation industry — DTI Sec. Pascual

Pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang Roundtable Meeting sa Aerospace Sector sa pagitan ng Pilipinas at The Netherlands. Ang roundtable meeting ay nakatuon sa approach ng pagtataguyod ng Philippine aerospace industry. Sa kanyang keynote message, binigyang diin ni Pascual na makabuluhan ang aerospace at aviation industry ng Pilipinas sa… Continue reading Netherlands, potensyal na maging partner ng Pilipinas para sa pagpapaunlad ng aviation industry — DTI Sec. Pascual

4 na Chinese, 2 Taiwanese na puganteng kasama sa ni-raid na POGO sa Las Piñas, inaresto ng ACG

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime group ang apat na Chinese at dalawa Taiwanese na wanted sa kani-kanilang bansa, matapos na matuklasang kasama sila sa mga dayuhang empleyado ng ni-raid na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Las Piñas. Ayon kay ACG Director Police Brig. Gen. Sydney Sultan Hernia, natagpuan nila ang anim na… Continue reading 4 na Chinese, 2 Taiwanese na puganteng kasama sa ni-raid na POGO sa Las Piñas, inaresto ng ACG