VP Sara Duterte, ibinida ang OVP projects sa support groups sa Dipolog City

Bumisita si Vice President Sara Duterte sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte upang kumustahin ang iba’t ibang grupo na sumuporta sa kanyang kampanya noong nagdaang eleksyon. Dito ay ibinahagi ni VP Sara sa parallel groups ang mga programa ng Office of the Vice President tulad ng Mag Negosyo Ta ‘Day, Peace 911, PagbaBAGo Campaign: A… Continue reading VP Sara Duterte, ibinida ang OVP projects sa support groups sa Dipolog City

Pagpapasabog ng NPA sa mga sibilyan sa Northern Samar, kapwa kinondena ng DND at OPAPRU

Kapwa kinondena ng Department of National Defense (DND) at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity ang pag-atake ng NPA gamit ang anti-personnel mine na nagresulta sa pagkamatay sa dalawang sibilyan sa Las Navas, Northern Samar noong June 3. Sa isang statement, sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na ang paggamit ng… Continue reading Pagpapasabog ng NPA sa mga sibilyan sa Northern Samar, kapwa kinondena ng DND at OPAPRU

Volume ng sasakyan sa EDSA, nakapagtala ng record high — MMDA

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng record high sa volume ng mga dumadaang sasakyan sa EDSA nitong nakaraang buwan. Ayon kay MMDA Chair Atty. Romando Artes, as of May 22 nasa mahigit 425,000 na ang bilang ng mga sasakyan bumabagtas sa EDSA. Mas mastaas ito kumpara noong pre-pandemic level na nasa mahigit 405,000… Continue reading Volume ng sasakyan sa EDSA, nakapagtala ng record high — MMDA

Muntinlupa LGU, nagpasa ng ordinansa vs. gender-based sexual harassment

Nilagdaan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang ordinansang magpapatupad sa mga mahahalagang probisyon ng Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act. Layon ng City Ordinance No. 2023-077 o ang Respeto sa Kapwa Muntinlupeño Ordinance na maglatag ng mga hakbang upang pigilan ang pagkakaroon ng gender-based sexual harassment sa lungsod. Para sa alkalde, nais… Continue reading Muntinlupa LGU, nagpasa ng ordinansa vs. gender-based sexual harassment

Israel, handang magbahagi ng kanilang expertise sa larangan ng water reusing sa Pilipinas

Nag-alok ang Israel sa Pilipinas ng kanilang kasanayan pagdating sa water reuse. Ang alok ay ginawa ni Israeli Foreign Minister Eli Cohen sa kanilang naging pagpupulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Cohen, malawak ang kanilang karanasan kung pag-uusapan ay water management na maaari nilang maibahagi sa bansa. Sinabi ng Israeli Foreign minister… Continue reading Israel, handang magbahagi ng kanilang expertise sa larangan ng water reusing sa Pilipinas

PCSO, muling ipinangako sa publiko na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan

Muling ipinangako ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa publiko na palagiang bukas ang kanilang tanggapan para tumulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, bukas ang kanilang tanggapan at ang kanilang komunikasyon upang tumugon sa pangangailangan, partikular sa atensyong medikal at financial assistance. Dagdag pa ni Cua na kabilang… Continue reading PCSO, muling ipinangako sa publiko na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan

DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Atty. Gilberto Teodoro Jr. bilang kanilang bagong kalihim. Sa isang statement, nagpasalamat si DND Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagtitiwala sa kanya ng Pangulo sa ilang buwan niyang pamumuno sa kagawaran. Nagpasalamat din si Galvez sa… Continue reading DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim

Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

Nasa kritikal na kondisyon ang abogado ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na mga salarin sa Pasay City. Kinilala ang mga biktima na sina Maria Rochelle Melendes, 53 taong gulang, at ang driver nito na si Deo Decenia, 42 taong gulang. Tinamaan ng… Continue reading Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

PBBM, nais maalala ng taongbayan na tumulong sa mga pangkaraniwang mamamayan

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya’y maalala ng mga Pilipino bilang isang lider na nakatulong sa mga pangkaraniwang mamamayan. Ayon sa Pangulo, kung ano ang makatutulong at makabubuti sa tao ay iyon naman talaga ang dapat gawin. Ipinunto ng Punong Ehekutibo na mula sa magagandang nagagawa para sa mga Pilipino ay ito… Continue reading PBBM, nais maalala ng taongbayan na tumulong sa mga pangkaraniwang mamamayan

UAE at Oman, nagpahayag ng pangangailangan ng OFWs sa kanilang bansa — DMW

Nagpahayag ng pangangailangan ang bansang United Arab Emirates at bansang Oman ng mga skilled Overseas Filipino Workers na magtrabaho sa kanilang bansa Ito’y matapos ang kanilang pakikipagpulong kay Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople ang dalawang representative mula sa dalawang bansa para sa pangangailan ng kanilang bansa ng mga skilled workers. Ayon kay Secretary Ople… Continue reading UAE at Oman, nagpahayag ng pangangailangan ng OFWs sa kanilang bansa — DMW