PNP Chief Rodolfo Azurin, bababa na sa puwesto ngayong araw

Tuluyan na ngang lilisanin ngayong araw ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr ang kaniyang puwesto hindi lamang bilang pinuno ng Pambansang Pulisya gayundin ang kaniyang uniporme bilang pulis. Ito’y dahil kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan ngayong araw ay ang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng unipormadong hanay Ayon… Continue reading PNP Chief Rodolfo Azurin, bababa na sa puwesto ngayong araw

Pasig LGU, tatanggap na ng mga residente na magpapabakuna vs. COVID-19

Tatanggap na ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng mga residente mula sa adult population na nais magpabakuna ng second booster dose laban sa COVID-19 simula bukas, araw ng Martes. Ayon sa Pasig Public Information Office, 100 slots ang ilalaan para sa 18-years old pataas sa Santolan Super Health Center na magpapaturok ng second booster.… Continue reading Pasig LGU, tatanggap na ng mga residente na magpapabakuna vs. COVID-19

Pagpaparehistro sa mga SIM, ipinanawagang muli ni Sen. Poe ilang araw bago ang deadline

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) na magparehistro sa nalalabing mga araw bago ang deadline para sa registration sa April 26. Nanawagan si Poe sa bawat isa na hikayatin rin ang iba na iparehistro ang kanilang SIM para sa kanilang proteksyon at peace of mind.… Continue reading Pagpaparehistro sa mga SIM, ipinanawagang muli ni Sen. Poe ilang araw bago ang deadline

Dagdag na suplay ng kuryente, inapela ng Occidental Mindoro solon sa National Electrification Administration

Personal na pinuntahan ni Occidental Mindoro Representative Leody Tarriela si National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Almeda upang idulog ang power situation ng lalawigan. Ayon kay Tarriela, sa kanilang pulong ay tinawagan mismo ni Almeda ang Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO) at kinatawan ng DMCI Power Plant sa Oriental Mindoro para hilingin na paganahin… Continue reading Dagdag na suplay ng kuryente, inapela ng Occidental Mindoro solon sa National Electrification Administration

Non-extension ng SIM Registration, makaka-apekto sa target na digital transformation ng bansa

Dalawang araw bago ang itinakdang April 26 deadline, muling umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang SIM Registration ng hanggang isa o dalawang buwan. Ani Villafuerte, oras na ma-deactivate ang SIM cards ng mga subscriber na hindi makapagparehistro ay mauuwi ito sa kanilang disenfranchisement… Continue reading Non-extension ng SIM Registration, makaka-apekto sa target na digital transformation ng bansa

NPA sa Western at Central Visayas, napugutan na ng ulo sa pagkamatay ni Rogelio Posadas — AFP

Wala nang lider sa Western at Central Visayas ang New People’s Army (NPA) matapos masawi sa enkwentro ang secretary ng CPP-NPA Regional Committee ng Central Visayas na si Rogelio Posadas. Sa isang statement, positibong tinanggap ng Visayas Command (VISCOM) ang nutralisasayon ng notoryus na lider-komunista na responsable sa maraming terrorist activities sa Western at Central… Continue reading NPA sa Western at Central Visayas, napugutan na ng ulo sa pagkamatay ni Rogelio Posadas — AFP

Pres. Marcos Jr., nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr. Patuloy na pagkakaisa at respesto sa isat isa, ipinanawagan

Pagpapanatili sa values, aral, at mga kaugalian na natutunan sa nakalipas na holy month of Ramadan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga kapatid na Muslim. Kaugnay ito ng pagdiriwang ngayong araw ng Eid Al Fitr. Ayon sa Pangulo, kailangan ding mabigyang diin ang pagkakaisa at respesto sa isa’t isa para… Continue reading Pres. Marcos Jr., nakikiisa sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr. Patuloy na pagkakaisa at respesto sa isat isa, ipinanawagan

BSKE sa Negros Oriental, pinag-aaralan na ng COMELEC kung itutuloy pa

Tiniyak ng Commission in Elections (COMELEC) na masusi nilang pag-aaralan ang mungkahi na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Negros Oriental. Ang BSKE ay nakatakda sa October 30 ng taong ito. Pero ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, may mga requirements na kailangan bago ito maisagawa. Nabatid na salig Sections 5 at 6… Continue reading BSKE sa Negros Oriental, pinag-aaralan na ng COMELEC kung itutuloy pa

Paggamit ng fossil fuel, hiniling sa pamahalaan na itigil na

Nanawagan sa pamahalaang Marcos ang iba’t ibang environment advocate groups na ihinto na ang paggamit ng fossil fuel na nakasisira sa kalikasan na lubhang nakakaapekto sa kalusugan at nagdudulot  ng polusyon sa kapaligiran. Kasabay ng Earth Day, inilunsad ang  #WagGas ng ilang grupo na apektado ng  gas project  gaya ng environmental and clean advocates, fisherfolks,… Continue reading Paggamit ng fossil fuel, hiniling sa pamahalaan na itigil na

DOLE, may paalala sa mga employers ngayong holiday

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa mga private sector na magbayad ng doble sa kanilang mga empleyado na papasok ngayong araw, April 21, isang regular holiday– sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr (Feast of Ramadan). Paalala ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mga employer na gabayan kung paano mabayaran ang… Continue reading DOLE, may paalala sa mga employers ngayong holiday