Pamasahe sa eroplano, bababa — Civil Aeronautics Board

Mas mura na ang pamasahe sa eroplano simula sa Mayo. Yan ay matapos bawasan ang fuel surge charge ng mga airline company. Ayon sa Civil Aeronatics Board (CAB) Level 5 na lang ang sisingilin na fuel surge charge simula sa May 1. Yan ay katumbas ng ₱151 hanggang sa ₱543 sa mga Domestic Flight depende… Continue reading Pamasahe sa eroplano, bababa — Civil Aeronautics Board

Basilan solon, malaki ang pasasalamat matapos ma-upgrade ang Basilan General Hospital sa Level 2

Labis na nagpapasalamat si Basilan Representative  Mujiv Hataman sa Department of Health (DOH) na sa wakas ay na-upgrade na sa pagiging Level 2 hospital ang Basilan General Hospital. Aniya, noong deliberasyon ng 2023 national budget noong nakaraang taon, ay kaniyang inilaban at tinayuan sa Kongreso ang matagal nang nabinbin na upgrade ng BGH. Nasa 24… Continue reading Basilan solon, malaki ang pasasalamat matapos ma-upgrade ang Basilan General Hospital sa Level 2

Bakunahan ng COVID-19 2nd booster shot, isasagawa sa Makati ngayong araw

Iniimbitihan ng Makati LGU ang mga 18-years old pataas o general population na magpabakuna ng COVID-19 2nd booster shot. Open ang bakuna sa lahat kahit hindi residente ng Makati City basta magdala lang ng ID at vaccine card. Ngayong araw dalawang lokasyon ang pagdarausan nito kabilang na sa Health Center ng Barangay Cembo at 3rd… Continue reading Bakunahan ng COVID-19 2nd booster shot, isasagawa sa Makati ngayong araw

Bilang ng narehistrong SIM cards, pumalo na sa 73 milyon — NTC

Isang linggo bago ang deadline ng SIM registration ay umakyat pa sa 73 milyon ang bilang ng mga subscriber identity module (SIM) card na nairehistro na hanggang nitong April 17, 2023. Gayunman, sa tala ng National Telecommunications Commission (NTC), katumbas pa lamang ito ng 43.47% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa. Mula sa… Continue reading Bilang ng narehistrong SIM cards, pumalo na sa 73 milyon — NTC

DHSUD Sec. Acuzar, nag-inspeksyon sa mga housing site na bibisitahin ni Pres. Marcos Jr.

Bago ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pag-iinspeksyon sa ilang major housing sites sa lalawigan ng Bulacan. Kabilang dito ang San Jose Del Monte City, San Rafael, at Pulilan kung saan isasagawa ang simultaneous groundbreaking sa ilalim… Continue reading DHSUD Sec. Acuzar, nag-inspeksyon sa mga housing site na bibisitahin ni Pres. Marcos Jr.

Senate President Zubiri, nakipagpulong kay US Trade Representative Ambassador Katherine Tai

Iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat magkaroon ng preferential treatment ang Estados Unidos sa Pilipinas pagdating sa trade at investment, bilang isa tayo sa kanilang mga pangunahing security ally. Kabilang ito sa mga natalakay ni Zubiri kay US Trade Representative Ambassador Katherine Tai na nasa bansa ngayon para humingi ng suporta para… Continue reading Senate President Zubiri, nakipagpulong kay US Trade Representative Ambassador Katherine Tai

Pagtatayo ng special defense economic zone sa Camp General Antonio Luna, itinutulak sa Kamara

Isang panukalang batas ang nakatakdang pagdebatehan sa plenaryo ng Kamara ang nagsusulong para sa pagtatayo ng special defense economic zone (SpeDEZ) sa loob ng government arsenal defense industrial estate sa Camp General Antonio Luna sa Limay, Bataan. Layon ng House Bill 7764 o Special Defense Economic Zone Act, na palakasin ang investment opportunities sa loob… Continue reading Pagtatayo ng special defense economic zone sa Camp General Antonio Luna, itinutulak sa Kamara

DICT, handa na sa pagpapatupad ng single operating system sa lahat ng transaksyon sa pamahalaan

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na “all systems go” na ito para sa nakatakdang roll-out ng isang single operating system sa lahat ng transaksyon sa pamahalaan. Kasunod na rin ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilarga na ang paglikha ng single operating system para mapabilis ang serbisyo… Continue reading DICT, handa na sa pagpapatupad ng single operating system sa lahat ng transaksyon sa pamahalaan

EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng mga hindi awtorisado, reef-toxic sunscreen

Pinag-iingat ngayon ng toxics watchdog group EcoWaste Coalition ang publiko sa pagbili ng mga hindi awtorisadong sunscreen products. Kamakailan lang ay nagsagawa ang grupo ngmarket monitoring sa Maynila kung saan natukoy na anim sa 12 brands ng sunscreen products na ibinebenta sa halagang ₱60 to ₱250 ay wala sa Food and Drug Administration (FDA) Verification… Continue reading EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng mga hindi awtorisado, reef-toxic sunscreen

Hiwalay na imbestigasyon ng NAPOLCOM sa umanoy cover up sa 990 kilo ng shabu, welcome sa PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang ginagawang hiwalay na imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa umano’y nangyaring “cover-up” sa pagrekober ng PNP Drug Enforcement Group ng 990 kilo ng shabu mula kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. noong nakaraang Oktubre. Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, hindi nila nakikita ito… Continue reading Hiwalay na imbestigasyon ng NAPOLCOM sa umanoy cover up sa 990 kilo ng shabu, welcome sa PNP