Opening ceremony ng Balikatan Exercise, isasagawa sa Camp Aguinaldo ngayong araw

Isasagawa ngayong araw sa Camp Aguinaldo ang opening ceremony para sa Balikatan 23 military exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. military, ang pinakamalaking pagsasanay ng dalawang pwersa sa kasaysayan. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, handa na ang lahat ng participants, resources, at mga pagsasanayang “scenario” matapos ang… Continue reading Opening ceremony ng Balikatan Exercise, isasagawa sa Camp Aguinaldo ngayong araw

Muling pagbubukas ng Kadiwa store sa Parañaque matapos ang Semana Santa maagang dinagsa ng mga mamimili

Binuksan na muli ang Petron Kadiwa store sa Brgy. San Antonio, Parañaque City matapos ang Semana Santa. Maagang pinilahan ang Kadiwa kung saan sunod-sunod ang pagdating ng mga namimili at marami silang binibili. Sinabi ng mag-asawang nakapanayam natin, maramihan ang pagbili sa Kadiwa at ito ay ginagawa nila dalawang beses kada isang linggo. Lubos silang… Continue reading Muling pagbubukas ng Kadiwa store sa Parañaque matapos ang Semana Santa maagang dinagsa ng mga mamimili

Mga eroplano sa NAIA, sunod-sunod na rin ang pagdating ngayong huling araw ng long weekend

Madaling araw pa lamang ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ngayong huling araw ng long weekend. Base sa flight board sa NAIA Terminal 3 dumating ang eroplano mula sa Cebu, Iloilo, Cagayan De Oro kaninang alas-7 ng umaga. Alas-8 ng… Continue reading Mga eroplano sa NAIA, sunod-sunod na rin ang pagdating ngayong huling araw ng long weekend

Mahigit 90,000 na pasahero, naitala sa PITX kahapon

Unti-unti nang dumadating ang mga pasahero mula sa mga probinsya pabalik ng Metro Manila. Base sa monitoring ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sinabi ni Corporate Affairs officer Kolyn Calbas na umabot sa 91,456 ang pasahero sa PITX kahapon ng Linggo ng Pagkabuhay. As of 6am naman ngayong araw, nasa 7,445 ang mga pasahero sa… Continue reading Mahigit 90,000 na pasahero, naitala sa PITX kahapon

Pagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’, malapit nang pagtibayin ng Kamara

Nalalapit nang lumusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na magbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ policy sa mga pribadong elementary at high school. Ito’y matapos aprubahan sa viva voce voting ang House Bill 7584 bago mag-adjourn ang sesyon para sa Lenten break. Nakasaad sa panukala na ang magulang o guardian ng mag-aaral ay… Continue reading Pagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’, malapit nang pagtibayin ng Kamara

SP Zubiri, ikinatuwa ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng Senado sa survey

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing ang Senado ang nakatanggap ng pinakamataas na net satisfaction rating sa mga ahensya ng gobyerno. Sa fourth quarter 2022 SWS survey na ginawa mula December 10 to 14, 2022, nakakuha ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ng ‘Very… Continue reading SP Zubiri, ikinatuwa ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng Senado sa survey

NCRPO, mananatiling naka-heigtened alert kahit tapos na ang Semana Santa

Tuloy-tuloy ang gagawing pagbabantay at paghihigpit sa seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahit tapos na ang Semana Santa. Kabilang sa babantayan ang matataong lugar, tulad ng terminal ng bus, tren, paliparan, pantalan, at mga pagtitipon. Ayon kay Police Lt. Col. Luisito Andaya, tagapagsalita ng NCRPO, mananatiling naka-heightened alert ang NCRPO hanggang May… Continue reading NCRPO, mananatiling naka-heigtened alert kahit tapos na ang Semana Santa

25 oras na byahe mula sa Naga pabalik ng Metro Manila, narasan ng ilang pasahero

Naipit sa matinding daloy ng trapiko ang ilang pasahero pabalik ng Metro Manila matapos ang paggunita ng Semana Santa. Ayon kay Rico, 25 oras ang kanilang naging byahe. Alas-2 ng madaling araw sila umalis ng Naga, Bicol at alas-3 ng madaling araw na sila nakarating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). May mga pasaway aniya… Continue reading 25 oras na byahe mula sa Naga pabalik ng Metro Manila, narasan ng ilang pasahero

“Very Good” satisfaction rating ng Kamara, bunsod ng masinop na pagtatrabaho ng mga mambabatas — House leadership

Ang dedikasyon sa trabaho ng mga kasamahang mambabatas ang itinuturong dahilan ni House Speaker Martin Romualdez kung bakit nakakuha ang Kamara ng 56% o “Very Good” satisfaction rating sa nakalipas na SWS survey. Ayon sa mambabatas, nakita ng publiko ang pagsusumikap ng Mababang Kapulungan na magpasa ng mga pro-people na panukala. Malaking bagay din aniya… Continue reading “Very Good” satisfaction rating ng Kamara, bunsod ng masinop na pagtatrabaho ng mga mambabatas — House leadership

Red Cross, na-rescue ang isang dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam

Binigyang-diin ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng well-trained na personnel sa pagsagip ng buhay lalo na sa mga insidente ng pagkalunod. Ito’y matapos ma-rescue ng roving foot patrol ng PRC Rizal Chapter ang isang 15-taong gulang na dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam. Ayon kay Red Cross Chairperson Richard… Continue reading Red Cross, na-rescue ang isang dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam