US, Korea, nagpahayag ng intensyong tumulong sa paglinis ng oil spill

Nag-alok ng tulong ang Estados Unidos at Korea sa pamahalaan ng Pilipinas sa paglilinis ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Information Officer Diego Agustin Mariano, hinihintay lang ng dalawang bansa ang desisyon ng Pilipinas kung tatanggapin ang kanilang alok na tulong. Una nang tinanggap ng pamahalaan ang tulong… Continue reading US, Korea, nagpahayag ng intensyong tumulong sa paglinis ng oil spill

‘Word war’ sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa Cha-Cha, dapat nang itigil — Cavite solon

Pinayuhan ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr. ang liderato ng Kamara at Senado na mag-usap nang pribado at upuan ang isyu sa isinusulong na pag-amyenda sa Saligang Batas. Ayon sa beteranong mambabatas, dapat ay kilalanin ng dalawang kapulugnan ang parliamentary courtesy imbes na magpalitan ng pahayag sa harap ng publiko. Dagdag pa ni Barzaga, dapat… Continue reading ‘Word war’ sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa Cha-Cha, dapat nang itigil — Cavite solon

Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan ng 169 — DOH

Nadagdagan ng 169 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon yan sa datos ng Department of Health (DOH) as of March 18, 2023. Dahil dito umakyat na sa 4,078,820 ang mga nagka-COVID sa bansa habang 4,003,285 ang gumaling. Ayon sa DOH, 9,270 ang aktibong kaso sa bansa. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat pa rin lalo’t… Continue reading Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan ng 169 — DOH

Registry system para sa mga ayaw makatanggap ng promotional text, calls, pasado na sa komite

Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang substitute bill para sa pagtatayo ng No Call, No Text Registration System. Layunin ng panukala na maproteksyonan ang mga mobile phone subscriber mula sa unwanted calls at texts. Isinusulong din nito ang responsable at patas na marketing upang hindi maka-abala sa phone users ang ginagawang… Continue reading Registry system para sa mga ayaw makatanggap ng promotional text, calls, pasado na sa komite

DA, magtatayo na ng onion cold storage facility sa Nueva Ecija

Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang konstruksyon ng cold storage facility nito para sa sibuyas sa lalawigan ng Nueva Ecija. Kasunod ito ng isinagawang ground breaking ceremony para sa itatayong 20,000 Bags Capacity Onion Cold Storage sa Calancuasan Sur, Cuyapo, Nueva Ecija. Popondohan ng ₱40-milyon ang konstruksyon ng naturang pasilidad na ipagkakaloob sa… Continue reading DA, magtatayo na ng onion cold storage facility sa Nueva Ecija

Pagtugon sa oil spill ng gobyerno, nasa tamang landas — DOTr

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na nasa tamang landas ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtugon sa oil spill sa Oriental Mindoro. Ito ang inihayag matapos ang isang pagpupulong kasama ang Japan Disaster Relief (JDR) expert team at Philippine Coast Guard (PCG) Incident Management Team sa Oriental Mindoro. Ibinahagi ng mga Japanese expert… Continue reading Pagtugon sa oil spill ng gobyerno, nasa tamang landas — DOTr

Nasa ₱85-M halaga ng smuggled na asukal, nasabat ng DA

Aabot sa ₱85-milyong halaga ng mga puslit na asukal ang nakumpiska ng Office of the Assistant Secretary for Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DA I&E) sa pinakahuling operasyon nito sa Port of Subic. Katuwang ng DA sa ikinasang anti-agricultural smuggling enforcement operations ang Bureau of Customs (BOC), Sugar Regulatory Administration (SRA), at Philippine Coast… Continue reading Nasa ₱85-M halaga ng smuggled na asukal, nasabat ng DA

PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

Umabot sa halos apat na tonelada o 3.7 tons ng ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang waste facility sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite kahapon. Ayon kay PDEA Director General Virgilio Lazo, ang naturang timbang ng ilegal na droga ay nagkakahalaga ng aabot sa 20 bilyong… Continue reading PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱21-M ayuda sa mga apektado ng oil spill

Sumampa pa sa higit ₱21-milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill. Ibinigay ang ayuda sa mga residente mula sa 126 na apektadong baragay sa MIMAROPA at Western Visayas. Kaugnay nito, sa pinakahuling datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱21-M ayuda sa mga apektado ng oil spill

69% ng mga unvaxxed, di pa rin kumbinsidong magpabakuna vs. COVID-19 — SWS

Bagamat higit tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magsimulang kumalat ang pandemya sa Pilipinas, nananatiling nag-aalinlangan pa rin ang ilang mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19. Batay sa pinakahuling SWS survey, na isinagawa mula December 10-14, 2022, lumalabas na 69% ng unvaccinated na Pilipino ang ayaw pa ring magpabakuna. Nasa 12% naman ang handa… Continue reading 69% ng mga unvaxxed, di pa rin kumbinsidong magpabakuna vs. COVID-19 — SWS