Mga bagong panuntunan para sa 2023 Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema

Hindi na kailangang magpakita ng negative RT-PCR test o Antigen test results kontra COVID-19 ang mga lalahok sa 2023 Bar Examinations. Ito ang nakasaad sa inilabas na Bar Bulletin no. 6 ng Korte Suprema o ang mga bagong panuntunan para sa nasabing pagsusulit sa taong ito. Bagaman, hindi na kailangan ang mga nabanggit na test… Continue reading Mga bagong panuntunan para sa 2023 Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema

DOJ, muling pinulong ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

Inihayag ngayon ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na kanilang rerepasuhin ang kaso ng mga nawawalang sabungero. Ito’y ayon sa Kalihim makaraang humarap ngayong araw sa kanilang tanggapan ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero para humingi ng update hinggil sa tinatakbo ng kaso. Sa ipinatawag na pulong balitaan ngayong hapon, inamin… Continue reading DOJ, muling pinulong ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

50-Year Metro Manila Drainage Master Plan ng MMDA, aprubado na ng World Bank

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aprubado na ng World Bank ang bubuoing 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan. Layon ng nasabing proyekto na mabawasan ang mga pagbaha sa National Capital Region. Ayon sa MMDA, nagsasagawa na sa ngayon ng scoping at inventory ang ahensya para matukoy kung ano ang mga lokal na… Continue reading 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan ng MMDA, aprubado na ng World Bank

Pamahalaan, dapat gawin ang lahat para makolekta ang utang na buwis ng mga nagsara at nawala nang mga POGO

Iginiit ni Senadora Grace Poe na dapat gawin ng Bureau of Internal revenue (BIR), sa pakikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang lahat ng hakbang para makolekta ang nasa P2.2 billion na buwis mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nagsara na o nawala na. Ayon kay Poe, kung lehitimong mga… Continue reading Pamahalaan, dapat gawin ang lahat para makolekta ang utang na buwis ng mga nagsara at nawala nang mga POGO

Economic managers ng administrasyon, tiniyak na resonable pa ang utang ng Pilipinas

Inusisa ng mga senador ang economic managers ng administrasyon tungkol sa lumalaking utang ng Pilipinas. Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa senado para sa panukalang 2024 National Budget, sinabi ni National Treasurer Rosalia de Leon na inaasaahang tataas pa sa P15.8 trillion ang utang ng Pilipinas sa susunod na taon. Nais malaman… Continue reading Economic managers ng administrasyon, tiniyak na resonable pa ang utang ng Pilipinas

Pilipinas, nagpadala na ng team sa Maui para umasiste sa mga Pilipinong apektado ng wildfire

An aerial view shows the community of Lahaina after wildfires driven by high winds burned across most of the town several days ago, in Lahaina, Maui, Hawaii, U.S. August 10, 2023. REUTERS/Marco Garcia TPX IMAGES OF THE DAY

📸 Reuters

PNP, tiniyak ang seguridad sa nalalapit na FIBA World Cup

Bumuo na ng isang Security Task Force ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup. Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., partikular sa kanilang tututukan ang latag ng seguridad para sa mga dadalo gayundin sa mga kalahok at mga lugar na pagdarausan ng nasabing… Continue reading PNP, tiniyak ang seguridad sa nalalapit na FIBA World Cup

Potential ng Ilocos Region sa renewable energy, kinilala ng economic team

Kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno kapasidad ng Ilocos Region at iba pang lugar sa norte para sa renewable energy. Inihayag ni Diokno sa ginanap na Philippine Economic Briefing sa Laoag city na determinado ang Pilipinas na maging world leader sa  “Race to go Net Zero” dahil sa potentsyal ng probinsya sa renewable energy at massive reserves… Continue reading Potential ng Ilocos Region sa renewable energy, kinilala ng economic team

Pagdeklara sa Bayan ng Panglima Estino sa Sulu bilang ASG-free, inaasahang makahikayat ng mga turista

Positibo ang pamunuan ng bayan ng Panglima Estino, Sulu na makakatulong ang pagdeklara ng kanilang lugar bilang Abu Sayyaf Group (ASG) free sa paghikayat ng maraming turista na bumisita sa lugar na siyang magbibigay daan sa pagpapaunlad ng naturang bayan. Pinangunahan ang deklarasyon kahapon ng Panglima Estino bilang ASG-free nina BGen Giovanni Franza, Commander ng… Continue reading Pagdeklara sa Bayan ng Panglima Estino sa Sulu bilang ASG-free, inaasahang makahikayat ng mga turista

Pagtukoy sa lokasyon ng magkarugtong na Fault Lines sa Kidapawan City at bayan ng Makilala sa Cotabato Province, isinagawa ng DOST-Phivolcs

Nagsimula na sa pagtukoy ng lokasyon sa fault lines mula Kidapawan City hanggang sa bayan ng Makilala probinsiya ng Cotabato ang Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PhiVolcs). Ayon kay Supervising Science Research Specialist Jeffrey S. Perez, ang walong araw na Active Fault Mapping Fieldwork ay paraan upang malaman ang lokasyon… Continue reading Pagtukoy sa lokasyon ng magkarugtong na Fault Lines sa Kidapawan City at bayan ng Makilala sa Cotabato Province, isinagawa ng DOST-Phivolcs