SIM card registration, wala nang extension – NTC

Muling iginiit ng National TeleCommunication (NTC) sa publiko na wala nang extension ang pagpaparehistro ng SIM cards. Binigyan na ng pagkakataon ang mga SIM card owner para makapag parehistro mula ng palawigin pa ng 90 araw ang orihinal na deadline noong Abril 26. Giit ng NTC, ang hindi pagrehistro ng mga SIM bago ang alas… Continue reading SIM card registration, wala nang extension – NTC

Benguet solon, nanawagan ng agarang tulong dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay

Umapela si Benguet Rep. Eric Yap sa national government na agad magpadala ng tulong sa kanilang lalawigan at kalapit probinsya sa Northern Luzon na pinadapa ngayon ng bagyong #EgayPH. Sa mga ibinahaging larawan ni Yap ng sitwasyon sa Benguet, makikita na lubog sab aha ang maraming lugar kasama na ang sikat na strawberry farm sa… Continue reading Benguet solon, nanawagan ng agarang tulong dahil sa pananalasa ng Bagyong Egay

Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP

Inaaral ngayon ng Kamara ang pag-tap sa savings ng pamahalaan para mapondohan ang pensyon ng military at uniformed personnel (MUP). Ayon kay Appropriations Committee Chair Elizaldy Co bago pa, dumating ang pagtalakay sa 2024 national budget, ay hahanapan na nila ng pagkukunan ng pondo ang pension ng mga sundalo, pulis, at iba pang uniformed personnel.… Continue reading Government savings, maaaring gamiting pampondo sa pensyon ng mga MUP

EDCOM II, pinatitiyak na hindi maaabuso sa mga workplace ang mga batang apprentice o OJT

Nirerekomenda ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa Senado na protektahan ang mga menor de edad o ang mga batang nasa ilalim ng Apprenticeship program ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na pinapatupad ng ilang mga kumpanya. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Labor, binahagi ni EDCOM chief legal officer Atty.… Continue reading EDCOM II, pinatitiyak na hindi maaabuso sa mga workplace ang mga batang apprentice o OJT

Susunod na Philippines-Malaysia Joint Commission meeting, ikinakasa na ng dalawang bansa.

Nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na i-convene ang susunod na Philippines-Malaysia Joint Commission meeting, na magpapatatag pa sa kooperasyon ng dalawang bansa. Sa joint press statement kasama si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na posibleng sa buwan ng Oktubre, maisakatuparan ang pulong. “In the spirit of exploring synergies… Continue reading Susunod na Philippines-Malaysia Joint Commission meeting, ikinakasa na ng dalawang bansa.

PRO-02, magpapamahagi ng ayuda mula sa kanilang food bank

Nakatakdang magsagawa ng relief operations ang Police Regional Office 02 (PRO2) sa mga lugar sa Lambak ng Cagayan na apektado ng Typhoon #EgayPH. Ang mga ipapamahaging relief goods ay mula sa mga nalikom nilang grocery items at iba pang donated goods mula sa mga stakeholder at Advisory Support Groups ng Valley Cops. Matatandaang muling inilunsad… Continue reading PRO-02, magpapamahagi ng ayuda mula sa kanilang food bank

DA, nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa CALABARZON at MIMAROPA

Nakapagtala na ng inisyal na Php 225 libong pinsala at pagkalugi ang mga magsasaka na naapektuhan ni Super Typhoon #EgayPH. Sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 77 magsasaka na ang apektado at 4 na metric tons ng agri-products ang nasira. Sa ngayon, nasa 40 ektarya ng taniman ng palay ang naapektuhan. Karamihan sa… Continue reading DA, nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa CALABARZON at MIMAROPA

Bacolod City Police Office, nagbigay ng hot meals sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Bacolod

Nagbigay ng hot meals ang Bacolod City Police Office sa mga residenteng apektado ng Bagyong #EgayPH sa Bacolod City. Ang pagbibigay ng hot meals ay pinangunahan ni BCPO Director P/Col. Noel AliƱo kasama ang ibat ibang istasyon ng Bacolod City Police Office. Mahigit kumulang 370 residente sa dalawang evacuation centers sa syudad ang nabigyan ng… Continue reading Bacolod City Police Office, nagbigay ng hot meals sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Bacolod

Pamilyang inilikas sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay, umabot na sa 4,000

Tumaas pa lalo ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa hangin at pagbahang dulot ng bagyong #EgayPH sa probinsya. Batay sa talaan ng PDRRMC, hanggang kaninang alas 11:00 ng umaga, nasa mahigit 4,000 pamilya na ang nailikas sa probinsya na may kabuuang mahigit 16 libong katao. Ang mga ito ay… Continue reading Pamilyang inilikas sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay, umabot na sa 4,000

Lakas ng loob at moral ascendancy, panalangin ng isang kongresista para kay pangulong Marcos Jr. sa kanyang pagharap sa mga hangarin sa bansa

Sinabi ni CIBAC Partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva na kanyang ipapanalangin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang bigyan ng lakas at moral ascendancy na harapin ang kanyang mga hangarin sa bansa. Ito ang pahayag ni Bro. Eddie kasunod ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Pinuri ng kongresista ang mga plano ng pangulo… Continue reading Lakas ng loob at moral ascendancy, panalangin ng isang kongresista para kay pangulong Marcos Jr. sa kanyang pagharap sa mga hangarin sa bansa