Mahigit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Iloilo City

Nasa P1.15 milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Calaparan Arevalo, Iloilo City, 7:35 ngayong gabi. Arestado ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 at Arevalo PNP si Wenchel Provido alyas Tagoy, 37 taong gulang at residente ng Brgy. Zamora, Iloilo City. Nakumpiska sa subject ang 170 gramo ng… Continue reading Mahigit P1-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Iloilo City

Vice President Sara Duterte, “no comment” sa pagbasura ng ICC sa apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyong Duterte

Hindi nagbigay ng komento si Vice President Sara Z. Duterte nang hingan ng reaksyon ng media sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyong Duterte. Ayon sa ipinadalang mensahe ni VP Sara sa media, “no comment” siya sa desisyon na ito ng… Continue reading Vice President Sara Duterte, “no comment” sa pagbasura ng ICC sa apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyong Duterte

Pilipinas, hindi patitinag sa naging desisyon ng ICC kaugnay ng war on drugs

Ikinadismaya ng Office of the Solicitor General ang naging desisyon ng Appeal Chamber ng International Criminal Court (ICC). Ito’y makaraang ibasura ng Appeal Chamber ng ICC ang mga inihaing apela ng Pilipinas may kaugnayan sa war on drugs. Ayon kay Assistant Solicitor General Myrna Agno-Canuto, naninindigan ang Pilipinas na balido ang kanilang inilatag na mga… Continue reading Pilipinas, hindi patitinag sa naging desisyon ng ICC kaugnay ng war on drugs

Gobyerno ng Pilipinas, dapat manindigan kontra sa patuloy na aksyon ng China sa WPS, ayon kay Senate President Zubiri

Iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat ipaglaban ng pamahalaan ng pPilipinas ang exclusive economic zone ng ating bansa at tiyaking walang kahit isang pulgada ng ating teritoryo ang mawawala. Ito ang pahayag ng senate president sa gitna ng patuloy na aktibidad ng bansang China sa West Philippine Sea. Pinakita pa ni Zubiri… Continue reading Gobyerno ng Pilipinas, dapat manindigan kontra sa patuloy na aksyon ng China sa WPS, ayon kay Senate President Zubiri

Sen. Go, ibinahagi ang ilang impormasyon tungkol sa pagbisita ni FPRRD sa China at kay Chinese President Xi Jinping

Nilinaw ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na private visit ang ginawang pakikipagkita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa China kahapon. Ayon kay Go, base sa kanyang impormasyon ay inimbitahan si dating Pangulong Duterte ng Friends of the Philippines Foundation para sa inagurasyon ng Soledad College Building sa Fujian, China. Ito… Continue reading Sen. Go, ibinahagi ang ilang impormasyon tungkol sa pagbisita ni FPRRD sa China at kay Chinese President Xi Jinping

Daily water service interruptions sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Sinuspinde na ng Maynilad Water Services ang scheduled daily water service interruptions sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City. Sinabi ng Maynilad na nakatulong ang mga pag ulan dala ni bagyong Dodong para mapataas ang water elevation sa Ipo Dam. Ito ang dahilan kaya patuloy na natatanggap mula sa Portal… Continue reading Daily water service interruptions sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Negosyante sa Ilocos Norte, ipinagmalaki ng DTI sa natanggap na parangal sa Nat’l MSME Summit 2023

📸 DTI ILOCOS NORTE

Re-assessment ng mga miyembro ng 4Ps na tinaguriang ‘non-poor,’ iniutos ng DSWD Chief

Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang re-assessment sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na tinaguriang “non-poor” ng Listahanan 3, ang standardized targeting system na ginagamit ng programa. Bilang bahagi ng proseso ng re-assessment, gagamitin ng DSWD ang Social Welfare and Development Indicator (SWDI) tool upang masuri at masubaybayan ang antas ng kondisyon ng pamumuhay ng… Continue reading Re-assessment ng mga miyembro ng 4Ps na tinaguriang ‘non-poor,’ iniutos ng DSWD Chief

Pagkakalagda sa Maharlika Law, makatutulong na makamit ang long-term development goals ng bansa – NEDA

Pinuri ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagkakalagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maharlika Investment Fund Act of 2023. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong ito sa mga kasalukuyang investment platform ng bansa at masusuportahan ang mga gastusin sa mga flagship infrastructure project ng pamahalaan. Ani Balisacan, makatutulong din ang… Continue reading Pagkakalagda sa Maharlika Law, makatutulong na makamit ang long-term development goals ng bansa – NEDA

Water rationing, maaring bumalik kung magpapatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan – DENR

Hindi malayong bumalik ang water rationing sa sandaling magpatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan na inaasahan sanang magpapataas sa antas ng tubig sa Angat Dam. Ito ang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Yulo-Loyzaga, gayung hindi pa maituturing na water crisis ang sitwasyon. Bagama’t nasa alanganing kalagayan ang suplay… Continue reading Water rationing, maaring bumalik kung magpapatuloy ang kawalan ng malalakas na pag-ulan – DENR