Mahigit 1K Senior High Graduates sa Mangaldan National High School tumanggap ng regalo kay VP Sara Duterte

Hindi napigilan ng nasa 1092 na Senior High School na nagtapos sa Mangaldan National High School ngayong araw (July 12, 2023) ang tuwa at hiyawan matapos inanunsyo ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na magbibigay ito ng regalo sa kanila. Sa naging anunsyo ng bise presidente kung saan tumayo itong Panauhing Pandangal sa… Continue reading Mahigit 1K Senior High Graduates sa Mangaldan National High School tumanggap ng regalo kay VP Sara Duterte

CDO solon, umaasang mas igigiit ng Marcos Jr. administration ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas sa WPS

Mas lalo pa dapat igiit ng Pilipinas sa China na tumalima sa naipanalo nitong arbitral ruling sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez. Ang panawagan ng kinatawan ay kasabay ng ika pitong taong anibersaryo ng makasaysayang panalo ng Pilipinas laban sa territorial claim ng China sa West… Continue reading CDO solon, umaasang mas igigiit ng Marcos Jr. administration ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas sa WPS

Pilipinas, dapat na ipagpatuloy ang paninindigan laban sa mga iligal na aktibidad ng China sa WPS, ayon sa isang eksperto

Mainam kung ikukonsidera ng Marcos Administration ang pagdulog sa United Nations General Assembly (UNGA), ng walang tigil na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS). Pahayag ito ni Atty. Jay Batongbacal, isang Maritime Expert, kasabay na rin ng ikapitong anibersaryo ng The Hague ruling, na pabor sa Pilipinas, kaugnay sa claim ng China… Continue reading Pilipinas, dapat na ipagpatuloy ang paninindigan laban sa mga iligal na aktibidad ng China sa WPS, ayon sa isang eksperto

8 sa 10 Pilipino, pabor sa pagbuo alyansa at palakasin ang ugnayan ng mga bansa para protektahan ang West Philippine Sea, ayon sa isang survey

Aabot sa 80 porsyento o 8 sa bawat 10 Pilipino ang pabor na bumuo ang Pilipinas ng isang alyansa at palakasin pa ang ugnayan nito sa ibang bansa upang protektahan ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa isang forum ngayong hapon sa Makati City… Continue reading 8 sa 10 Pilipino, pabor sa pagbuo alyansa at palakasin ang ugnayan ng mga bansa para protektahan ang West Philippine Sea, ayon sa isang survey

Embahada ng Pilipinas sa Cairo, pinaaalis na ang mga Pilipino sa nasabing bansa para na rin sa kanilang kaligtasan

Muling inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang mga Pilipino sa Sudan na umalis na sa nabanggit na bansa para na rin sa kanilang kaligtasan. Ito ang inihayag ng embahada kasunod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng iba’t ibang paksyon sa nasabing bansa. Dahil dito, tuloy-tuloy ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan upang alalayan… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Cairo, pinaaalis na ang mga Pilipino sa nasabing bansa para na rin sa kanilang kaligtasan

DFA, walang nakikitang masama sa pagpayag ng MTRCB sa papalabas ng pelikulang Barbie sa PIlipinas

Walang nakikitang masama ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maipalabas ang pelikulang “Barbie” sa Pilipinas. Ito ang inihayag ng kagawaran matapos maglabas ito ng isang pormal na opinyon matapos payagan ng ang pagpapalabas nito sa bansa. Magugunitang hinarang ng bansang Vietnam ang nabanggit na pelikula makaraang ipakita sa isa sa mga eksena rito ang… Continue reading DFA, walang nakikitang masama sa pagpayag ng MTRCB sa papalabas ng pelikulang Barbie sa PIlipinas

NIA, nakahanda na sa paparating na El Niño phenomenon

Nakabuo na ng kani-kanilang El Niño Action Plan ang Regional Offices ng National Irrigation Administration (NIA) sa buong bansa. Nakapaloob sa Action plan ang iba’t ibang mitigating measures, tulad ng iskedyul ng water delivery, paggamit ng Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology, Diversification of Crops, at paggamit ng early maturing at drought-resistant crop varieties. Ilan… Continue reading NIA, nakahanda na sa paparating na El Niño phenomenon

Inagurasyon ng isang Super Health Center sa Carcar, Cebu, pinangunahan ni Senador Bong Go

Isa sa 19 na Super Health Centers ang pinasinayaan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa lungsod ng Carcar ngayong araw dito sa Cebu. Sina Sen. Go at Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ang nanguna sa isinagawang groundbreaking ceremony sa lokasyon nito sa Barangay Poblacion III. Matatandaan na una nang napasinayaan ang dalawang Super Health Centers… Continue reading Inagurasyon ng isang Super Health Center sa Carcar, Cebu, pinangunahan ni Senador Bong Go

MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Senador Tolentino, dismayado sa desisyon

Pahintulutan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng buo sa pelikulang ‘Barbie’. Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilan na i-ban sa Pilipinas ang pagpapalabas nito dahil sa isang eksenang nagpapakita ng nine-dash line claim ng China sa South China Sea. Kabilang sa mga tutol na ipalabas sa bansa… Continue reading MTRCB, pinayagang ipalabas ng buo ang pelikulang ‘Barbie’; Senador Tolentino, dismayado sa desisyon