Malaking ambag ng Philippine Extractive Industries Transparency Initiative sa gobyerno, kinilala ni Finance Sec. Diokno

Kinilala ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Philippine Extractive Industries Transparency Initiative (PH-EITI) sa mga nakamit nito sa nagdaang taon. Ayon kay Diokno, pinaghusay ng PH-EITI ang transparency at accountability ng extractives sector sa bansa. Ito ang inihayag ng kalihim sa 2023 Fostering Open and Responsible Governance of Extractives (FORGE) Philippines annual national conference. Base… Continue reading Malaking ambag ng Philippine Extractive Industries Transparency Initiative sa gobyerno, kinilala ni Finance Sec. Diokno

Presyo ng ilang kakanin sa Marikina City, bahagyang tumaas

Bahagya nang gumalaw ang presyo ng ilang mga produktong kakanin sa Lungsod ng Marikina ngayong 24 araw na lamang bago ang Pasko. Sa bahagi ng J.P. Rizal sa Brgy. San Roque na dinarayong bilihan ng kakanin, aabot sa P20 hanggang P30 ang itinaas sa kanilang mga produkto. Ang malaking bilao ng Puto Biñan, mabibili na… Continue reading Presyo ng ilang kakanin sa Marikina City, bahagyang tumaas

Pagpapalakas ng iba’t ibang partnership, susi sa pagpapaunlad ng monitoring and evaluation sector — NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mas mapapaunlad ang Monitoring and Evaluation sector sa bansa kung mas mapapalakas rin ang mga ginagawang partnership ng pamahalaan.  Ito ang naging mensahe ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan sa ginanap na 10th M&E Network Forum, na dinaluhan ng mga monitoring and evaluation practitioner sa pribado… Continue reading Pagpapalakas ng iba’t ibang partnership, susi sa pagpapaunlad ng monitoring and evaluation sector — NEDA

Pagbiyak sa prangkisa ng Meralco, tinutulan ng Mindanao solon

Hindi pabor si Cagaan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa panukala na hatiin sa tatlo ang prangkisa ng Meralco. Para sa mambabatas na miyembro ng House Committee on Energy at Economic Affairs, mas mahalaga na pangalagaan ang kapakanan ng consumers at hanapan ng kongkretong solusyon ang mataas na presyo ng kuryente gayundin ang pagsiguro na… Continue reading Pagbiyak sa prangkisa ng Meralco, tinutulan ng Mindanao solon

Kumpiyansang ipinagkakaloob ng credit rating agencies sa Pilipinas, accomplishment ng Administrasyong Marcos Jr. – Diokno

Maituturing na “accomplishment” ng administrasyong Marcos Jr.  ang ipinakikitang kumpiyansa ng mga international credit rating agency sa Pilipinas sa gitna ng global challenges. Ito ang inihayag ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno, kasunod ng positibong rating na ipinagkaloob ng S&P Global sa Pilipins, kung saan pinagtibay nito ang “BBB+A-2” na may stable outlook. Ayon kay… Continue reading Kumpiyansang ipinagkakaloob ng credit rating agencies sa Pilipinas, accomplishment ng Administrasyong Marcos Jr. – Diokno

Facemask at alcohol, naging mabenta muli matapos tumaas muli ang kaso ng mga nagkakasakit dahil sa tuyo at malamig na panahon

Balik sa paggamit ng facemask ang ilang Pilipino ngayong patuloy sa pagdami ang mga naitatalang kaso ng influenza-like na sakit. Ito’y para protektahan ang kanilang sarili gayundin ang kanilang pamilya mula sa banta ng sakit. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa San Juan City, sinabi ng mga nagtitinda ng facemask at alcohol na gumaganda na… Continue reading Facemask at alcohol, naging mabenta muli matapos tumaas muli ang kaso ng mga nagkakasakit dahil sa tuyo at malamig na panahon

DTI, mahigipit na ang pagbabantay sa mga substandard na Christmas lights

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga nagbebenta ng mga substandard na Christmas lights at mga dekorasyong pampasko na dekuryente. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, may mga tauhan na silang umiikot sa iba’t ibang pamilihan sa bansa para isagawa ang inspeksyon. Ang mga nakitaan ng mga paglabag ay… Continue reading DTI, mahigipit na ang pagbabantay sa mga substandard na Christmas lights

ADB, nanawagan sa DOTr na palawigin ang NAIA bidding deadline

Inirekomenda ng Asian Development Bank (ADB) sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan pa ng oras ang mga bidders para sa P170.8 billion na rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa ADB ito ay upang mabigyan pa ng oras ang mga bidders na ihanda ang kanilang offer na magreresulta ng mas maganda resulta… Continue reading ADB, nanawagan sa DOTr na palawigin ang NAIA bidding deadline

S&P Global Rating, binigyan ng “BBB+”  long-term at “A-2” short term sovereign credit rating  ang Pilipinas

Pinagtibay ng S&P Global Ratings ang “BBB+” long-term at “A-2” short term sovereign credit rating na may “stable” outlook ang Pilipinas. Ang positibong pagtaya ng  S&P Global sa Pilipinas ay dahil sa sustained economic recovery and strong external position. Base sa kanilang report na inilabas nitong November 28, sinabi nito na above average ang economic growth potential ng Pilipinas kumpara sa mga… Continue reading S&P Global Rating, binigyan ng “BBB+”  long-term at “A-2” short term sovereign credit rating  ang Pilipinas

Maliliit na negosyo sa lungsod Quezon, tinutulungang mapalago ng QC LGU

Tinututukan na ng Quezon City government ang mga maliliit na negosyo para tulungang mapalago ang kanilang produkto at mapataas ang kanilang kita. Ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang programa ng lungsod na magpapalawak sa kaalaman at impormasyon ng mga micro at small enterprises Kasunod na rin ito nang isinagawang kauna-unahang International… Continue reading Maliliit na negosyo sa lungsod Quezon, tinutulungang mapalago ng QC LGU