DTI at isang lending company, nagkasundo para sa pagsusulong ng zero interest rate sa MSMEs sa Halal industry sa bansa

Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang kumpanyang DK P.O. Fulfillment Company, Inc. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang MOU na mapalakas pa ang Halal industry sa bansa sa pamamagitan ng isang lending company na DK P.O Fulfillment Company Inc., na maghahatid ng… Continue reading DTI at isang lending company, nagkasundo para sa pagsusulong ng zero interest rate sa MSMEs sa Halal industry sa bansa

Mga multinational bank, kumpiyansa sa economic performance ng bansa – Department of Finance

Nagpahayag ng kumpiyansa ang ilang multinational bank sa economic outlook ng Pilipinas. Ito ay matapos ibahagi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang matatag na macroeconomic fundamentals ng bansa, at ang ginagawa ngayon ng gobyerno upang mas gawing madali ang pagnenegosyo sa Pilipinas sa sidelines ng World Bank-IMF Annual Meeting. Sa naturang pagpupulong, muling kinumpirma ng… Continue reading Mga multinational bank, kumpiyansa sa economic performance ng bansa – Department of Finance

DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Naging makabuluhan ang isinagawang pulong ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco sa mga dayuhang stakeholder ng turismo sa Cebu City kung saan kanilang natalakay ang mga hamon at oportunidad ng English as a Second Language (ESL) sa Pilipinas. Ang nasabing pulong ay bahagi ng listening tours ng kalihim, na layuning makakuha ng… Continue reading DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting

Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P270 billion na high impact programs at projects, sa isinagawang NEDA Board meeting ngayong araw (October 13) sa Malacañang. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na kinabibilangan ito… Continue reading Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting

Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

11 international cruise ships, nakatakdang dumaong sa Subic Freeport matapos ang tatlong taong epekto ng global pandemic. Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, sinimulan ng Blue Dream Star, isang luxury vessel ang pagdaong sa freeport habang inaasahang mula ngayon hanggang November 21 ang pagdating ng 10 pang malalaking barko lulan ang libu-libong turista. Napag-alaman din… Continue reading Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

IMF, nakabantay sa nagbabantang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa global economy

Masusi ngayong binabantayan ng International Monetary Fund o IMF ang Israel-Hamas conflict na nagbabantang makaapekto sa global economy. Ayon kay IMF Managing Director Kristalina Georgieva, bagaman masyado pang maaga upang malaman ang epekto nito sa ekonomiya, mahigpit nilang sinusubaybayan ang sitwasyon lalo ang oil market. Ito ang kanyang pahayag sa ginaganap ngayong annual meeting ng… Continue reading IMF, nakabantay sa nagbabantang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa global economy

House tax panel, inaprubahan ang panukalang bawasan ang buwis sa taya at panalo sa lotto

Pinagtibay na ng House Committee on Ways and Means ang panukala na bawasan ang buwis na ipinapataw sa taya at panalo sa lotto. Sa ilalim ng House Bill 9277, ang final tax rate para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at panalo sa lotto ay ibababa na sa 10% mula sa kasalukuyang 20%. Mananatili namang… Continue reading House tax panel, inaprubahan ang panukalang bawasan ang buwis sa taya at panalo sa lotto

Alok ng gobyerno na retail dollar bond, nakalikom ng $1.26 billion investments

Nakalikom ang pamahalaan ng tinatayang $1.26 billion mula sa kauna-unahang retail bond sa ilalim administrasyong Marcos Jr. Ayon sa Department of Finance (DOF), una nilang itinakda sa $1 billion ang iaalok na retail bond ngunit nadagdagan ng hanggang $1.26 billion. Sinabi ni Deputy Treasurer Erwin Sta. Ana, bagaman sa kasalukuyang sitwasyon ng merkado, maganda pa… Continue reading Alok ng gobyerno na retail dollar bond, nakalikom ng $1.26 billion investments

JICA, nangakong patuloy na susuportahan ang transport projects sa Pilipinas kahit matapos ang Marcos Administration – DOTr  

Tiniyak ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na patuloy nitong susuportahan ang mga transport project sa Pilipinas, kahit pa matapos ang administrasyong Marcos. Sa ginanap na 50th Anniversary ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines (JCCIPI), binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang magandang ugnayan ng DOTr at gobyerno ng Japan. Ayon… Continue reading JICA, nangakong patuloy na susuportahan ang transport projects sa Pilipinas kahit matapos ang Marcos Administration – DOTr  

BDO, pinagbabayad ng Korte Suprema ng ₱8-M matapos payagang mag-withdraw ang hindi awtorisadong empleyado ng isang kumpanya

Inutusan ngayon ng Supreme Court ang Banco de Oro Universal Bank, Inc. o BDO na bayaran ng P8 milyon ang isa nilang depositor. Ito’y matapos magreklamo ang kanilang kliyente na si Liza Seastres dahil pinayagan ng naturang bangko na makapag-withdraw ang empleyado nito ng wala niyang pahintulot. Sa 19 pahina na desisyon ng Third Division… Continue reading BDO, pinagbabayad ng Korte Suprema ng ₱8-M matapos payagang mag-withdraw ang hindi awtorisadong empleyado ng isang kumpanya