Flight at ground operations sa NAIA, pansamantalang sinuspinde

Dalawang beses nabalam ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Ito ay matapos magtaas ng Lightning Red Alert ang Ground Operations and Safety Division ng Manila International Airport Authority (MIAA), kaninang 2:16PM at 2:42PM. Ayon sa MIAA Media Affairs Division, layon ng pagtataas ng Lightning Red Alert na mapag-ingat ang mga tauhan… Continue reading Flight at ground operations sa NAIA, pansamantalang sinuspinde

Pagbagal ng inflation rate para sa buwan ng Mayo, nangangahulugan lang na on track ang economic strategies ng Marcos Admin — DBM

Welcome sa Department of Budget and Management (DBM) ang muling pagbagal ng inflation rate sa bansa, na naitala sa 6.1% para sa buwan ng Mayo mula sa 6.6% noong Abril. Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, positive development ito at asahan na ang patuloy na pagbagal pa ng inflation rates sa bansa. Nangangahulugan rin aniya… Continue reading Pagbagal ng inflation rate para sa buwan ng Mayo, nangangahulugan lang na on track ang economic strategies ng Marcos Admin — DBM

Inilunsad na APIN Coins, ‘di lang basta souvenir bagkus ay bahagi ng pag-alala sa pagtatatag ng Republika ng Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng commemorative coins para sa ika-125th Anniversary ng Philippine Independence at Nationhood (APIN) sa Malacañang (June 5). Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang coin set na may denominasyong P100, P20, P5 kung saan tampok ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas, pagiging republika ng bansa,… Continue reading Inilunsad na APIN Coins, ‘di lang basta souvenir bagkus ay bahagi ng pag-alala sa pagtatatag ng Republika ng Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Bill refund sa kuryente ng isang distribution utility (DU) company, ikinatuwa ng consumers

Pinuri ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang MORE Electric and Power Corporation sa inisyatibo nito na maibalik ang bill deposit ng kanilang mga customer. Ayon kay ERC Commissioner Alexis Lumbatan, bihira sa mga DU ang kusang nagbabalik ng refund maliban na lamang kung hingin ng consumers. Una rito, sinimulan na ng MORE Power sa Iloilo… Continue reading Bill refund sa kuryente ng isang distribution utility (DU) company, ikinatuwa ng consumers

Halos P15-B halaga ng investment, inaasahang makakapasok

Nananatiling on track ang pamahalaan sa target nito na 10 porsiyentong paglago ng ekonomiya para sa taong ito. Ito ay makaraang aprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang 20 bago at expansion projects ng pamahalaan nitong nakalipas na buwan ng Mayo. Ayon sa PEZA, inaasahang makapagpapasok ang mga nasabing proyekto ng may P14.9 o… Continue reading Halos P15-B halaga ng investment, inaasahang makakapasok

Potensyal ng green hydrogen sa off-grid areas, pag-aaralan ng NAPOCOR AT GPCCI

Sa layong maisulong ang renewable energy sa bansa ay nakipagtulungan ang National Power Corporation sa National Power Corporation (NAPOCOR) sa German-Philippine Chamber of Commerce and Industry (GPCCI) para sa pagtutulak ng Green Hydrogen Technology. Pinangunahan ni NAPOCOR President at CEO Fernando Martin Roxas at GPCCI President Stefan Schmitz, ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding… Continue reading Potensyal ng green hydrogen sa off-grid areas, pag-aaralan ng NAPOCOR AT GPCCI

100% registration ng SIM subscribers bago ang July 25, makakamit ayon sa isang telco

Kumpiyansa ang Globe Telecommunications, Inc. na makakapagrehistro ng SIM card ang mga aktibong subscriber nito bago matapos ang 90 araw na dagdag palugit. Ayon sa Globe, dahil ito sa patuloy nilang kampanya upang mas mapabilis ang pagpaparehistro, at gawing abot-kamay sa karamihan ng populasyon. Umabot na sa 85 porsiyento ng mga aktibong tagasubaybay ng Globe… Continue reading 100% registration ng SIM subscribers bago ang July 25, makakamit ayon sa isang telco

“Euro Village” cultural festival, binuksan sa Pasig City

Ipinamalas ng European Union Delegation to the Philippines ang kultura ng iba’t ibang bansa sa Europa sa “Euro Village” cultural festival sa Ortigas Center, Pasig City.

Services sector, nananatiling top contributor sa ekonomiya ng MIMAROPA — NEDA

Iniulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mas lumago ang ekonomiya ng Region 4-B o MIMAROPA sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, naitala sa 6.3 percent ang ekonomiya ng rehiyon na mas mataas kumpara sa pre-pandemic growth na 4.3 percent noong 2019.  Nananatili aniyang pinakamalaki… Continue reading Services sector, nananatiling top contributor sa ekonomiya ng MIMAROPA — NEDA

NEDA, tiniyak sa international business community ang pagtugon sa mga problema sa labor at industry sectors

Siniguro ng National Economic and Development Authority (NEDA) na gumagawa na ng hakbang ang gobyerno upang tugunan ang mga suliranin sa labor at industry sectors sa bansa. Sa kanyang pagharap sa international business community sa isang forum, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na inihahanay na ang education systems at upskilling programs sa pangangailangan… Continue reading NEDA, tiniyak sa international business community ang pagtugon sa mga problema sa labor at industry sectors