Mga Pulis Maynila na sangkot sa pangongotong, nakatakdang iharap kay PNP Chief Acorda

Nakatakdang iharap ng Presidential Anti-Origanized Crime Commission (PAOCC) kay Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na sangkot sa robbery-extrotion sa Sampaloc, Maynila. Ito ang kinumpirma ni PAOCC USec. Gilbert Cruz makaraang magpatulong sa kaniya ang mga inirereklamong pulis para sumuko kung saan, 3 lamang… Continue reading Mga Pulis Maynila na sangkot sa pangongotong, nakatakdang iharap kay PNP Chief Acorda

Speaker’s Office, nakipagtulungan sa DOH at DSWD upang mabigyan ng medical assistance at cash aid ang nasa 30 indigent cancer patients

Pinangunahan ng Office of the Speaker, katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapaabot ng nasa P6.78 million na halaga ng medical assistance sa pamamagitan ng guarantee letters sa ilang pasyente sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC). Nasa 30 indigent cancer patients ang nakatanggap ng tig P50,000… Continue reading Speaker’s Office, nakipagtulungan sa DOH at DSWD upang mabigyan ng medical assistance at cash aid ang nasa 30 indigent cancer patients

Maynilad, ‘di pa naglalabas ng abiso kung babawiin ang suspension sa scheduled water interruption

Wala pang abiso kung babawiin ng Maynilad Water Services ang suspension ng scheduled daily water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila. Ito ay matapos magpakita ng unti-unting pagtaas sa water elevation ang Angat at Ipo Dam, dulot ng pag-ulan dala ng bagyong Dodong. Una nang nagpatupad ng daily water service interruptions ang Maynilad noong… Continue reading Maynilad, ‘di pa naglalabas ng abiso kung babawiin ang suspension sa scheduled water interruption

Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang PNP sa limang pulis-Maynila na sangkot sa robbery-extortion ng isang computer shop sa sa Sampaloc, Maynila. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inatasan na rin ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Intelligence Group (IG) na tumulong sa… Continue reading Manhunt operations sa limang pulis Maynila na sangkot sa robbery-extortion, inilunsad

Makati City Mayor Abby Binay, nagbigay ng pahayag ukol sa naging desisyon ng korte sa paglilipat ng 10 barangay ng Makati sa lungsod ng Taguig

Nagbigay ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay ukol sa naging desisyon ng Korte Suprema sa paglilipat ng nasa 10 barangay mula sa Ikalawang Distrito ng Makati sa Lungsod ng Taguig. Sa kanyang naging mensahe sa isang video message, sinabi ng alkalde na hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte… Continue reading Makati City Mayor Abby Binay, nagbigay ng pahayag ukol sa naging desisyon ng korte sa paglilipat ng 10 barangay ng Makati sa lungsod ng Taguig

Kilo/S Kyusi Charity Bazaar, inilunsad ng QC LGU

Binuksan na sa publiko ang KILO/S KYUSI o “Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan” na Charity Bazaar ng pamahalaang Lungsod ng Quezon. Pinangunahan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang Grand Opening ng naturang bazaar sa Inner Lobby ng High Rise Building ng Quezon City Hall ngayong umaga. Tampok rito ang pre-loved at… Continue reading Kilo/S Kyusi Charity Bazaar, inilunsad ng QC LGU

Kadiwa ng Pangulo, nagbukas sa Malabon

Umarangkada na rin ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ Diskwento Caravan sa Camanava. Ngayong araw, isa sa mga nagbukas ang Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Baritan Sports Complex sa Malabon City. Dito, makabibili ang mga residente ng mga sariwang gulay na mula sa mga magsasaka sa Nueva Ecija. Kabilang sa iniaalok rito ang puting sibuyas na mabibili… Continue reading Kadiwa ng Pangulo, nagbukas sa Malabon

8 pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa habagat

Pansamantalang nananatili ngayon sa evacuation center ang nasa walong pamilya o katumbas ng 24 na indibidwal mula sa Brgy. Balangkas, Valenzuela matapos ilikas dahil sa pag-ulang dulot ng habagat. Sa A. Deato Elementary School ipinwesto ang mga modular tent na pansamantalang tinutuluyan ng mga apektadong residente. Ayon sa ilang residente, alas-5 pa ng hapon nitong… Continue reading 8 pamilya sa Valenzuela, inilikas dahil sa habagat

“Kadiwa Ng Pangulo”, bubuksan sa Navotas City bukas

Dadayo bukas sa lungsod ng Navotas ang”Kadiwa ng Pangulo” (KNP) upang maghatid ng mga murang pagkain at iba pang produkto sa abot-kayang presyo. Sa abiso ng Navotas LGU, magbubukas ang Kadiwa Ng Pangulo sa Navotas Central Park sa City Hall compound mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Maraming pagpipilian ang publiko ng mga… Continue reading “Kadiwa Ng Pangulo”, bubuksan sa Navotas City bukas

Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Isa pa ang namatay sa sakit na dengue sa lungsod Quezon. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ang bagong kaso ng nasawi ay mula sa Barangay Sto Domingo sa District 1. Base sa tala ng CESU, dalawa na ang nasawi sa lungsod, una ay mula sa Barangay Pinyahan sa District 4. Sa… Continue reading Kaso ng dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas