P49.3-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan City at Parañaque City

Aabot sa P49,300,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan City at Parañaque City. Sa Caloocan City, narekober ang 3.8kg ng shabu na nagkakahalaga ng P25,840,000 mula sa mga suspect na sina Edgardo Vargas at Lenard Buenaventura. Nahulihan din sila ng isang baril… Continue reading P49.3-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan City at Parañaque City

Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City

Tiniyak na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa lungsod. Sa harap ng posibleng panganib na dala ng Super Typhoon, agad na inihanda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment at mga… Continue reading Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City

100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pinangangambahang pananalasa ng super bagyo, na mayroong international name na “Mawar” o Betty pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Kasunod nito, ipinag-utos ni NCRPO Director, Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagsasagawa ng inspeksyon at imbentaryo sa mga rescue vehicle at life-saving… Continue reading 100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

Response cluster ng Pasig LGU, nakaalerto na sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

Nakaalerto na ang response cluster ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong “Mawar” sa bansa. Ayon sa Pasig Public Information Office, on-call na ang mga tauhan upang i-deploy at nag-imbak na rin ng sapat na pagkain at non-food items. Nakahanda rin ang city government na itaas ang alert level… Continue reading Response cluster ng Pasig LGU, nakaalerto na sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar

Muntinlupa City LGU, naghahanda na rin sa epektong dulot ng bagyong Betty

Pinulong na ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC). Ito ay bilang paghahanda sa epektong dulot ng Super Typhoon Mawar na tatawaging Betty pagpasok nito sa bansa. Dito, inihayag ng Alkalde na nakahanda na ang lahat ng departamento sa lungsod gayundin ang mga barangay sakaling maramdaman… Continue reading Muntinlupa City LGU, naghahanda na rin sa epektong dulot ng bagyong Betty

City Disaster Risk Reduction and Management Council ng San Juan, handa na sa pananalasa ng bagyong Mawar

Pinulong ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang City Disaster Risk Reduction and Management Council upang paghandaan ang pagpasok ng bagyong “Mawar” sa bansa. Ayon kay Zamora, titiyakin ng lokal na pamahalaan na maayos na gumagana ang pumping stations upang maiwasan ang pagbaha sa mabababang lugar. Tinalakay din sa pulong ang kakailanganin ng mga… Continue reading City Disaster Risk Reduction and Management Council ng San Juan, handa na sa pananalasa ng bagyong Mawar

Gentle Hands, binawian na ng fire safety inspection certificate

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na binawian na rin ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City (BFP-QC)ng Fire Safety Inspection Certificate ang Gentle Hands Inc. sa Quezon City. Ayon sa DSWD, matapos ang ipinataw na cease and desist order sa Gentle Hands ay agad itong nag-request sa BFP ng extensive… Continue reading Gentle Hands, binawian na ng fire safety inspection certificate

SUV, tumagilid sa Quezon Avenue

Tumagilid ang isang SUV sa Quezon Avenue eastbound sa bahagi ng Hi-Top bago mag-tunnel kaninang madaling araw. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Metro Base, bago mag-alas-5 ng umaga nang mangyari ang insidente. Batay aniya sa salaysay ng driver, naalangan ito sa separator ng barrier kaya bumangga sa center island at tumagilid.… Continue reading SUV, tumagilid sa Quezon Avenue

DSWD, tiniyak na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang inilipat mula sa Gentle Hands

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Association of Child Caring Agencies of the Philippines (ACCAP) at Commission on Human Rights na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang pansamantalang inilipat mula sa ipinasarang Gentle Hands Inc. (GHI) orphanage sa Quezon City. Pahayag ito ng ahensya matapos na magpadala ng liham ang ACCAP… Continue reading DSWD, tiniyak na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang inilipat mula sa Gentle Hands

Marikina LGU, naghahanda na para sa 2023 Palarong Pambansa sa darating na Hulyo

Pinaghahandaan na ng Marikina City LGU ang pagho-host nito ngayong taon sa 2023 Palarong Pambansa na gaganapin sa darating na Hulyo. Sa naturang paghahanda, personal na tumungo si Marikina City Mayor Marcy Teodoro upang makita ang kasalukuyang preparasyon ng Marikina High School dahil isa ang naturang paaralan sa ‘billeting school’ sa gaganaping palarong pambansa. Kaugnay… Continue reading Marikina LGU, naghahanda na para sa 2023 Palarong Pambansa sa darating na Hulyo