Post Office building, nasusunog ngayong umaga

Kasalukuyang nasusunog ang isa sa mga iconic building, ang Post Office building sa Lungsod ng Maynila. Batay sa inisyal na pahayag ng Bureau of Fire protection bandang alas-dose ng hating-gabi nag-umpisa ang naturang sunog at magpahanggang ngayon ay patuloy na inaapula ng Bureau of Fire Protection ang naturang sunog. Umabot na sa Task Force Charlie… Continue reading Post Office building, nasusunog ngayong umaga

Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

Nagsasagawa ng Anti- Dengue Cleanup Drive ang lokal na pamahalaan ng Makati. Kabilang sa inikutan ang buong barangay ng Tejeros. Sinuyod ang mga kanal, bubong, iskinita, at mga lugar na posibleng pinamumugaran ng lamok. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon ng cleanup drive na mapigilan ang pagdami ng lamok. Sinabi naman ni Olan,… Continue reading Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

Opisina ng NPD-DEU sa Caloocan, pinaulanan ng bala at hinagisan ng granada

Pinagbabaril at hinagisan ng granada ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang opisina ng Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Dagat-dagatan, Caloocan City. Ayon kay Northern Police District Director PBGEN. Rogelio Peñones, pasado alas-2:00 ng madalinng araw nang mangyari ang insidente. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NPD, nasa loob ng opisina ang… Continue reading Opisina ng NPD-DEU sa Caloocan, pinaulanan ng bala at hinagisan ng granada

Dating pulis na wanted sa kasong child abuse, arestado sa Caloocan City

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng nga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang dating pulis sa Brgy. 34, Caloocan City. Kinilala ang akusado na si Melchor Santos na wanted sa kasong child abuse. Ayon kay PMaj. Dave Garcia, deputy commander ng MPD-SMaRT, dating naka-destino si Santos… Continue reading Dating pulis na wanted sa kasong child abuse, arestado sa Caloocan City

SSS, nagkasa ng operasyon laban sa ‘contribution evaders’ sa lungsod ng Makati

Upang masupil ang deliquent employers sa lungosd ng Makati, nagsagawa ng “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ang Social Security System sa iba’t ibang establisyimento na sakop ng SSS Makati Chino Roces branch, NCR south division sa Makati City ngayong umaga. Kung saan walong kumpanya ang target nitong isyuhan ng notice of violation… Continue reading SSS, nagkasa ng operasyon laban sa ‘contribution evaders’ sa lungsod ng Makati

Halos 600 tsuper at konduktor ng EDSA Busway, nakibahagi sa isinagawang “Kumustahan” ng MMDA at I-ACT

Photo courtesy of I-ACT

Aabot sa 559 transport workers ang nakibahagi sa matagumpay na ‘Kamustahan sa EDSA Busway Carousel,’ sa ilalim ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Dumalo sa pitong araw na Kamustahan sa EDSA Busway Carousel, ang Drivers and Conductors o DRICONS, pati na rin ang kani-kanilang bus operators kung saan… Continue reading Halos 600 tsuper at konduktor ng EDSA Busway, nakibahagi sa isinagawang “Kumustahan” ng MMDA at I-ACT

Mga pamilyang nakatira sa gilid ng creek sa Maynila, bibigyan ng pabahay ng NHA

Ipinangako ng National Housing Authority na bibigyan ng bagong tahanan ang mga pamilyang naninirahan sa gilid ng Estero de Magdalena sa Binondo, Manila. Inatasan na ni NHA General Manager Joeben Tai si NHA West Sector Officer-in-Charge Daniel Cocjin na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Maynila at agarang iproseso ang relokasyon ng mga pamilya. Ayon… Continue reading Mga pamilyang nakatira sa gilid ng creek sa Maynila, bibigyan ng pabahay ng NHA

Hospital bed at ICU occupancy rate sa NCR, bahagyang tumaas — OCTA

Tumaas ang bilang ng mga naoospital dahil sa COVID-19 sa Metro Manila. Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, bahagyang umakyat sa 30% ang hospital occupancy rate sa NCR nitong May 17 mula 28% na occupancy rate noong May 10. Bukod dito, umakyat din sa 25% mula sa dating 23% ang Intensive Care… Continue reading Hospital bed at ICU occupancy rate sa NCR, bahagyang tumaas — OCTA

Nasa 11, sugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero Parañaque City

Nasa 11 ang kumpirmadong nasugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero habang rumeresponde sa sumiklab na sunog sa Brgy. San Antonio, Parañaque City, ngayong araw. Ayon sa Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), pawang mga fire volunteer ng Tiger Kabalikat galing sa Pasay City ang nasugatan. Nabatid na tinatahak ng nasabing… Continue reading Nasa 11, sugatan matapos tumagilid ang isang trak ng bumbero Parañaque City

Tutoring program, inilunsad ng QC LGU para sa mga mag-aaral ng lungsod

Pormal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang QC Gabay Aral, isang tutoring program na pinagtitibay ang foundational skills ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagbilang. Katuwang ang Hiranand Group, kasalukuyang sumasasailalim sa tutoring sessions ang mga piling mag-aaral ng Commonwealth Elementary School. Ito ay upang matugunan ang kanilang pangangailangan na mapaunlad ang kanilang kasanayan… Continue reading Tutoring program, inilunsad ng QC LGU para sa mga mag-aaral ng lungsod