QC LGU, maglulunsad ng Cooperatives Job Fair sa Labor Day

Bilang pakikiisa sa Araw ng Paggawa o Labor Day sa darating na Mayo 1,magkakaroon ng Cooperatives Job Fair sa lungsod Quezon. Sa abiso ng Quezon City Government, gaganapin ito sa Risen Garden ng Quezon City Hall mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. Pinapayuhan ng City government ang sinumang interesado na makahanap… Continue reading QC LGU, maglulunsad ng Cooperatives Job Fair sa Labor Day

Mga nangungunang negosyo at real estate taxpayers na Malabon. binigyang parangal ng LGU

Ilang top business at real estate taxpayers na huwarang sumusuporta sa paghahatid ng inclusive economic growth sa Malabon City ang kinilala ng pamahalaang lokal ng Malabon. Sa ginanap na “Gabi ng Pasasalamat” ng LGU, binigyan ng parangal ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga Top corporate taxpayers . Ipinapakita lang ng pamahalaang lungsod ang lalim ng… Continue reading Mga nangungunang negosyo at real estate taxpayers na Malabon. binigyang parangal ng LGU

E-Booking System, inilunsad ng PNP sa Pasig City

Ikinasa ng Philippine National Police ang pilot testing ng Digital Booking o e-Booking System sa lungsod ng Pasig kaninang hapon. Personal na sinaksihan ni PNP Director for Investigation and Detective Management Police Major General Eliseo Cruz ang demonstrasyon ng e-Booking sa Pasig City Police Headquarters. Unang susubukan ang sistema sa mga istasyon ng pulisya sa… Continue reading E-Booking System, inilunsad ng PNP sa Pasig City

Kaso ng dengue sa QC, nakitaan ng bahagyang pagtaas

Tumaas pa ang naitatalang kaso ng sakit na dengue sa lungsod Quezon. Hanggang Abril 22 ngayong taon, umabot na sa 769 ang kaso ng dengue. Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, nadagdagan pa ito ng 40 kaso mula sa 729 noong Abril 15. Tumaas na rin ito ng 160.68%% o… Continue reading Kaso ng dengue sa QC, nakitaan ng bahagyang pagtaas

Konstruksyon ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway sa QC, sisimulan na

Tuloy-tuloy na ang pag-usad ng konstruksyon para sa kauna-unahang Metro Manila Subway o Underground Railway system sa bansa. Kanina pinangunahan nina Transportation Secretary Jaime J. Bautista, at ng mga opisyal mula sa Japan International Cooperation Agency ang groundbreaking ceremony para sa dalawang underground stations at tunnels ng MMSP. Ito ay ang Quezon Avenue at East… Continue reading Konstruksyon ng dalawang istasyon ng Metro Manila Subway sa QC, sisimulan na

Suspek sa pagbabato ng gunting na nagresulta sa malubhang sugat ng katrabaho, arestado sa Maynila

Arestado sa Binondo, Manila ang repacker ng isang parcel sorting station matapos magtamo ng sugat ang kanyang katrabaho dahil sa umano’y pambabato ng gunting. Kinilala ni PMaj. Victor De Leon, deputy station commander ng Meisic Police Station, ang suspect na si Norhana Alamada. Ayon kay De Leon, nagkaroon ng alitan sina Alamada at ang helper… Continue reading Suspek sa pagbabato ng gunting na nagresulta sa malubhang sugat ng katrabaho, arestado sa Maynila

MMDA, may abiso sa mga motorista kaugnay sa mga lansangang lalapatan ng aspalto simula mamayang gabi

Nagbigay abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mga isasagawang roto milling at asphalt overlay ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-10 mamayang gabi. Kabilang sa mga kukumpunihing lansangan ay ang Balete Drive mula Mabolo St. hanggang Bougainvilla St.; C-5 E. Rodriguez Jr. Avenue (southbound) mula sa… Continue reading MMDA, may abiso sa mga motorista kaugnay sa mga lansangang lalapatan ng aspalto simula mamayang gabi

Satellite Office ng DSWD para sa Northern Part ng Metro Manila, operational na simula ngayong araw

Binuksan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development ang bagong satellite office nito sa Victory Trade Plaza sa Monumento, Caloocan City. Ito ay commitment ng DSWD upang mailapit ang iba’t ibang serbisyo at interbensyon sa mga Pilipino sa mahihirap na kalagayan sa northern part ng Metro Manila. Ang CAMANAVA Satellite Office ay… Continue reading Satellite Office ng DSWD para sa Northern Part ng Metro Manila, operational na simula ngayong araw

Ekonomiya ng NCR, lumago ng 7.2% noong 2022 — PSA

Naging positibo ang galaw ng ekonomiya ng National Capital Region o NCR noong taong 2022 ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA. Sa ulat ni PSA-NCR Regional Director Paciano Dizon, umakyat sa 7.2% ang Gross Regional Domestic Product o GRDP ng NCR noong 2022, mula sa 4.4% noong 2021. Katumbas ito ng 6.3 trilyong pagtaas… Continue reading Ekonomiya ng NCR, lumago ng 7.2% noong 2022 — PSA

Init factor sa QC, pumalo sa 37°C ngayong hapon — QCDRRMO

Ramdam na naman ang mainit na panahon sa lungsod Quezon ngayong araw. Ayon sa Quezon City Disaster Disaster Risk Reduction and Management Office, nakapagtala ng 34°C na temperatura at 44% na Relative Humidity ang PAGASA Science Garden AWS kaninang 12:04 ng tanghali. Ito ay may Heat Index o Init Factor na 37°C na kinokonsidera bilang… Continue reading Init factor sa QC, pumalo sa 37°C ngayong hapon — QCDRRMO