LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

Mahigit 200 kawani ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) West ang ipinakalat na para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023.” Kasabay nito, ang mahigpit na utos ni LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III, na ipatupad ang “Land Transportation and Traffic Code” o Republic Act 4136, at… Continue reading LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Inalis na muna bilang hepe ng Malibay Police Station sa Pasay si PMaj. Jerry Vasques Sunga. Ito ay matapos makatakas ang 10 bilanggo sa kanilang istasyon. Ayon kay Pasay Chief of Police PCol. Froilan Uy, ang deputy na si PCpt. Mamerto Estacio Garne Jr. ang papalit sa ni-relieve na hepe ng Malibay Police Station. Pinakiusapan… Continue reading Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na mananatiling bukas sa publiko ang ilang mahahalagang tanggapan nito sa panahon ng Semana Santa. Sa inilabas na advisory ng LGU, hindi nito isasara ang operasyon ng disaster, emergency at COVID -19 response offices. Bilang pagtalima sa paparating na regular holidays, ang pamahalaang lungsod ay magpapatupad ng half-day work… Continue reading Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

2 sa 10 pugante sa Malibay Police Station, naaresto na

Hawak na ng Pasay police ang dalawa mula sa 10 nakatakas sa kulungan sa Malibay Police Station. Ayon kay Pasay Chief of Police, Police Colonel Froilan Uy ito ay resulta ng isinagawa nilang manhunt operation Naaresto ang mga pugante sa Noble St., Brgy. 59 kaninang alas-11 ng umaga. Hiling ni Col. Uy na sana walang… Continue reading 2 sa 10 pugante sa Malibay Police Station, naaresto na

QCPD, pinuri ni Mayor Belmonte dahil sa pagbaba ng crime rate sa lungsod

Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagbaba ng mga insidente ng krimen sa lungsod sa unang quarter ng 2023. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), bumaba sa 160 cases ang naitalang mga krimen sa lungsod noong Enero, 161 cases noong Pebrero habang 139 cases noong Marso. Bukod dito, sumampa rin sa… Continue reading QCPD, pinuri ni Mayor Belmonte dahil sa pagbaba ng crime rate sa lungsod

MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo

Sinuyod ng MMDA Task Force Special Operations ang ilang bus terminal sa EDSA ngayong araw. Kabilang sa inikot ang mga backdoor ng bus terminal sa Edsa kabilang ang terminal ng Five Star at Bataan Transit sa Montreal St., Cubao. Inaasahang simula ngayong araw ay dadagsain na ang mga terminal ng mga magsisiuwian sa probinsya para… Continue reading MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo

‘Alalay sa Manlalakbay,’ inilunsad ng Caloocan LGU ngayong Semana Santa

Handa na ang Caloocan local government na alalayan ang mga motorista at mananampalataya ngayong Holy Week. Sa ilalim ng inisyatibo nitong “Alalay sa Manlalakbay”: Oplan Semana Santa, iniutos ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang pagde-deploy ng mga personnel at assistance/information desks sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Tututukan naman ng Caloocan City Police ang pagpapatrolya… Continue reading ‘Alalay sa Manlalakbay,’ inilunsad ng Caloocan LGU ngayong Semana Santa

Kadiwa stores sa Metro Manila, bukas hanggang Miyerkules Santo

Maaari pang makabili ng murang mga gulay at prutas sa mga Kadiwa stores ng Department of Agriculture (DA) ngayong Holy Week. Sa inilabas na iskedyul ng DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service, mananatiling bukas ang mga Kadiwa store sa Metro Manila hanggang sa April 5, Miyerkules Santo. Ngayong Lunes Santo, kabilang sa mga bukas ay ang… Continue reading Kadiwa stores sa Metro Manila, bukas hanggang Miyerkules Santo

Ilang pasahero, maaga nang lumuwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo

May pangilan-ngilan nang lumuluwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo. Sa terminal ng Victory Liner sa Kamias, Quezon City, ilan sa mga pasahero ang maaga nang bumiyahe at hindi na hinintay pa ang holiday exodus. Kabilang dito sina Nanay Lea at Brenda na kapwa biyaheng Tuguegarao na ayaw aniyang makipagsiksikan sa mga pasahero lalo’t marami… Continue reading Ilang pasahero, maaga nang lumuwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo

Patuloy na training, reporma sa maritime industry ng bansa, ipinanawagan ng mga senador matapos ang desisyon ng EU

Iginiit ng mga senador na dapat lang na magpatuloy ang training sa mga Pinoy seafarer at ang reporma sa industriya kasunod na rin ng desisyon ng Europen Union (EU) na patuloy na kilalanin ang mga certificate na ibinibigay dito sa Pilipinas. Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe, dapat na seryosong… Continue reading Patuloy na training, reporma sa maritime industry ng bansa, ipinanawagan ng mga senador matapos ang desisyon ng EU