Red Cross, na-rescue ang isang dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam

Binigyang-diin ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng well-trained na personnel sa pagsagip ng buhay lalo na sa mga insidente ng pagkalunod. Ito’y matapos ma-rescue ng roving foot patrol ng PRC Rizal Chapter ang isang 15-taong gulang na dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam. Ayon kay Red Cross Chairperson Richard… Continue reading Red Cross, na-rescue ang isang dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam

Isang lalaki na kinasuhan ng murder, patay sa pamamaril sa QC

Patay sa pamamaril ang isang lalaki malapit sa isang apartelle sa bahagi ng Quirino Highway sa Brgy. Bagbag, Quezon City. Kinilala ni Police Captain Jeff Tuyo, deputy commander ng QCPD Station 4, ang biktima na si Macmac Bautista. Ayon kay Tuyo, isang maintenance clerk ng apartelle ang nakarinig ng mga putok ng baril at nang… Continue reading Isang lalaki na kinasuhan ng murder, patay sa pamamaril sa QC

Sitwasyon sa Baclaran Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Patuloy ang pagdagsa ng mga kababayan nating nais magsimba sa Baclaran Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay. Kaninang 11:30 am ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nais magtungo sa naturang simbahan. May mga nakaantabay na Bureau of Fire Protection (BFP) na nag-iikot sa buong vicinity ng Baclaran Church kung sakaling may himatayin… Continue reading Sitwasyon sa Baclaran Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Sitwasyon sa Quiapo Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Patuloy ang pagdagsa ng mga kababayan nating magsisimba sa Quiapo Church ngayong umaga bilang padiriwang sa Easter Sunday. Puno na ang harap ng Plaza Miranda at sa may Quezon Boulevard dahil sa dami ng tao nais mag simba ngayong Linggo ng Pagkabuhay. Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng seguridad ng Plaza Miranda Police… Continue reading Sitwasyon sa Quiapo Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Flight arrivals sa mga paliparan, nananatiling ‘on-time’ – MIAA

‘On time’ na dumarating sa apat na mga paliparan sa NAIA ang mga flight kaya’t walang nakikitang pag- iipon ng mga tao. Ito ang sinabi sa Laging Handa Public briefing ni MIAA Sr. Assistant General Manager Brian Co sa kabila ng pagdami ng mga pasahero simula pa noong nakaraang Biyernes. Ayon Kay Co, “so far,… Continue reading Flight arrivals sa mga paliparan, nananatiling ‘on-time’ – MIAA

3 rail transits, pansamantalang suspendido ngayong Semana Santa

Ayon sa Department of Transportation, suspendido ang biyahe ng Light Rail Transit Line 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay. Sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na magsisilbing pagkakataon ang apat na araw na shutdown para mapanatiling maayos at ligtas ang mga pasilidad, equipment… Continue reading 3 rail transits, pansamantalang suspendido ngayong Semana Santa

Seguridad sa 17th ASEAN Navy Chiefs’ Meeting sa Maynila, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng PNP na handa silang magbigay ng suporta at seguridad sa idaraos na 17th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Navy Chiefs’ Meeting sa Maynila ngayong Mayo, kung saan host ang Philippine Navy. Ang pagtiyak ay ginawa ni Manila Police District Director Police Brig. General Andre Dizon sa kanyang courtesy call kay Philippine Navy… Continue reading Seguridad sa 17th ASEAN Navy Chiefs’ Meeting sa Maynila, tiniyak ng PNP

Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa ilang bus terminal ngayong hapon

Nagsimula nang dumagsa ngayong hapon ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan sa 5 Star bus terminal sa Quezon City. Ayon sa pamunuan ng bus company, magtutuloy-tuloy na ang dating ng mga pasahero hanggang bukas. Tiniyak nitong sapat ang kanilang units para maisakay ang mga pasahero. 24 oras din ang biyahe ng mga bus sa… Continue reading Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa ilang bus terminal ngayong hapon

‘Zero Crime’ ngayong Semana Santa, pinatitiyak ng alkalde ng Caloocan

Inatasan na ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Caloocan City Police Station (CCPS) na paigtingin ang seguridad sa lungsod ngayong panahon ng Semana Santa. Ayon kay Caloocan Mayor Malapitan, target nito ang makamit ang zero crime rate sa buong lungsod. Kaya naman, mahigpit ang direktiba nito na paigtingin ang police visibility, lalo… Continue reading ‘Zero Crime’ ngayong Semana Santa, pinatitiyak ng alkalde ng Caloocan

Higit 100 bagong Traffic Enforcers, handa nang i-deploy ng QC gov’t

Aabot sa 106 na bagong traffic enforcers ang nadagdag sa pwersa ngayon ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) na magpapatupad ng batas trapiko sa lungsod. Kasunod ito ng isinagawang commencement exercises ng Class Mapagbigay, Class Malingap at Class Masinop na pinangunahan ni Traffic and Transport Management Department (TTMD) Chief Dexter Cardenas at Assistant… Continue reading Higit 100 bagong Traffic Enforcers, handa nang i-deploy ng QC gov’t