Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Arestado ang isang lalaki na nanakit sa kanyang asawa at anak sa Quezon City. Ayon kay Police Captain Jeff Tuyo, deputy station commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, sinuntok niya umano sa tiyan ang kanyang misis at nagkaroon ng alitan dahil sa nabasang text message mula sa cellphone ng biktima. Dahil sa… Continue reading Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

8 sa 10 pugante sa Lungsod ng Pasay, naaresto na

Balik na sa kulungan ang 8 mula sa sampung pugante sa Malibay Police Station Pasay naaresto na. Matatandaan kahapon ng alas-4 pasado ng madaling araw nang isinagawa ang kanilang pagtakas sa pamamagitan ng pagsira sa rehas at pagpalo ng kahoy sa jailer kung saan sapilitang kinuha ang baril at susi nito. Unang naaresto ang dalawa… Continue reading 8 sa 10 pugante sa Lungsod ng Pasay, naaresto na

Ilang bumibyaheng bus sa Araneta City Bus Port, ininspeksyon ng LTO

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) NCR-EAST sa mga bumibiyaheng bus dito sa Araneta City Bus Port. Bahagi ito ng Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023 na layong masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Pinangunahan ni LTO Director Benjamin Santiago III, ang inspeksyon sa naturang terminal… Continue reading Ilang bumibyaheng bus sa Araneta City Bus Port, ininspeksyon ng LTO

Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

Mababa pa rin ang bentahan ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila gaya na lang sa Mega Q-Mart sa Quezon City. Kabilang sa murang mabibili rito ang kamatis na tumpok-tumpok ang suplay sa palengke. Ibinebenta ito sa halagang ₱25 ang kada kilo. Mura na rin ang presyo ng lokal na sibuyas na nasa ₱90… Continue reading Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

Mahigit 200 kawani ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) West ang ipinakalat na para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023.” Kasabay nito, ang mahigpit na utos ni LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III, na ipatupad ang “Land Transportation and Traffic Code” o Republic Act 4136, at… Continue reading LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Inalis na muna bilang hepe ng Malibay Police Station sa Pasay si PMaj. Jerry Vasques Sunga. Ito ay matapos makatakas ang 10 bilanggo sa kanilang istasyon. Ayon kay Pasay Chief of Police PCol. Froilan Uy, ang deputy na si PCpt. Mamerto Estacio Garne Jr. ang papalit sa ni-relieve na hepe ng Malibay Police Station. Pinakiusapan… Continue reading Hepe ng Malibay Police Station, inalis sa puwesto matapos matakasan ng 10 bilanggo

Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na mananatiling bukas sa publiko ang ilang mahahalagang tanggapan nito sa panahon ng Semana Santa. Sa inilabas na advisory ng LGU, hindi nito isasara ang operasyon ng disaster, emergency at COVID -19 response offices. Bilang pagtalima sa paparating na regular holidays, ang pamahalaang lungsod ay magpapatupad ng half-day work… Continue reading Disaster, Emergency Offices ng Valenzuela City, mananatiling bukas sa Semana Santa

2 sa 10 pugante sa Malibay Police Station, naaresto na

Hawak na ng Pasay police ang dalawa mula sa 10 nakatakas sa kulungan sa Malibay Police Station. Ayon kay Pasay Chief of Police, Police Colonel Froilan Uy ito ay resulta ng isinagawa nilang manhunt operation Naaresto ang mga pugante sa Noble St., Brgy. 59 kaninang alas-11 ng umaga. Hiling ni Col. Uy na sana walang… Continue reading 2 sa 10 pugante sa Malibay Police Station, naaresto na

QCPD, pinuri ni Mayor Belmonte dahil sa pagbaba ng crime rate sa lungsod

Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagbaba ng mga insidente ng krimen sa lungsod sa unang quarter ng 2023. Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), bumaba sa 160 cases ang naitalang mga krimen sa lungsod noong Enero, 161 cases noong Pebrero habang 139 cases noong Marso. Bukod dito, sumampa rin sa… Continue reading QCPD, pinuri ni Mayor Belmonte dahil sa pagbaba ng crime rate sa lungsod

MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo

Sinuyod ng MMDA Task Force Special Operations ang ilang bus terminal sa EDSA ngayong araw. Kabilang sa inikot ang mga backdoor ng bus terminal sa Edsa kabilang ang terminal ng Five Star at Bataan Transit sa Montreal St., Cubao. Inaasahang simula ngayong araw ay dadagsain na ang mga terminal ng mga magsisiuwian sa probinsya para… Continue reading MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo