Higit 200,000 LGBTQIA+ members at allies, inaasahang makikilahok sa PH Pride Festival ngayong taon

Inaasahang dodoble pa ang bilang ng mga makikilahok sa muling pag-arangkada ng Pride PH Festival sa darating na June 22, 2024 sa Quezon Memorial Circle. Sa isang pulong balitaan, sinabi ng PRIDE PH na pinakamalaking network ng LGBTQIA+ na mula sa higit 100,000 attendees noong nakaraang taon, posibleng pumalo sa hanggang 200,000 ang makilahok sa… Continue reading Higit 200,000 LGBTQIA+ members at allies, inaasahang makikilahok sa PH Pride Festival ngayong taon

Batang nawawala matapos maanod sa creek sa Caloocan, bangkay na ng matagpuan sa Bulacan

Kinumpirma ng Caloocan LGU na natagpuan na wala nang buhay ang walong taong gulang na batang unang napaulat na nawawala matapos na maanod sa creek sa kasagsagan ng malaas na pagulan kahapon. Ayon sa LGU, natagpuan ang bangkay ng bata bandang alas-8 ng umaga sa Saog Bridge sa Marilao, Bulacan. Kinilala ang biktimang si Jhaycob… Continue reading Batang nawawala matapos maanod sa creek sa Caloocan, bangkay na ng matagpuan sa Bulacan

MMDA, nagbabala sa publiko tungkol sa scam text message at nagpapabayad ng multa gamit ang link

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko kaugnay sa scam text message na nag-aanyaya na magbayad ng multa sa pamamagitan ng link. Ayon sa abiso ng MMDA, ito ay isang scam at walang ganitong notice na ipinapadala ang ahensya. Paalala ng MMDA sa publiko na huwag pindutin ang mga kahina-hinalang link upang makaiwas… Continue reading MMDA, nagbabala sa publiko tungkol sa scam text message at nagpapabayad ng multa gamit ang link

Magkahiwalay na sunog sumiklab sa Las Piñas at Parañaque City ngayong araw

Sumiklab sa isang residential area sa San Jose St., Brgy. Ilaya sa Las Piñas City ang unang sunog na tumupok sa mga kabahayang pawang gawa sa light materials. Bago mag-10:56 kaninang umaga, sinabing nagsimula ang apoy na agaran namang itinaas sa ikalawang alarma pagsapit ng 11:16 AM. Walang namang napaulat na nasaktan sa naganap na… Continue reading Magkahiwalay na sunog sumiklab sa Las Piñas at Parañaque City ngayong araw

KADIWA ng Pangulo, dadayo sa Navotas bukas

Muli na namang arangkada  bukas ang KADIWA ng Pangulo sa lungsod ng Navotas. Magbubukas ang Kadiwa ng Pangulo sa Navotas Central Park mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Mabibili dito ang iba’t ibang sariwang produkto tulad ng gulay, prutas, manok, karne at iba pa na mas mura at abot-kayang presyo. Sa abiso ng… Continue reading KADIWA ng Pangulo, dadayo sa Navotas bukas

QC LGU, magtatayo ng pabahay project sa Novaliches

Target pa ng Quezon City government na makapagpatayo ng mga housing units sa lungsod. Kamakailan, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng lokal na pamahalaan para sa pabahay project sa Novaliches. Pinirmahan ito nina Mayor Joy Belmonte, William Russel Sceurman Jr.  ng Zeta World Realty, Inc., at si Armando Inabangan, Jr. mula sa RS Realty… Continue reading QC LGU, magtatayo ng pabahay project sa Novaliches

DOLE magsasagawa ng review sa petisyon ng taas-sahod sa Metro Manila

Nakatakdang dinggin sa darating na June 20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region (RTWPB-NCR) ang mungkahing pagtaas ng minimum wage sa mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng petisyon na inihain noong Mayo 24 ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) na humihiling ng ₱597 na pagtaas sa… Continue reading DOLE magsasagawa ng review sa petisyon ng taas-sahod sa Metro Manila

Cosmetics na kontaminado ng mercury, talamak na ibinebenta sa Mandaluyong City

Talamak na ring ibinebenta sa Mandaluyong City ang cosmetics na kontaminado ng mercury. Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, dapat gumawa ng mga hakbang ang Mandaluyong City government at Food and Drug Administration (FDA) para masugpo ang bentahan ng ipinagbabawal na skin whitening products. Batay sa market surveillance na isinagawa ng grupo mula… Continue reading Cosmetics na kontaminado ng mercury, talamak na ibinebenta sa Mandaluyong City

Agarang pagkukumpuni sa nasirang navigational floodgate, hiniling ni Malabon Mayor Sandoval sa MMDA

Umaasa si Malabon Mayor Jeannie Sandoval na agad makukumpuni ng MMDA ang nasirang navigational floodgate na nakakaapekto sa mga residente ng lungsod tuwing maulan ang panahon. Sa pagbisita ni MMDA Acting Chair Romando Artes sa lungsod, personal na ipinaabot ni Mayor Jeannie ang concern nito sa naturang floodgate. Ayon sa alkalde, bagamat nasa Navotas ang… Continue reading Agarang pagkukumpuni sa nasirang navigational floodgate, hiniling ni Malabon Mayor Sandoval sa MMDA

LTO, nagbabala laban sa mga scammer na gumagamit ng pekeng LTMS portal

Pinag-iingat ngayon ng Land Transportation Office ang publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap na mula sa ahensya gamit ang pekeng LTMS (Land Transportation Management System) Portal. Sa inilabas na abiso ng LTO, sinabi nito ang nagurang scam ay karaniwang nagsisimula sa isang text message na naglalaman ng pekeng abiso ukol sa traffic violation na… Continue reading LTO, nagbabala laban sa mga scammer na gumagamit ng pekeng LTMS portal