Taas presyo sa LPG, ipatutupad

Magpapatupad ng taas presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang ilang mga kumpanya ngayong mga unang araw ng Nobyembre. Ang Clean Fuel, nag-anunsyong magpapatupad ng P0.25 per liter na taas presyo sa kanikang auto LPG na magiging epektibo bukas, Huwebes, November 2, 2023. Una na ring nag anunsyo ang Solane at Petron na magpapatupad sila… Continue reading Taas presyo sa LPG, ipatutupad

Bilang ng mga dumalaw sa anim na sementeryo sa Quezon City, pumalo na sa higit 108k ayon sa QCPD

Hanggang ngayong gabi, pumalo na sa 108,746 ang bilang ng mga taong bumisita sa anim na sementeryo sa lungsod Quezon ngayong Undas. Batay sa QCPD Undas Monitoring, pinakamaraming bumisita ay naitala sa Holy Cross Memorial Park na mayroong 56,278, sinundan ng Bagbag Cemetery – 33,480, Novaliches Cemetery – 10,628, Himlayang Pilipino – 7,000, Requerdo Cemetery… Continue reading Bilang ng mga dumalaw sa anim na sementeryo sa Quezon City, pumalo na sa higit 108k ayon sa QCPD

Mahigpit na seguridad sa mga sementeryo sa Davao Region, mananatili sa kabila ng matumal na pagdating ng mga tao para sa Undas 2023

Sa kabila ng kakaunting mga taong dumarating sa ilang sementeryo sa Davao Region, tiniyak ng Police Regional Office 11 (PRO 11) na mananatili ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad ngayong Undas 2023. Sa panayam ng Davao Media kay PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Alden Delvo, sinabi nitong mananatili ang kapulisan sa mga sementeryo sa… Continue reading Mahigpit na seguridad sa mga sementeryo sa Davao Region, mananatili sa kabila ng matumal na pagdating ng mga tao para sa Undas 2023

Seguridad sa mga terminal at mga parke, tinutukan din ng QCPD ngayong Undas

Bukod sa mga sementeryo, nananatili ang mahigpit na seguridad ng Quezon City Police District sa mga terminal at mga parke sa lungsod ngayong Undas. Ngayong araw, muling nag-inspeksyon si QCPD Chief PBGen. Red Maranan sa terminal ng Victory Liner sa EDSA pati na sa Quezon Memorial Park sa Elliptical Rd. Ayon kay QCPD Chief Maranan,… Continue reading Seguridad sa mga terminal at mga parke, tinutukan din ng QCPD ngayong Undas

AFP, ‘mission accomplished’ sa BSKE

Matagumpay na nagampanan ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang misyon sa naging pangkalahatang mapayapa at maayos na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., kasabay ng pagsabi na walang ‘threat group’ ang nakasagabal sa proseso ng… Continue reading AFP, ‘mission accomplished’ sa BSKE

Mga nagsitungo sa mga sementeryo sa buong bansa, lagpas 800k

Nasa 828,000 indibidwal ang nagtungo sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa ngayong umaga para sa Undas 2023. Batay ito sa situation report ng iba’t ibang Police Regional Office (PRO) na natanggap ng PNP Monitoring Center as of 10 am kanina. Pinakamarami sa bilang na ito ang iniulat ng PRO 1 na nasa 277,000; pumangalawa… Continue reading Mga nagsitungo sa mga sementeryo sa buong bansa, lagpas 800k

DILG Sec. Abalos, itinutulak na magkaroon ng 3 linggong transition period para sa bagong halal na BSK officials

Nais ng Department of Interior ang Local Government na bigyan ng hanggang tatlong linggong transition period ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan. Salig ito sa Memorandum Circular 166 ng DILG. Mas mahaba ito kumpara sa nais ng COMELEC na isang linggo. Ayon kay DILG Sec. Benjamin Abalos, bagamat ang mga… Continue reading DILG Sec. Abalos, itinutulak na magkaroon ng 3 linggong transition period para sa bagong halal na BSK officials

Mga natulungan ng Philippine Red Cross ngayong Undas sa buong bansa, pumalo sa mahigit 3,000

Nananatiling nakaantabay ang Philippine Red Cross sa mga pangunahing sementeryo sa buong bansa para umalalay sa mga kababayang bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon kay PRC Chairperson at dating Sen. Richard Gordon, mula pa kahapon, Oktubre 31 ay nakapagsilbi na sila ng mahigit 3,000 indibiduwal na nakaranas ng emergency kaalinsabay… Continue reading Mga natulungan ng Philippine Red Cross ngayong Undas sa buong bansa, pumalo sa mahigit 3,000

QCPD, wala pang naitatalang anumang ‘untoward incident’ sa mga binabantayang sementeryo ngayong Undas

Nananatiling mapayapa ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa Quezon City. Ito ang paunang assessment ng QCPD sa pagbabantay nito sa seguridad sa iba’t ibang sementeryo at kolumbaryo sa lungsod. As of 11am, wala pang namo-monitor na anumang ‘untoward incident’ ang QCPD na may kaugnayan sa Undas. Wala pa ring nagtangkang magpuslit ng anumang… Continue reading QCPD, wala pang naitatalang anumang ‘untoward incident’ sa mga binabantayang sementeryo ngayong Undas

Mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa San Juan City, pumalo na sa 3,000

Pumalo na sa humigit kumulang 3,000 ang bilang ng mga nagtungo sa St. John the Baptist Cemetery sa San Juan City ngayong All Saint’s Day o tradisyunal na Undas. Hindi alintana ng mga bumibisita ang mahinang pag-ulan, mabisita lamang ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Bagaman hindi kinukumpiska rito ang mga lighter at posporo… Continue reading Mga bumisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa San Juan City, pumalo na sa 3,000