39 na pulis, nagsisilbing Board of Election Inspectors sa Abra

Nagsisilbi ngayon ang 39 na pulis bilang mga miyembro ng Board of Election inspectors (BEI) sa ilang polling precincts sa lalawigan ng Abra. Ito’y matapos na umatras ang ilang mga guro dahil umano sa banta sa kanilang seguridad. Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.… Continue reading 39 na pulis, nagsisilbing Board of Election Inspectors sa Abra

Pagsisimula ng BSKE sa CEMBO Elementary School, naging maayos sa pangkalahatan

Aabot sa 18,392 mga botante ng Central Enlisted Men’s Barrio o CEMBO Elementary School ang nakilahok para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa taong ito. Ayon sa Principal ng CEMBO Elementary School na si G. Ryan de Luna, aabot sa 14,440 rito ang mga botante para sa barangay habang nasa 3,952 naman… Continue reading Pagsisimula ng BSKE sa CEMBO Elementary School, naging maayos sa pangkalahatan

Mahigit 900 PDLs sa New Bilibid Prison, nakilahok sa Barangay at SK elections

Aabot sa 923 mga Person Deprived of Liberty o PDLs mula sa iba’t ibang Security Compound ng New Bilbid Prison o NBP sa Muntinlupa City ang bumoto para sa Barangay at SK elections 2023 ngayong araw. Sila ang mga PDL na lehitimong mga botante ng Barangay Poblacion sa Muntinlupa City na pinayagang makaboto dahil wala… Continue reading Mahigit 900 PDLs sa New Bilibid Prison, nakilahok sa Barangay at SK elections

Automated BSKE, umarangkada na sa Pasong Tamo Elem. School

Nagsimula nang umarangkada ang Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Pasong Tamo Elementary School sa District 6 sa Quezon City. Kabilang ito sa tatlong barangay sa buong bansa na napiling pilot area ng COMELEC para sa automated BSKE. Maaga pa lang, pinayagan nang makapasok ang mga botante para mahanap ang kanilang mga presinto. Sa… Continue reading Automated BSKE, umarangkada na sa Pasong Tamo Elem. School

Early voting para sa mga Senior Citizen at PWDs, umarangkada na sa Muntinlupa City

Nagsimula na ang early voting para sa mga Senior Citizen at Person’s with Disabilities o PWDs sa Muntinlupa Elementary School sa Brgy. Poblacion Muntinlupa City ngayong umaga. Kanina, bumisita rito si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia kung saan, personal niyang sinilip ang sitwasyon ng mga nakatatanda at mga may kapansanan na nabigyan… Continue reading Early voting para sa mga Senior Citizen at PWDs, umarangkada na sa Muntinlupa City

Pamunuan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nagbabala sa mga namimigay ng BPSF ID at pera kapalit umano ng boto ngayong eleksyon

Nagbabala ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa publiko laban sa mga namimigay ng BPSF ID at nangangako ng ₱2,000 kapalit ng boto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong Lunes. Inaabisuhan ng BPSF ang publiko na huwag maniniwala sa kahit anong pangako mula sa mga nagpapakilalang kabilang sa grupo kapalit ng partisipasyon sa pagboto… Continue reading Pamunuan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nagbabala sa mga namimigay ng BPSF ID at pera kapalit umano ng boto ngayong eleksyon

Board of election inspector, may paalala sa mga pipiliing bumoto sa emergency accessible polling place

Pinaalalahanan ng mga Board of Election Inspectors ang mga botante lalo na ang mga matatanda, may kapansanan, at buntis, na samantalahin ang emergency accessible polling place (EAPP). Ang EAPP ay itinalaga para sa mga senior citizen, persons with disability at maging mga buntis na hindi na kakayaning umakyat pa sa kanilang mga polling precinct. Ayon… Continue reading Board of election inspector, may paalala sa mga pipiliing bumoto sa emergency accessible polling place

Dating aid ni suspended LTFRB Chair Guadiz na nakadetine sa Kamara, di na palalabasin para bumoto sa BSK Elections

Nagdesisyon ang House Committee on Transportation na hindi na palalabasin ang dating executive assistant ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III na si Jefferson Tumbado para bumoto ngayong araw sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Matatandaan na noong October 23 ay ipina-contempt ng House Committee on Transportation si Tumbado… Continue reading Dating aid ni suspended LTFRB Chair Guadiz na nakadetine sa Kamara, di na palalabasin para bumoto sa BSK Elections

NGCP, 24/7 na nakatutok ngayon sa Barangay at SK polls

Pinagana na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 24/7 Command Center nito para i-monitor ang mga grid at overall power situation sa bansa sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong araw. Ayon sa NGCP, operational ngayon ang kanilang mga critical unit kabilang ang System Operations (SO) at Operations and… Continue reading NGCP, 24/7 na nakatutok ngayon sa Barangay at SK polls

Ilang botante ng Brgy. Highway Hills, maaga nagtungo sa eskuwelahan para hanapin ang kani-kanilang presinto

Ilan sa mga residente ng Brgy. Highway Hills sa Mandaluyong ang maagang pumunta sa Highway Hills Integrated School para alamin ang kani-kanilang polling precinct. Bagamat alas-7 pa ang botohan, minabuti ng ilang botante na maaga magtungo sa eskuwelahan dahil hindi pa sila sigurado sa kanilang presinto. May mga empleyado ng baranggay na maaga rin pumila… Continue reading Ilang botante ng Brgy. Highway Hills, maaga nagtungo sa eskuwelahan para hanapin ang kani-kanilang presinto