Road worthiness inspection sa pampublikong transportasyon, regular nang ipapatupad ng LTO

Regular ng isasagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang road worthiness inspection sa mga public utility vehicles (PUV). Ito ang ipinangako ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza II,upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. Sinimulan na kahapon ni Mendoza ang inspection sa Araneta Center bus terminal sa Cubao, Quezon City . Asahan din daw na sasabayan… Continue reading Road worthiness inspection sa pampublikong transportasyon, regular nang ipapatupad ng LTO

Mga nag-iimbita kay PBBM para bumisita sa kanilang bansa, dumarami ayon kay Speake Romualdez

Halos sunud-sunod ngayon ang natatanggap na imbitasyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa iba’t ibang mga bansa. Pagbabahagi ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam nitong nakaraang state visit ng pangulo sa Malaysia, napaka popular ngayon ng Chief executive ng Pilipinas, hindi lang sa mga kapwa state leader kundi maging sa mga… Continue reading Mga nag-iimbita kay PBBM para bumisita sa kanilang bansa, dumarami ayon kay Speake Romualdez

DSWD Chief, inatasan ang mga field office na paigtingin ang koordinasyon sa mga LGU para sa disaster operation

Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga Regional Directors nito na paigtingin ang koordinasyon sa local government units na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Egay. Partikular na tinukoy ng kalihim ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa ginanap na emergency meeting, binigyang-diin ni Secretary Gatchalian ang kahalagahan… Continue reading DSWD Chief, inatasan ang mga field office na paigtingin ang koordinasyon sa mga LGU para sa disaster operation

ROTC, hindi mandatory sa ilalim ng National Citizens Service Training Program (NCSTP) Act

Binigyang linaw ng isang mambabatas na hindi mandatory o sapilitan ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa panukalang National Citizens Service Training Program (NCSTP) Act. Sa dinaluhang University of the Philippines-Manila forum, ipinaliwanag ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, na ang NCSTP o House Bill 6687 ay ipapalit sa kasalukuyang National Service Training Program (NSTP).… Continue reading ROTC, hindi mandatory sa ilalim ng National Citizens Service Training Program (NCSTP) Act

Matitipid sa pensyon ng mga MUP, hiniling na ilaan sa taas sahod ng mga guro at nurse

Umaasa si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na mabilis na maipatupad ang reporma sa pension system ng military and uniformed personnel (MUP). Ayon sa mambabatas, ang matitipid na pondo dito ng gobyerno ay maaaring gamitin naman para maitaas ang sahod ng mga guro at nurse. Babala ng mambabatas na… Continue reading Matitipid sa pensyon ng mga MUP, hiniling na ilaan sa taas sahod ng mga guro at nurse

Mga pamilya sa Estero De Magdalena sa Maynila, inilikas ng NHA

Sinimulan na ng National Housing Authority ang paglipat sa mga residente mula sa Estero de Magdalena sa Binondo, Manila. Sa direktiba ni General Manager Joeben Tai, may kabuuang 32 pamilya ang ililipat sa proyektong pabahay ng NHA sa Sunshine Ville 2, Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite. Napilitang ilipat ang mga pamilyang naninirahan sa nasabing estero… Continue reading Mga pamilya sa Estero De Magdalena sa Maynila, inilikas ng NHA

Pagbuo ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Binuo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development” bilang bahagi ng pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangang agarang rehabilitasyon ng Pasig River. Sa apat na pahina ng Executive Order (EO) No. 35, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong July 25, nakasaad na ang inter-agency council ang… Continue reading Pagbuo ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr.

Pagtatatag ng Kadiwa centers sa buong bansa, dapat nang gawing batas

Muling inihirit ng isang mambabatas na gawing isang batas ang pagtatatag ng Kadiwa centers sa buong bansa. Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, kung pagbabatayan ang datos ng Department of Agriculture (DA) ay ipinapakita ang malaking potensyal ng pagkakaroon ng Kadiwa centers sa iba’t ibang rehiyon. Sa nakaraang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading Pagtatatag ng Kadiwa centers sa buong bansa, dapat nang gawing batas

Bagong DIgitalization Gadget para sa mga mag-aaral sa bansa inilunsad ng ABC TECH.

Inilunsad ngayong araw ng ABC TECH Ventures Inc. Ang isang makabuluhang hakbang tungo sa pagsusulong ng digitalization efforts sa mga Filipino students, para sa sektor ng edukasyon. Gamit ang mga pagkakataong ipinakita gamit ang pandemya ng COVID-19, ang ABC Tech Ventures Inc. ay nakabuo ng matibay at abot-kayang mga tablet na nilagyan ng mga application… Continue reading Bagong DIgitalization Gadget para sa mga mag-aaral sa bansa inilunsad ng ABC TECH.

19 na national road sa Northern at Central Luzon, nananatiling sarado sa mga motorista -DPWH

Nananatiling sarado sa mga motorista ang labing siyam(19) na national roads sa Northern at Central Luzon dahil sa pananalasa ni bagyong Egay. Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), hindi madadaanan ang mga kalsada dahil natabunan ng guho ng lupa, pagbaha at nabuwal na mga puno. Sa kabuuang bilang ng mga saradong kalsada,… Continue reading 19 na national road sa Northern at Central Luzon, nananatiling sarado sa mga motorista -DPWH