Dagdag buwis sa sweetened beverages, kailangan pa ring aralin ayon sa House tax Chief

Kailangan araling mabuti ang planong dagdag buwis sa sweetened beverages. Ito ang inihayag ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa kabila ng pagbaba sa inflation rate sa 5.4%. Punto ng mambabatas, kahit bumagal ang inflation ay ilang food items ang nananatiling mataas. Halimbawa aniya nito ang harina at tinapay na nasa 11%… Continue reading Dagdag buwis sa sweetened beverages, kailangan pa ring aralin ayon sa House tax Chief

OVP, naglabas ng pahayag kaugnay sa paggamit ng confidential fund na na-flag ng COA

Naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa paggamit nito ng confidential expenses nitong 2022. Ito ay matapos punahin ng Commission on Audit (COA) ang paggamit nito sa naturang pondo na umabot sa P125 milyon habang bumaba umano ang expenses sa mga social subsidy. Ayon sa inilabas na pahayag ng OVP,… Continue reading OVP, naglabas ng pahayag kaugnay sa paggamit ng confidential fund na na-flag ng COA

DFA, tututukan ang pagpasok ng mga foreign fugitive sa bansa

Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng mga dayuhang pumapasok sa bansa lalo na iyong mga nagmula sa China. Ito’y matapos maitala ng mga awtoridad ang pagkakahuli gayundin ang pagkakasagip sa ilang Chinese national na nagtatrabaho sa ilang POGO company na iligal na nag-ooperate sa bansa. Ayon kay DFA Office… Continue reading DFA, tututukan ang pagpasok ng mga foreign fugitive sa bansa

CLiMA, inilunsad ng Pasig City Local Government

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 450th Araw ng Pasig, inilunsad ngayong araw ng Pasig City Local Government ang City-Wide Land Information Management and Automation (CLiMA). Sa ilalim nito ay gagamit ang Pasig City LGU ng geographic information system (GIS) para magkaroon ng digital mapping ng buong lungsod kabilang na ang mga imprastrakturang nakatayo sa Pasig… Continue reading CLiMA, inilunsad ng Pasig City Local Government

Mahigit 90,000 kilo ng recyclable materials, nakolekta ng “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA

Photo courtesy of Department of Public Services-Manila FB page

Umabot na sa halos 90,000 kilo ng basura ang nakolekta ng Mobile Materials Recovery Facility “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula Enero hanggang Hunyo 27 ngayong taon. Ayon sa MMDA, mahigit P300,000 naman ang halaga ng mga grocery item na naipamahagi sa mga naipon at nagpapalit ng kanilang… Continue reading Mahigit 90,000 kilo ng recyclable materials, nakolekta ng “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA

Buwis sa vape products, pinatataasan

Nais ni Anakalusugan Party-list Representative Rey Reyes na taasan ang buwis na ipinapataw sa e-cigarettes at vape products. Maliban aniya sa makakadagdag ito sa pondo para sa Universal Health Care Law ay mapipigil din nito ang mga kabataan na tangkilikin ang naturang produkto.   Tinukoy ng mambabatas ang pag-aaral ng Global Youth Tobacco Survey noong… Continue reading Buwis sa vape products, pinatataasan

DENR, namahagi ng higit 300 titulo sa Cagayan Valley kaugnay sa selebrasyon ng Philippine Environment Month

Nasa 316 titulo ng lupa ang iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga benepisyaryo sa Cagayan Valley. Bahagi ito ng selebrasyon ng Philippine Environment Month na may temang “Whole of Society for Climate Resiliency.” Ang “handog titulo” ay ipinamahagi sa ginanap na serye ng caravan cum people’s day sa Lalawigan ng… Continue reading DENR, namahagi ng higit 300 titulo sa Cagayan Valley kaugnay sa selebrasyon ng Philippine Environment Month

Pension system para sa OFWs, pinabubuo ng isang party-list solon

Isang panukala ang isinusulong ngayon sa Kamra para bumuo ng hiwalay na social at pension system para sa mga overseas Filipino worker (OFW). Ang House Bill 8574 o Kabayan OFW Pension Act ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ay nabuo dahil na rin sa pakikipagdiyalogo sa mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Aniya,… Continue reading Pension system para sa OFWs, pinabubuo ng isang party-list solon

DepEd, nakikiisa sa pagsusulong ng mga kaalaman hinggil sa maayos na nutrisyon ngayong Nutrition Month

Nakikiisa ang Department of Education (DepEd) sa pagsusulong ng mga kaaalaman hinggil kahalagahan nang maayos na nutrisyon ngayong Nutrition Month. Ayon sa DepEd, inatasan na nito ang lahat ng mga tanggapan nito kabilang ang regional, schools division office, at mga paaralan mapa-pribado o pampublikong eskwelahan na suportahan ang gagawing nutrition month activities. Layon ng naturang… Continue reading DepEd, nakikiisa sa pagsusulong ng mga kaalaman hinggil sa maayos na nutrisyon ngayong Nutrition Month

Mahigit P3 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Pasay City

Nasabat ng pinagsanib puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Pasay City Police Office ang mahigit P3.4 na milyong halaga ng shabu. Ito ay sa ikinasang drug buy-bust operations ng mga awtoridad sa open parking ng isang shopping Center sa Brgy. 79 sa Pasay City. Nagresulta naman ito sa pagkakaaresto sa isang drug suspek… Continue reading Mahigit P3 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Pasay City