Pagpapanatili ng face mask mandate sa mga tren, walang problema sa mga pasahero

Walang problema sa mga pasahero ng MRT-3 North Avenue Station ang pananatili ng face mask mandate sa loob ng mga tren. Kasunod ito ng naging paalala ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino sa mga pasahero na mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask sa LRT, MRT at PNR bilang preventive… Continue reading Pagpapanatili ng face mask mandate sa mga tren, walang problema sa mga pasahero

Galunggong, bagsak presyo dahil sa madaming supply

Malaki ang ibinaba ng presyo ng galunggong. Sa ngayong nasa ₱100 ang kada tumpok at ito ay 14 pieces na ng medium size na galunggong. May mabibili rin na ₱150 ang kada kilo sa Guadalupe Market, Makati habang ₱80 per kilo sa Quezon City Mega Q-Mart. Ayon sa mga nagtitinda marami ang huling isda kaya’t… Continue reading Galunggong, bagsak presyo dahil sa madaming supply

PNP Chief Rodolfo Azurin, bababa na sa puwesto ngayong araw

Tuluyan na ngang lilisanin ngayong araw ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr ang kaniyang puwesto hindi lamang bilang pinuno ng Pambansang Pulisya gayundin ang kaniyang uniporme bilang pulis. Ito’y dahil kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan ngayong araw ay ang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng unipormadong hanay Ayon… Continue reading PNP Chief Rodolfo Azurin, bababa na sa puwesto ngayong araw

Pasig LGU, tatanggap na ng mga residente na magpapabakuna vs. COVID-19

Tatanggap na ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng mga residente mula sa adult population na nais magpabakuna ng second booster dose laban sa COVID-19 simula bukas, araw ng Martes. Ayon sa Pasig Public Information Office, 100 slots ang ilalaan para sa 18-years old pataas sa Santolan Super Health Center na magpapaturok ng second booster.… Continue reading Pasig LGU, tatanggap na ng mga residente na magpapabakuna vs. COVID-19

Pagpaparehistro sa mga SIM, ipinanawagang muli ni Sen. Poe ilang araw bago ang deadline

Hinikayat ni Senador Grace Poe ang mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) na magparehistro sa nalalabing mga araw bago ang deadline para sa registration sa April 26. Nanawagan si Poe sa bawat isa na hikayatin rin ang iba na iparehistro ang kanilang SIM para sa kanilang proteksyon at peace of mind.… Continue reading Pagpaparehistro sa mga SIM, ipinanawagang muli ni Sen. Poe ilang araw bago ang deadline

Dagdag na suplay ng kuryente, inapela ng Occidental Mindoro solon sa National Electrification Administration

Personal na pinuntahan ni Occidental Mindoro Representative Leody Tarriela si National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Almeda upang idulog ang power situation ng lalawigan. Ayon kay Tarriela, sa kanilang pulong ay tinawagan mismo ni Almeda ang Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO) at kinatawan ng DMCI Power Plant sa Oriental Mindoro para hilingin na paganahin… Continue reading Dagdag na suplay ng kuryente, inapela ng Occidental Mindoro solon sa National Electrification Administration

Non-extension ng SIM Registration, makaka-apekto sa target na digital transformation ng bansa

Dalawang araw bago ang itinakdang April 26 deadline, muling umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang SIM Registration ng hanggang isa o dalawang buwan. Ani Villafuerte, oras na ma-deactivate ang SIM cards ng mga subscriber na hindi makapagparehistro ay mauuwi ito sa kanilang disenfranchisement… Continue reading Non-extension ng SIM Registration, makaka-apekto sa target na digital transformation ng bansa

NPA sa Western at Central Visayas, napugutan na ng ulo sa pagkamatay ni Rogelio Posadas — AFP

Wala nang lider sa Western at Central Visayas ang New People’s Army (NPA) matapos masawi sa enkwentro ang secretary ng CPP-NPA Regional Committee ng Central Visayas na si Rogelio Posadas. Sa isang statement, positibong tinanggap ng Visayas Command (VISCOM) ang nutralisasayon ng notoryus na lider-komunista na responsable sa maraming terrorist activities sa Western at Central… Continue reading NPA sa Western at Central Visayas, napugutan na ng ulo sa pagkamatay ni Rogelio Posadas — AFP

DOT, nakipagpulong sa LA travel and trade stakeholders para makapanghikayat pa ng mas maraming foriegn tourist sa bansa

Nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa iba’t ibang travel and trade stakeholders ng Los Angeles sa California upang mas makapanghikayat pa ng mga foreign tourist na tumungo sa ating bansa. Pinangunahan ni Tourism Secretary Cristina Frasco ang naturang pagpupulong kasama ang mga airline and aviations companies at top travel and tour operators sa LA.… Continue reading DOT, nakipagpulong sa LA travel and trade stakeholders para makapanghikayat pa ng mas maraming foriegn tourist sa bansa

Embahada ng Pilipinas sa Cambodia, mamamahagi ng libreng tickets sa OFWs para sa pagsuporta sa Philippine team sa 2023 SEA Games

Para mabigyan ng suporta ang Philippine team na lalaban sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia, nakatakdang mamahagi ng libreng tickets ang embahada ng Pilipinas sa Cambodia para sa OFWs na kasalukuyang nagta-trabaho doon. Ayon sa embahada, mag-uumpisa ang kanilang pamamahagi ng libreng tickets sa darating na April 25, Martes, sa moblie applications at official… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Cambodia, mamamahagi ng libreng tickets sa OFWs para sa pagsuporta sa Philippine team sa 2023 SEA Games