LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, tuluyan nang kinansela ng PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police o PNP na kanselado na ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na nakitaan ng discrepancy ang LTOPF ng dating gobernador Aniya, lumabas sa inisyal… Continue reading LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, tuluyan nang kinansela ng PNP

Progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, umabot na sa 60%

Umakyat na sa 60% ang progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, mula sa mga lugar na apektado ng pagtagas ng langis, mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong ika-28 ng Pebrero. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni PCG Vice Admiral Rolando Punzalan Jr. na inaasahang mas magiging… Continue reading Progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, umabot na sa 60%

DOTr, opisyal nang sinelyuhan ang kontrata sa pagtatayp ng MRT Line 4

Pormal nang lumagda ngayong araw si Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista ng kontrata sa Shadow Operator Consultant na Ricardo Rail Australia Party Limited para sa ganap na pagtatayo ng Metro Rail Transit o MRT line 4. Sakaling matapos ang 13 kilometrong proyekto, aarangkada ang MRT line 4 na babagtas mula Ortigas Avenue… Continue reading DOTr, opisyal nang sinelyuhan ang kontrata sa pagtatayp ng MRT Line 4

Paglilinaw ni Sen. Bato dela Rosa, sa mga kasong may kaugnayan lamang sa ICC nito kukunin si Sen. Francis Tolentino bilang abugado

Nilinaw ni Senador Ronald ‘Bato’ Sela Rosa na sa mga kasong may kinalaman lamang sa International Criminal Court (ICC) niya kukunin ang serbisyo ni Senador Francis Tolentino bilang kaniyang abugado. Ayon kay Dela Rosa, mula pa nang magsimula ang isyu niya sa ICC ay kinausap na niya si Tolentino para tumayong legal counsel niya. Kumpiyansa… Continue reading Paglilinaw ni Sen. Bato dela Rosa, sa mga kasong may kaugnayan lamang sa ICC nito kukunin si Sen. Francis Tolentino bilang abugado

Pagususuot ng kumportableng uniporme ng mga pulis ngayong tag-init, pinag-aaralan na ng NCRPO

Gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang National Capital Region Police Office o NCRPO. Ito’y upang magampanan ng mga pulis sa Metro Manila ang kanilang tungkulin sa kabila ng matinding init ng panahon. Sa kaniyang pagbisita sa Eastern Police District o EPD sa Pasig City ngayong araw, sinabi ni NCRPO Director, P/MGen. Edgar Allan Okubo… Continue reading Pagususuot ng kumportableng uniporme ng mga pulis ngayong tag-init, pinag-aaralan na ng NCRPO

Pamahalaan, tiniyak na maibabalik sa normal ang sitwasyon sa Masbate matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng Militar, NPA

Ginagawa na ng gobyerno ang lahat upang maibalik sa normal ang sitwasyon sa Masbate, partikular sa paaralan na malapit sa pinangyarihan ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng NPA, noong ika-20 ng Marso. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. na bukod sa AFP… Continue reading Pamahalaan, tiniyak na maibabalik sa normal ang sitwasyon sa Masbate matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng Militar, NPA

Alkalde ng Taguig, pinapurihan ang dalawang babaeng pulis sa kanilang pagtanggi sa suhol

Pinapurihan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang dalawang babaeng pulis matapos tumangging tanggapin ang mahigit ₱100,00 na suhol mula sa naarestong Chinese national na sangkot sa iligal na droga. Kinilala ng Akalde ang dalawang pulis na sina Patrolwoman Monalisa Bosi at Patrolwoman Charmaine Galapon na kapwa naka-assign sa Taguig City Police Sub-Station 1 na… Continue reading Alkalde ng Taguig, pinapurihan ang dalawang babaeng pulis sa kanilang pagtanggi sa suhol

‘No Leave Policy’ para sa frontliners ng PPA, ipapatupad bilang paghahanda sa Holy Week

Magpapatupad na rin ng No Leave Policy at cancelled day off ang Philippine Ports Authority (PPA) para sa mga frontliner nito, bilang paghahanda sa Semana Santa, lalo’t tinatayang nasa 2.2 milyon na pasahero ang inaasahang dadagsa sa mga pantalan. Higit na mas mataas ito, kumpara sa 1.2 milyong pasahero na naitala noong 2022, sa kaparehong… Continue reading ‘No Leave Policy’ para sa frontliners ng PPA, ipapatupad bilang paghahanda sa Holy Week

13,000 liters ng tubig at langis, na-recover sa Oriental Mindoro

Lumobo na sa mahigit 13,000 litro ng magkahalong tubig at langis ang narekober sa dagat na sakop ng Oriental Mindoro. Mula ito sa langis na patuloy ang pagtagas mula sa lumubog na MT Princess Empress. Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 13,383 liters ng oily water mixture ang nakolekta bukod sa 139 sako… Continue reading 13,000 liters ng tubig at langis, na-recover sa Oriental Mindoro

CAAP, nagsagawa ng Hazard and Risk Identification Workshop para sa kawani at sektor ng air transports

Upang mas mapaigitng pa ang serbisyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) lalo na sa usapin ng airway traffic system ng aircraft, at lahat ng paliparan sa bansa nagsagawa ng Risk and Identification workshop ang lahat ng kawani ng air traffic management system at air transport sector ng bansa. Katuwang sa naturang workshop… Continue reading CAAP, nagsagawa ng Hazard and Risk Identification Workshop para sa kawani at sektor ng air transports