Bagong Emergency 122 Hotline, pwede ng gamitin ng mga taga-QC

Binuksan na ng Quezon City Government ang bago nitong Emergency Hotline para sa agarang responde anumang oras ng mga residente. Maaari nang tumawag o mag-dial ng 122 kung saan ang hotline na ito ay konektado sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Quezon City Police District at Bureau of Fire Protection. Sinabi ni… Continue reading Bagong Emergency 122 Hotline, pwede ng gamitin ng mga taga-QC

“Agri-scholarship” para sa dependents ng mga magsasaka, ipinapanukala

Itinutulak ng ilang mambabatas ang pagbibigay ng scholarship sa mga kwalipikadong dependent ng indigent farmers. Sa ilalim ng House Bill 7572 nina Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, Benguet Representative Eric Yap at ACT-CIS Party-list Representative Edvic Yap, bibigyan ng libreng tuition fee at iba pang subsidiya ang mga anak o iba pang dependent… Continue reading “Agri-scholarship” para sa dependents ng mga magsasaka, ipinapanukala

MMDA, all set na para sa Summer MMFF

Kasado na nga ang mga paghahanda para sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) na sisimulan ng Parade of Stars na gagawin sa Quezon City sa Abril 2. Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), ngayong araw.… Continue reading MMDA, all set na para sa Summer MMFF

DOH, pinaalalahanan ang mga magulang na nagpapalangoy sa kanilang anak sa inflatable pools

Pinaiiwas ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na mahilig magpalangoy sa kanilang mga anak sa inflatable pools sa paggamit ng kemikal sa tubig. Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas maraming posibleng hindi magandang mangyari sa tuwing gagamit ng kemikal para makatipid lang sa tubig. Aniya naiintindihan niya na mahal na… Continue reading DOH, pinaalalahanan ang mga magulang na nagpapalangoy sa kanilang anak sa inflatable pools

Nationwide consultation sa pagsasa-legal ng cannabis, inilunsad ni Rep. Pantaleon Alvarez

Magkakasa ng isang konsultasyon si Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez kaugnay sa panukala nitong alisin sa listahan ng dangerous drugs ang cannabis o marijuana. Sa kaniyang Facebook page ay inanunsyo ng dating House Speaker ang kaniyang National Marijuana Consultation Tour. Aniya, mag-iikot siya sa buong bansa upang alamin ang sentimyento ng publiko hinggil sa… Continue reading Nationwide consultation sa pagsasa-legal ng cannabis, inilunsad ni Rep. Pantaleon Alvarez

Kilusan sa pagwawasto ng kasaysayan, nakiisa sa NTF-ELCAC sa pagtutol sa “Human Rights Defenders’ Protection Bill”

Sinegundahan ng Kilusan sa Pagwawasto ng Kasaysayan (KPK) ang posisyon ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kontra sa House Bill 77 o “Human Rights Defenser’s Protection bill”. Ang KPK ay kinabibilangan ng iba’t ibang grupo ng mga dating kasapi ng kilusang komunista, at advocacy groups na kontra sa armadong… Continue reading Kilusan sa pagwawasto ng kasaysayan, nakiisa sa NTF-ELCAC sa pagtutol sa “Human Rights Defenders’ Protection Bill”

MUP pension reform, sisikaping maipasa ng Kamara bago ang sine die adjournment

Kabilang ang Military and Uniformed Personnel pension reform sa walong nalalabing LEDAC priority bills na target tapusin ng Kamara. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isa ang Unified System of Separation, Retirement and Pension for Uniformed Personnel Bill sa mga nais nilang pagtibayin bago ang sine die adjournment ng Kongreso. “We are working double time… Continue reading MUP pension reform, sisikaping maipasa ng Kamara bago ang sine die adjournment

Libo-libong trabaho alok sa isasagawang job fair bukas Pasay City

Inaanyayahan ng Pasay LGU ang mga residente na makiisa sa ikakasang job fair bukas. Isasagawa ito sa Pasay City Hall simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon kung saan 50 kumpanya makikilahok sa job fair at libo-libong trabaho ang makikita sa local at overseas. Kabilang sa bakanteng trabaho ang barista, cashier, sales clerk, register… Continue reading Libo-libong trabaho alok sa isasagawang job fair bukas Pasay City

Contempt order laban sa dalawang opisyal ng Super Five cold storage, inalis na

Binawi na ng House Committee on Agriculture and Food ang contempt order laban sa dalawang opisyal ng Super Five cold storage facility. March 21 nang i-contempt ng komite sina Michael King Ang at Joerge Ong sa gitna ng pagdinig sa hoarding at price manipulation ng sibuyas dahil sa pagiging non-cooperative at evasive. Ayon kay Quezon… Continue reading Contempt order laban sa dalawang opisyal ng Super Five cold storage, inalis na

PPA, pinagpapaliwanag ng Senado sa mga reklamo sa pagtataas ng singil sa mga pantalan

Hinihintay pa ng Senate Committee on Public Services ang sagot ng Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa isyu ng pagtataas ng shipping at logistic costs sa mga pantalan. Ito ay bilang tugon sa panawagan ng major shipping at logistics companies na magsagawa ng Senate investigation tungkol sa isyu. Ayon kay Committee Chairperson Senador Grace Poe,… Continue reading PPA, pinagpapaliwanag ng Senado sa mga reklamo sa pagtataas ng singil sa mga pantalan