Pamahalaan, nakaalalay sa mga mangingisdang apektado sa paglalatag ng China ng boya sa Bajo de Masinloc

Prayoridad ng pamahalaan na mapaabutan ng tulong ang mga mangingisdang Pilipino, nasa West Philippine Sea (WPS) man ang mga ito o sa ibang bahagi ng bansa. Pahayag ito ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya nang tanungin kung paano tutulungan ng pamahalaan ang mga managingisda na hindi makalapit ngayon sa Bajo de… Continue reading Pamahalaan, nakaalalay sa mga mangingisdang apektado sa paglalatag ng China ng boya sa Bajo de Masinloc

Mga arestado sa paglabag sa gun ban, lagpas na sa 900

Umabot na sa 926 ang mga indibidwal na naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa nationwide gun ban kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang pinakamarami sa mga naaresto ay sibilyan na umabot… Continue reading Mga arestado sa paglabag sa gun ban, lagpas na sa 900

Pagpapasa ng panukalang Philippine Maritime Zones act, kailangan na – Senador Joel Villanueva   

Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na kinakailangan nang iprayoridad ang pagpapasa ng Philippine Maritime Zones Act, na naglalayong magdeklara ng maritime zones na nasa pamamahala ng Pilipinas kabilang na ang internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zones, exclusive economic zones at continental shelf. Ginawa ng majority leader ang pahayag na ito kasunod… Continue reading Pagpapasa ng panukalang Philippine Maritime Zones act, kailangan na – Senador Joel Villanueva   

‘Reset’ ng power transmission rates, asahang mailalabas ng ERC sa Oktubre

Posibleng sa Oktubre ay mailabas na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang desisyon nito ukol sa reset ng power transmission rates. Sa pagsalang ng panukalang pondo ng ERC sa plenaryo, natanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung ano ang update sa pangako nito na bababa ang singil sa kuryente oras na maipatupad ang… Continue reading ‘Reset’ ng power transmission rates, asahang mailalabas ng ERC sa Oktubre

Panukalang Magna Carta for Seafarers, sinertipikahang urgent bill ng Malakanyang

Sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent bill ang Senate Bill 2221 o ang panukalang Magna Carta for Seafarers. Binahagi ni Senate Majority leader Joel Villanueva ang Certification of Urgency mula Malakanyang na pinadala sa opisina ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong araw, September 25. Base dito, nakasaad na kailangang agad na… Continue reading Panukalang Magna Carta for Seafarers, sinertipikahang urgent bill ng Malakanyang

Lokal na Pamahalaan ng San Juan, namahagi ng cash gift sa senior citizens sa lungsod

Pinagkalooban ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang mga senior citizen sa lungsod ng cash gift. Ito ‘yung mga senior citizen na nagdiriwang ng kanilang 70, 80, at 90 kaarawan ngayong taon. Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora at mga opisyal ng lungsod ang selebrasyon at pamamahagi ng cash gift sa San… Continue reading Lokal na Pamahalaan ng San Juan, namahagi ng cash gift sa senior citizens sa lungsod

LTO, naglabas ng Show Cause Order laban sa registered owner ng viral road rage video sa Cavite

Nag-isyu na ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan na ang driver nito ay nasangkot sa panibagong road rage sa Imus, Cavite. Isang babae ang lumalabas na rehistradong may-ari ng puting Honda CRV na may plakang REN123. Binigyan lamang ng limang araw ng LTO ang may-ari… Continue reading LTO, naglabas ng Show Cause Order laban sa registered owner ng viral road rage video sa Cavite

Mga public hospital sa Metro Manila, sasailalim sa inspection ng ARTA

Sinimulan na ngayong araw ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang isang linggong inspection sa mga public hospital sa Metro Manila. Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, nais nito na tiyakin ang kanilang pagsunod sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. Ang Section 3 ng… Continue reading Mga public hospital sa Metro Manila, sasailalim sa inspection ng ARTA

Budget ng Marawi Compensation Board, hihilingin itaas sa P10-B – Mindanao Solon

Titiyakin ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ipararating niya ang panawagan sa plenaryo na dagdagan ang budget ng Marawi Compensation Board (MCB). Nakatakdang sumalang ang budget ng MCB bulas sa plenary debates. Aniya, kanyang pinaghandaan ang gagawin niyang interpalasyon, sa katunayan nakipagpulong siya sa mga miyembro ng MCB isang linggo bago ang… Continue reading Budget ng Marawi Compensation Board, hihilingin itaas sa P10-B – Mindanao Solon

246 barangay, irerekomenda ng PNP na mapabilang sa areas of grave concern sa BSKE

Irerekomenda ng Philippine National Police (PNP) na mapabilang sa “red category” o “areas of grave concern” ang 246 na barangay sa bansa, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame, ngayong araw. Bukod dito, sinabi ni… Continue reading 246 barangay, irerekomenda ng PNP na mapabilang sa areas of grave concern sa BSKE