DTI, pinag-aaralan pa ang hirit ng manufacturers na taas-presyo ng kanilang produkto

Pinag-aaralan pa rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng ilang mga manufacturer na itaas ang presyo ng ilan sa kanilang mga produkto Ayon kay Trade Assistant Secretary Jean Pacheco, nais ng kagawaran na matalakay ang naturang usapin kasama ang lahat ng mga manufacturer na naghain ng kanilang petisyon. Dagdag pa nito,… Continue reading DTI, pinag-aaralan pa ang hirit ng manufacturers na taas-presyo ng kanilang produkto

Karagdagang biyahe mula South Korea patungong Palawan, magdudulot ng mas maraming turista – DOT  

Inaasahan ngayon na lalo pang darami ang bilang ng mga Korean tourist na magtutungo dito sa Pilipinas. Ito ay matapos maisapinal ang pagbubukas ng isang flight mula South Korea patungo sa Palawan. Sa kabila nang pagdami ng mga Koreano na gustong magpunta ng Palawan, naisipan ng pamahalaan na buksan na ang panibagong ruta. Ayon sa… Continue reading Karagdagang biyahe mula South Korea patungong Palawan, magdudulot ng mas maraming turista – DOT  

DOF, suportado ang magiging “policy response” ng Executive Department sa panukalang ibaba ang taripa sa bigas

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kasalukuyang pinag-uusapan pa sa Executive Department ang panukalang bawasan ang taripa ng bigas. Ito ay bilang bahagi ng komprehensibong hakbang upang ibaba ang presyo ng bigas sa pamilihan, at maibsan ang posibleng kakulangan ng bigas dulot ng patuloy na epekto ng El Niño phenomenon. Ito ang sagot ni… Continue reading DOF, suportado ang magiging “policy response” ng Executive Department sa panukalang ibaba ang taripa sa bigas

SOPA: P176-M assistance, naibigay sa mga magsasaka sa Ilocos Norte – Gov. Manotoc

Umabot sa P176 milyong piso ang naibigay na tulong sa mga magsasaka sa Ilocos Norte sa pamamagitan ng “Argi ka Dito” program. Sa naging State of the Province Address ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, sinabi nito na kabilang sa naipamahagi ang 125 essential farming equipments, at 17,276 small farm equipments. Inihayag din ni Gov. Manotoc… Continue reading SOPA: P176-M assistance, naibigay sa mga magsasaka sa Ilocos Norte – Gov. Manotoc

Senador Chiz Escudero sa Bureau of Customs: “Kasuhan na ang mga rice smuggler”

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Bureau of Customs (BOC) na kasuhan na ang mga rice smuggler at hoarder, matapos ang maraming raid sa mga warehouse ng bigas nitong mga nakalipas na buwan. Tanong ni Escudero, bakit hindi pa pinapangalanan sa publiko ang traders at operators na sangkot sa mga warehouse na na-raid ng mga… Continue reading Senador Chiz Escudero sa Bureau of Customs: “Kasuhan na ang mga rice smuggler”

Kauna-unahang Halal App na tutugun sa mga halal services sa bansa, inilunsad!

Isinasagawa ngayon sa Makati City ang paglulunsad ng kauna-unahang Halal App sa bansa na makakatulong sa ating mga kababayan sa paghahanap ng Halal services. Ang Zouq App na pinangunahan ng kanilang Chairman /CEO na si Mohamad Aquia ng Zouq halal software corp, ibinahagi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Halal presence online dahil aniya, itoy… Continue reading Kauna-unahang Halal App na tutugun sa mga halal services sa bansa, inilunsad!

Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang larawan mula sa CCTV footage ng mga suspek sa pamamaril at pagpatay kamakailan kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Abra. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nanawagan si PNP Public Information Office Chief Police Police Colonel Jean Fajardo sa publiko, na tumulong sa pagkilala sa mga… Continue reading Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

3-Day Rice Technology Forum ng DA, dadaluhan ng 2,000 participants

RemasterDirector_1a5c03258

Ilulunsad na simula bukas, September 19 hanggang September 21, 2023, sa Probinsya ng Davao del Sur ang 16th National Rice Technology Forum (NRTF) ngDepartment of Agriculture (DA) sa pakipagtulungan ng Rice Board. Mayroong temang “Masaganang Palay at Bigas, Maunlad na Pilipinas,” ang forum ay naglalayong isulong ang pag-adopt ng hybrid rice technology at i-showcase ang… Continue reading 3-Day Rice Technology Forum ng DA, dadaluhan ng 2,000 participants

Mga residente ng Paniqui, Tarlac, nabigyan ng tulong ng PCSO

Namahagi ng tulong ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga residente ng Paniqui, Tarlac. Layon ng programa na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na komunidad sa iba’t ibang lugar sa bansa. Pinangunahan ni PCSO Director Jennifer Guevarra ang pagbibigay ng 1,000 food packs sa mga benepisyaryo sa Eduardo Cojuangco Gymnasium. Bukod dito ay… Continue reading Mga residente ng Paniqui, Tarlac, nabigyan ng tulong ng PCSO

MMDA, pag-aaralan ang suhestiyon na taasan ang multa sa mga jaywalker sa EDSA at C-5

Pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suhestiyon na taasan ang multa sa mga jaywalker o tumatawid sa maling tawiran sa EDSA at C-5. Ito ay matapos na mabundol ng motorsiklo ang isang pedestrian habang naglalakad sa lagpas sa bike lane, sa bahagi ng EDSA Guadalupe Southbound, kagabi. Sugatan ang biktima at ang driver… Continue reading MMDA, pag-aaralan ang suhestiyon na taasan ang multa sa mga jaywalker sa EDSA at C-5