DHSUD at UPAC, bumuo ng TWG upang matugunan ang problema sa tirahan

Bumuo na ng Technical Working Group (TWG) ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Urban Poor Action Committee (UPAC). Nilalayon ng TWG na mas pabilisin pa ang implementasyon ng programang pabahay na accessible sa mahihirap na sektor. Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pagbuo ng TWG ay tugon sa panawagan… Continue reading DHSUD at UPAC, bumuo ng TWG upang matugunan ang problema sa tirahan

Emergency meeting para sa pagpapatupad ng EO 39 ni PBBM, idinaos sa La Union

Nagdaos ng emergency meeting ang La Union Price Coordinating Council (LUPCC) sa Provincial Capitol, San Fernando City, La Union. Napag-usapan sa pagpupulong ang Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Naging usapin ang mga isyu at hinaing ng mga stakeholders sa pagpapatupad ng utos ng pangulo. Napagkasunduan ang schedule ng mga… Continue reading Emergency meeting para sa pagpapatupad ng EO 39 ni PBBM, idinaos sa La Union

CCC, nanawagan sa publiko na pangalagaan ang mangrove ecosystem laban sa banta ng climate change at plastic pollution

Nangako ang Climate Change Commission (CCC) na pangalagaan ang mga mangrove ecosystem laban sa dual threat ng climate change at plastic pollution. Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje, ang mga bakawan ay mga ecosystem na nagsisilbing mahahalagang carbon sink. Nagbibigay din ito ng proteksyon sa mga komunidad sa baybayin mula sa… Continue reading CCC, nanawagan sa publiko na pangalagaan ang mangrove ecosystem laban sa banta ng climate change at plastic pollution

NEA, nakapagpautang na ng higit P846-M sa mga electric cooperatives hanggang Agosto

Nakapagpalabas na ng P846.71 million na halaga ng pautang ang National Electrification Administration (NEA) para sa 22 electric cooperatives (ECs) hanggang Agosto,2023. Batay sa datos ng NEA – Accounting Management and Guarantee Department, aabot sa P411.86 million ang nagamit para sa capital expenditure loans ng 16 ECs. Samantala, P372 million naman ang nahiram o nautang… Continue reading NEA, nakapagpautang na ng higit P846-M sa mga electric cooperatives hanggang Agosto

Kamara, pagbubutihin pa ang pagta-trabaho kasunod ng mataas na performance rating survey

Nangako ang liderato ng Kamara na pagbubutihin pa ang pagta-trabaho at paglilingkod matapos makakuha ng mataas na performance rating sa ginawang survey ng OCTA research. Nasa 54% sa mga respondent ang kuntento sa trabaho ng Kamara, 9% ang hindi at 36% ang undecided. Nakakuha rin ang Kamara ng 55% na trust rating. Pinasalamatan ni Speaker… Continue reading Kamara, pagbubutihin pa ang pagta-trabaho kasunod ng mataas na performance rating survey

DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Masbate

Namigay na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Region sa mga pamilyang nasunugan sa bayan ng Placer sa lalawigan ng Masbate. Batay sa ulat, walong (8) pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Barangay Katipunan. Bawat pamilya ay binigyan ng dalawang box ng family food packs, hygiene kits at… Continue reading DSWD, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Masbate

Mga Tumalima sa EO 39 ni PBBM sa Butuan, nasa 90% na

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga na natanggap na nila mula sa Department of Trade and Industry (DTI Caraga) ang listahan ng small at micro rice retailers na apektado ng Executive Order (EO) 39 at kasalukuyan pa itong ipinasailalim sa validation. Sinabi ni Marco Davey Reyes, tagapagsalita ng DSWD Caraga, na… Continue reading Mga Tumalima sa EO 39 ni PBBM sa Butuan, nasa 90% na

Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Nasa 25 indibidwal na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Pinakamaraming namatay ay mula sa District 6 na umabot sa walong (8) indibidwal, sunod ang District 2 na may lima (5), tig-apat(4) naman sa District 4, tatlo (3) sa District 3 at isa (1) sa District 1. Ayon sa ulat ng Quezon… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Higit isang libong examinees, nakapasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination -CSC

Nakatakdang igawad ng Civil Service Commission (CSC) ang Local Treasurer Eligibility sa may 1,018 indibidwal na nakapasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE) na ginanap noong Hunyo 11, 2023. Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ang bilang na ito ay kumakatawan sa 18.09% ng 5,626 kabuuang bilang ng examinees. Si Jenny B. Sagario… Continue reading Higit isang libong examinees, nakapasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination -CSC

Mandaluyong LGU, naglabas ng listahan ng rice retailers na nagbebenta ng murang bigas

Dalawang public market sa Mandaluyong ang tuloy-tuloy na nagbebenta ng murang bigas na P41 at P45. Sa inilabas na listahan ng Mandaluyong City government, kabilang sa mga rice stalls na nagbebenta ng itinakdang presyo ng bigas ay ang Pacheco Rice Store at Eliza Fotuleza Rice Store sa public market sa General Kalentong Street. Sa isa… Continue reading Mandaluyong LGU, naglabas ng listahan ng rice retailers na nagbebenta ng murang bigas