Klase sa Malabon, Caloocan, at Navotas, sinuspinde dahil sa malakas na ulan

Nag-anunsyo na ng suspensyon sa klase ang pamahalaang lungsod ng Navotas at ng Malabon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Sa abiso ng Navotas LGU, kanselado ang mga klase ngayong araw, August 31, 2023, sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong lungsod. Ito ay batay pa rin sa rekomendasyon ng Navotas… Continue reading Klase sa Malabon, Caloocan, at Navotas, sinuspinde dahil sa malakas na ulan

Mga kumpanyang Hapon, hinihikayat ng DOTr para lumahok sa bidding para sa PPP Projects

Patuloy ang ginagawang panliligaw ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa mga Japanese Company para mamuhunan sa Pilipinas. Sa kanyang pagdalo sa Pihlippine Investment Opportunities Forum sa Tokyo, tatlong proyekto sa ilalim ng Public Private Partnerhship (PPPs) ang kaniyang iniaalok sa mga negosyanteng Hapon. Dalawa aniya sa mga ito ay sa ilalim ng… Continue reading Mga kumpanyang Hapon, hinihikayat ng DOTr para lumahok sa bidding para sa PPP Projects

Bilang ng mga nagpapatala para sa Alternative Learning System, unti-unti na ring tumataas

Kahit nagsimula na ang klase, patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng mga nag-eenroll para sa School Year 2023-2024. Batay sa pinakahuling datos mula sa Learner Information System Quick Count ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 24,324,111 ang kabuuang bilang ng mga enrollee. Nangunguna pa rin ang Region 4A o CALABARZON sa may… Continue reading Bilang ng mga nagpapatala para sa Alternative Learning System, unti-unti na ring tumataas

Pagbabalik ng batuta at silbato ng mga pulis, kinokonsidera ng PNP Chief

Kinokonsidera ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mungkahi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ibalik ang paggamit ng silbato at batuta sa mga pulis. Ayon kay Gen. Acorda, napag-usapan nila ni Sen. Dela Rosa ang mga nakalipas na insidente kung saan namamaril agad ang mga pulis. Isa aniya sa… Continue reading Pagbabalik ng batuta at silbato ng mga pulis, kinokonsidera ng PNP Chief

Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ipagpaliban na muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa. Ito ay sa gitna ng hinaing ng publiko tungkol sa dagdag na mga dokumentong hihingin sa paglabas ng bansa dahil pasakit… Continue reading Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Bacolod City, isinailalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Goring

Isinailalim na sa State of Calamity ang Bacolod City kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan sa lungsod dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat na pinalakas lalo ng Bagyong #GoringPH. Sa 61st regular session ng Bacolod City Council, inaprubahan ng mga konsehal ang request ni Mayor Albee Benitez na magdeklara ng State of Calamity. Batay… Continue reading Bacolod City, isinailalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Goring

Contempt order laban sa tatlong pulis Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, inalis na ng Senate panel; Kustodiya ng tatlong pulis, inilipat sa Kampo Crame

Copy of Copy of cttee hearing - 1

Inalis na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang contempt order sa tatlong miyembro ng Navotas City Police na isinasangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar na isang kaso ng mistaken identity. Sa kabila nito, sinabi pa rin ni Committee Chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mananatili sa kustodiya ng PNP general… Continue reading Contempt order laban sa tatlong pulis Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, inalis na ng Senate panel; Kustodiya ng tatlong pulis, inilipat sa Kampo Crame

Hepe ng Mandaluyong City Police Station, sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa drug test

Kinumpirma ni Eastern Police District Director Police Brigadier General Wilson Asueta na sinibak na sa puwesto ang hepe ng Mandaluyong City Police Station na si Police Colonel Cesar Gerente. Ito ay matapos umanong magpositibo sa isinagawang surprise drug test ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong August 24. Ayon kay Asueta, inilagay muna si… Continue reading Hepe ng Mandaluyong City Police Station, sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa drug test

P13-M halaga ng shabu, nasabat sa San Carlos City

Nakumpiska ng San Carlos City Police Station ang mahigit 2 kilo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Hacienda Sta. Ana, Brgy. Palampas, San Carlos City, Negros Occidental. Arestado sa operasyon sina John Valentin Remegio, 34 na taong gulang at residente ng Brgy Caingin, La Paz, Iloilo Cityat Crismark Blancaflor, 27 taong gulang at residente… Continue reading P13-M halaga ng shabu, nasabat sa San Carlos City

Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang nag-viral na dating pulis na nanakit ng isang biker sa Quezon City kamakailan. Sa sertipikasyon na nilagdaan ni Wilhelmina Aileen B. Mayuga, Judicial Staff Head ng Office of Associate Justice Ricardo R. Rosario, kinumpirma ng SC na empleyado nila ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa… Continue reading Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC